Kabanata 1: Mahiwagang Gubat

869 87 31
                                        

Ilang panahon na rin ang nagdaan nang maganap ang sinasabing huling digmaan sa pagitan ng mga puti at itim na sorcerer, at ang digmaan na iyon ay nagmula sa pagkaganid ng mga itim na sorcerer sa kapangyarihan, at pagpapala ng pinaka-makapangyarihang aklat ng mahika roon sa kanilang daigdig na Reluvious. 

Kung sinuman kasi ang makapag-tatala at makapag-bubukas ng naturang aklat ay hihiranging pinaka-makapangyarihan at natatangi kaysa sinuman sa Sorceria. Sa madaling salita, ito ang naging basehan doon upang suriin kung sino nga ba ang tunay na pinaka makapangyarihan sa lahat. Kung sino ang may hawak sa aklat na yaon ay magtataglay kasi ng kakaiba at walang kasing lakas na kapangyarihan.

Ang Sorceria ay ibang mundong nakakubli sa mundo ng mga tao, at ito ay tinitirhan ng iba't-ibang mga lahi na tinatawag nilang mga sorsero't-sorsera. Kasama sa mga nananahan dito ang mga nilalang na aakalaing sa mitolohiya lamang matatagpuan, kabilang na ang mga sirena at lambana. 

Subalit hindi lingid sa payak na mata ng mga mortal, ang Sorceria ay hindi makikita at kahit mapupuna manlang ng mga pangkaraniwang tao. Tanging mga dugong-sorcerer lamang ang bukodtanging pinagpala upang makalabas-masok sa lagusang magkukubli sa kakaiba at kakatwang daigdig.

Sa kabilang banda, ang nakaraang digmaan ay tunay na naging mapait at mapang-dusa lalo na at marami ang agad na nagbuwis sa simula pa lamang nito. Marami ang nagbuwis ng buhay para sa kani-kanilang mga ipinaglalaban at layunin, mapa-sariling interes man o' para roon sa tahimik na kinabukasan ng lahat, malayo sa kaguluhang kagaya nito.

Ang Sorceria ay mala-multo sa katahimikan, liban sa isang pook dito kung saan alingawngaw ng mga pagsabog ang maririnig at mala-ulap namang mga usok ang matatanaw. Ito ay galing doon sa mahiwagang gubat, ang pusod ng Sorceria, ang lugar kung saan nagaganap ngayon ang matinding labanan. Labanang tuluyang naghati sa buong daigdig ng mga sorcerer.

Bukod sa pagiging marka nito bilang ang pusod ng lahat, marami pang lihim ang Mahiwagang Gubat na mangyaring kay hirap intindihin. Bagay na mahirap din namang paniwalaan, lalo na at kung ito ay hindi masasaksihan ng harap-harapan.

Ito ay nagsisilbing tahanan hindi lamang ng mga kakaibang nilalang, kung hindi maging ng mga kakaibang puno't-halaman na tanging doon lamang sa gawing yaon matatagpuan. Mga punong pawang nagliliwanag kapag gabi. Ngunit huwag papalinlang sa mayuming anyo ng mga ito, dahil kung gaano ito kaganda ay siya ring itinatago ang kapangyarihan nito. Ang iilan ay may silbi, habang ang iilan naman ay mapamuksa.

Dito rin matatagpuan ang mga kapre, mga higante silang inatasan upang maging tagapagbantay sa malawak na lupain ng mahiwagang gubat. Kasama nilang tumitira rito ang mga duwende na kabaliktaran naman ang ang laki kaysa sa mga kapre. Hindi rin kagaya ng mga kapre, sila ay kay dalang lamang magpakita sa mga nilalang.

Ang mga damuhan at ugat ng mga puno ay nadiligan ng mga mapupulang dugo mula sa mga nalagas na sorcerer, at ang mga bangkay ay libreng pakain sa mga buwitre. Tila ba isa itong masayang pista sa kanila, subalit para sa mga naglalaban ay pasakit ito ng hinaharap. Isang tahasang kalapastanganan kung tutuusin.

Walang natural na kakampi ang mga itim na sorcerer sapul ng lumipat ito sa kadiliman. Maging ang mga kapre at duwende ay mamamataan din na kumikitil sa ilang itim na sorcerer, ngunit nagagawa pa rin nilang pantayan ang digmaan dahil sa lupit ng kanilang kapangyarihan. Hindi pa rin sila maituturing na lugi sa labanan.

Malaki na ang naipinsala ng digmaan, ngunit patuloy pa ring namiminsala sa paglipas ng mga sandali. Ang mga bilang ng nalalagas ay pinapantayan na ang dami ng mga kabuuang puno sa naturang gubat, at ang kapal ng usok mula sa mga pagsabog ay dinadaig na ang mga ulap na nakahabla sa himpapawid.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon