Naganap nga ang mga tinuran ni Arthana, at ang relasyon nina Beatrix at Adrien ay umusbong mula sa pagiging magkababata hanggang sa pagiging mag-asawa. Sila ay daglian din na nagpakasal pagtapos ng libing ni don Romero, lalo na at batid kasi ni Beatrix na ang gayuma ay pansamantala lamang at kalaunan ay maglalaho rin at mawawalan ng bisa. Kaya naman, ay nais na nitong madaliin ang lahat para rin sa kaniyang ikasisiya.
Ang kanilang huwad na pag-iibigan ay nagresulta sa pagbubuntis nito kinalaunan. Labis naman ang galak sa mga mata ni Adrien nang malaman niya ang ulat na magkaka-anak na sila. Tunay ngang naglaho na si Alunsina sa kaniyang isipan, subalit sa kaniyang puso, nakakatiyak namang may puwang pa ang kung sino ang tunay niyang minahal.
Kambal na babae, ayon sa doktor na sumuri sa pagbubuntis nito. Biglang kinabahan si Beatrix sa inulat ng doktor sa kanila, kung kambal kasi ay malinaw na natutupad ang isa pang tinuran sa kaniya ni Arthana. Ang masamang parte ng sumpa. Isang kasumpa-sumpang tunay na akala niya ay palalagpasin na ng sorsera laban sa kaniya.
"May problema ba, mahal?" Pag-aalalang tinig ni Adrien, habang mabagal itong naglalakad dala-dala ang isang plorera ng bulaklak.
"Wala! Wala namang problema," kabadong sagot ni Beatrix. "Kinakabahan lang yata ako sa mga maaaring maganap. Kinakabahan lang yata akong manganak."
"Wala kang dapat na ipag-alala," biglang pag-ngiti ni Adrien. "Unang beses mo pa lamang at kambal agad ang ibinigay sa'tin. Mabait talaga ang nasa itaas sa'tin."
"Hindi siya ang nagbigay sa'tin nito," biglang pagiging seryoso ni Beatrix. "Isang demonyo at sumpa ang ibinigay niyang kalakip ng mga ito."
"Huh? Anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ni Adrien dito. "Anong demonyo? Ano ba talaga ang nangyayari sa'yo ngayon?"
"May iniisip lamang ako," pagtaliwas kaagad ni Beatrix. "Halatang-halata tuloy na ang pagka-kaba ko sa darating kong kapanganakan."
Nagsinungaling siya rito, sapagkat hindi rin naman nito tanda kung sino si Arthana. Hindi naman nito matatandaan ang nilalang na may sala sa pagbabago ng kanilang pamumuhay. Lalabas na siya ang nasisiraan ng bait kapag tinuloy niya pa ang kaniyang balak sabihin, lalo na at tila bura at wala na rin sa isipan ng kaniyang bagong kabiyak ang lahat ng kaganapan noon.
Subalit ang tunay na bumagabag sa kanilang isipan, ay kung papaano niya malalabanan ang mga tinuran nito sa kaniya noon. Ang kambal na yaon kasi ang maaari niyang magamit kay Adrien kapag nawala na ang bisa ng gayuma sa kaniya, datapwat, hindi niya kayang labanan ang isang makapangyarihang sorserang tulad ng kakambal ni Alunsina. Dapat niyang maunahan ang sumpa, sapagkat kapwa nila ito magagamit sa kanilang mga pansariling hangarin. Kapwa para sa kasamaan at katiwalian. Kaawa-awang mga kambal, hindi pa man naisisilang ay tila masama na agad ang magiging bugna sa hinaharap.
Sa kabilang banda, si Arthana ay tuluyan nang nagbalik sa Sorceria, kung saan ay sinalubong siya ng mga aliping nabihag nila sa kaniyang pagbabalik sa palasyo. Nakakatiyak ang mga ito na magsisimula nang sumibol ang kasamaan sa kaniyang pagbabalik.
Higit sa lahat ay mas maayos na ang palasyo ng mga itim na sorcerer sa kaniyang pagbabalik, sa katunayan pa nga ay maaliwalas na itong muli ngayon. Wala na ang mga makakapal na agiw sa paligid kasama ng paglalaho ng mga alikabok sa sahig at mga kagamitan. Isa na lamang talaga ang maaari nitong gawin upang matawag na tuluyan na nga silang nagbalik, at ito ay ang hukbo na makakatulong sa kanila na daigin ang mga puting sorcerer.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
