Isinaayos ng mga puting sorcerer ang kanilang kubol matapos ang labanan, may ilan kasing parte rito ang natupok o' di kaya ay napinsala ng husto sa nangyaring digmaan. Nilapatan na ng lunas ang paso ni Cielo sanhi ng pagkakahagip nito kanina sa itim na salamangka. At maging ang pagdurugo sa tagiliran ni Dominick ay nagamot na, sanhi naman ng pagkakasaksak sa kaniya kanina. Ang mga sugatan naman, ay agad na ring nilapatan ng mga paunang lunas na kanilang kakailanganin para rito. Habang ang mga nasawi naman, ay inihilera na lamang sa isang parte ng masukal na kagubatan. Hindi na kasi maaaring gawin ng mga puting sorcerer ang kanilang tradisyon na pamamaalam sa mga nasawi, dahil masyadong malapit sa mga kalaban ang sakop ng dagat sa Sorceria upang gawin ito. Bagkus, ay kanila na lamang sinunog ang mga labi nito, hanggang sa maabo ito, at saka kumalat kasama ng hangin.
"Ipinapangako ko... hindi masasayang ang pagbubuwis ninyo ng buhay para sa paglaya ng mga puting sorcerer sa kamay ng mga ganid nating kaaway," pamamaalam ni Mia sa kanila.
Pagtapos nito, ay saka nag alay ang pinuno ng mga puting sorcerer ng isang tumpok ng prutas. Mala-multo ang katahimikan sa paligid, maliban sa ugong ng hangin na nagpapagalaw sa mga halaman at puno sa paligid. Habang pinili naman ni Mia na maglakad na lamang pabalik sa kanilang kubol, dala-dala ang pangakong kaniyang binitiwan sa harap ng mga nasawi nitong nasasakupan at maging sa mga nabubuhay pa at lumalaban para sa kalayaan nila.
Sa kubol naman, ay hinahanap pa rin ni Hadley kung nasaan na ba si Noah. Mag-iisang oras nang natatapos ang labanan, subalit hindi pa rin niya ito natatagpuan sa loob at labas ng kanilang kuta. Tila ba isang bula na naglaho na lamang bago magsimula ang labanan.
"Balisa ka yata, mahal ko?" Pagtataka ni Maxim.
"Wala lamang ito, mahal ko... napapaisip lamang ako sa mga bagay-bagay," sagot ni Hadley.
"Puyat lamang iyan... magpahinga ka na sa loob ng kubol," payo pa ni Maxim.
Tumango na lamang si Hadley at saka pumasok sa loob ng kubo, habang siya naman ay naiwan sa labas upang magpahangin. Bigla rin kasing pumasok sa kaniyang isipan ang pamumuhay nito sa mundo ng mga tao. Isa kasi siyang buhay-prinsipe roon, kumpara rito na para bang siya ang pinaka walang silbi pagdating sa labanan na kailangan pang laging itago upang hindi makagulo sa labanan.
Dumating naman na si Mia sa kubol, at agad itong sinalubong ng iba pang mga puting sorcerer. Kalaliman na ng gabi, subalit mas pinili nito ang umupo at lumagok ng serbesa. Nakita naman ni Cielo ito, at tila ba nagulantang ito. Unang beses niya kasi itong nakitang nag-inom ng alak sa matagal na taon nitong naging kanang kamay sa kaniya, lalo na at ang ina nitong si Quesana ay hindi rin pa-inom. Marahil ay masyadong malalim ang problema nito, kaya tinabihan na niya lamang ito.
"Tila balon yata ang iniisip mo?" Pagtataka ni Cielo.
"Kailangan kong mag isip-isip," sagot ni Mia.
"May iba ka pang dapat na unahin kaysa riyan! Ang plano... ang palasyo... ang mga natitira nating kapanalig dito," pagtutuwid ni Cielo sa kaniya.
Agad nitong kinuha mula sa kaniya ang hawak nitong bote ng serbesa, at saka itinapon. Malakas ang pagkakabato nito, dahilan upang mabasag sa maliliit na piraso ng bubog ang naturang bote ng serbesa nito.
"Tignan mo ang ginawa mo!" Sumbat ni Mia.
"Gumising ka, Mia! Marami pa ang umaasa sa'yo upang sumuko ka... nasayo ang ilaw ng kalakasan nila kaya hindi ka maaaring mapundi o' di kaya ay mawawalan ng kuryente ang bawat isa sa'tin," turan ni Cielo. "Huwag kang panghinaan ng loob, nagawa nga natin silang paatrasin kanina. Buo pa ang diwa nating lahat, lalo na at nagkakaisa ay hindi matitibag ng kahit pa kapangyarihan ng Reluvious."
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
