~𝕳𝖆𝖉𝖑𝖊𝖞 𝕷𝖆𝖇𝖆𝖓 𝕶𝖆𝖞 𝕭𝖗𝖎𝖆𝖓𝖓𝖆~

270 11 2
                                        

Nakarating na sa trono sina Mia, kung saan kaagad itong nagpasabog ng paligid upang pabagsakin ang pwersa ng mga itim na sorcerer doon. Napatayo naman si Arthana sa kaniyang nasaksihan, at saka nito inilabas ang kaniyang saglip. Ilang sandali pa, ay pumalibot na ang mga puting sorcerer sa trono at hanggang sa tanging siya na lamang ang tanging itim na sorsera roon.

"Tapos na ang pagpapahiram ko sa'yo sa aking trono, higit sa aming palasyo! Binabawi na namin ito sainyo," sabi ni Mia.

Agad na tinignan ni Arthana nang matalas ang kaniyang katunggali, batid kasi nito na hindi nito kayang labanan nang sugatan pa ang lahat ng mga kalaban nito sa trono.

"Wala ka nang laban kaya kung ako ay sumuko ka na," alok ni Mia sa kaniya.

"Masaya na'kong namumuhay sa palasyong ito kaya hindi ko na 'to lilisanin kailanman!" Sagot ni Arthana.

Kalaunan pa, ay dumating na ang mga itim na sorcerer sa trono at pumalibot din sa mga puting sorcerer na naroroon. Itinutok naman nito ang kaniyang saglip kay Mia, at saka ito napangisi ng bahagya.

"Hangal ka kung iniisip mong malalamangan mo ang isang kagaya ko," sabi ni Arthana. "Hindi lamang ikaw ang maaaring lumamang sa labanang ito."

Ilang sandali pa, ay nagpaulanan na ng mga salamangka ang mga sorcerer doon sa trono. Nagtapat naman muli sina Mia, at saka ito mabilis na nagpatama ng puting salamangka patungo sa kaniya.

"Hindi mo mahihigitan ang kapangyarihan ko. Para ka lamang isang daga na nakikipag buwisan ng buhay sa pusa," sabi ni Arthana.

"Ngunit ang mga pusa ay natatakot din sa daga," buwelta ni Mia rito.

Muli itong nagpatama ng puting salamangka, na agad namang sinalagan ni Arthana gamit ang itim nitong kapangyarihan. Habang ang mga sorcerer naman sa paligid, ay nagpapatayan na gamit ang kani-kanilang mga salamangka.

Samantala, nagpasiklaban ng mahika ang magkakambal. Higit nang makapangyarihan ang tungkod ni Allaine na hawak-hawak ngayon ni Brianna, kaysa sa saglip ng kaniyang kakambal. Subalit hindi pa rin ito nawalan ng pag-asa, at mas pinakalakas pa nito ang pwersa ng kaniyang puting salamangka.

"Hindi mo ako kaya! Hindi mo kaya ang bagsik ng bago kong kapangyarihan!" Sigaw ni Brianna.

"Huwag kang magsalita ng tapos! Kasisimula pa lamang ng ating labanan," sagot ni Hadley.

"Kung isinuko mo na lamang sana sa'kin si Maxim, edi sana ay hindi na tayo naglalaban pa ng ganito!" Giit muli ni Brianna.

"Napaka-ganid mo talaga!" Sagot muli ni Hadley rito.

Nadaig ni Brianna gamit ang makapangyarihang lilang mahika ang kaniyang kakambal, at napatumba ito. Nakita naman ni Maxim ang mga kaganapan, at mabilis nitong nilapitan ang kaniyang kasintahan upang alalayan.

"Bakit ba mas pinipili mo pa ang isang 'yan kaysa sa'kin?! Bakit patuloy mo'kong sinasaktan sa tuwing nagpapakita ka ng pagmamahal sa kaniya?! Bakit?!" Giit nito rito.

"Dahil napakasama mo! Wala nang sisidlang pa ang kasamaan mo!" Sagot ni Maxim.

"Nagmamaakawa ako, iwan mo na siya! Ako na lamang ang iyong mahalin! Ipinapangako ko, higit ang pagmamahal na ibibigay ko sa'yo!" Pagmamakaawa pa ni Brianna.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon