Tahimik maliban sa ugong ng mga punong nahahampas ng hangin ang mahiwagang gubat, ang lugar kung saan nahihimlay ang banal na aklat ng Reluvious. Ngunit ang matagal na panananahimik ng naturang gubat ay nagwakas na.
Lumitaw ang isang nilalang gamit ang itim na usok, at naglakad ito patungo sa direksyon ng Kobrena. Subalit, sa paglalakad nito, siya ay hinarangan ng puting liwanag. Saka naman lumitaw ang tatlong kawal na mistulang kakaiba ang kasuotan kaysa sa mga taga-Sorceria.
"Hindi mo maaaring pasukin ang banal na pook na 'to," banta ng isa sa tatlong kawal. "Sagrado ito at hindi para sa'yo."
Tinutukan nila ang nilalang ng kanilang mga naglalakihan at nagtatalasang sandata, at saka nila ito tinitigan ng matalas.
"Hindi n'yo ba ako nakikilala?" Sagot na tanong ng nilalang. "Hindi n'yo ba nakilala ang nasa harapan ninyo ngayon?"
"Ikaw si Orearuva," sagot ng isang kawal. "Isa sa mga ipinagbabawal na lumapit sa Reluvious."
Tinanggal ng nilalang ang kaniyang balabal sa ulo, at saka nito nginisian nito ang tatlong kawal na nakahambalang sa kaniyang dinaraanan.
"Hindi ninyo na ako mapipigilan," sagot ni Orearuva. "Mapapasaakin ang Reluvious ngayong gabi."
Lumitaw ang dalawang keris na sandata sa magkabilang kamay nito, at siya ay nakipaglaban ng sandata sa mga kawal.
Shing! Ang naging tunog ng isa sa mga sandata ni Orearuva, sa kaniyang pagsaksak sa isa sa mga kawal. Dalawa pa ang natitira, kaya daglian ding itinuloy ng gabay diwa ang pakikipaglaban nito sa dalawa pang natitirang kawal. At mabilis ding nasaksak ang dalawa pang natitirang kalaban, gamit ang magkabilang sandata nito.
Matapos maging abo ng tatlong hambalang sa kaniyang daanan, ay agad itong tumayo ng tuwid at naglaho rin ang kaniyang mga hawak na sandata.
"Binalaan ko na kayong walang makahahadlang sa aking mga nais," sabi ni Orearuva. "Ngunit dahil pangahas kayo, ay iyan ang nararapat sa inyo."
Lumapit ito sa Reluvious, at sinubukan niya itong buksan gamit ang kapangyarihan nito bilang isang gabay diwa, subalit nabigo lamang ito. Tanging ang Luvisious lamang ang makapagbubukas sa pinaka makapangyarihang aklat.
"Kay hirap mo palang mapasakamay wala kang silbi," ika ni Orearuva. "Ngunit ka mapakikinabangan ng mga hinahangad ko para sa Sorceria... ay hindi ka na dapat magamit ng mga puting sorcerer laban sa aking mga alagad."
Kinuha nito ang Reluvious mula sa Kobrena, at agad na tinangkang lumabas mula sa mahiwagang gubat. Subalit bago pa man ito maglakad paalis dala ang Reluvious ay may lumitaw na pulang usok, at inilantad nito ang isang hindi pangkaraniwang mukha sa Sorceria; si Medea. Siya ay isa sa tatlong tagapag balanse ng kapangyarihan kasama nina Locasta at Orearuva. Agad itong nagpatama ng pulang mahika patungo sa kaniyang kapwa gabay diwa, at agad itong natumba.
"Nabalitaan kong dinaig mo ang sarili mong kapatid na si Locasta," ani Medea. "Binabati kita, o' dapat nga ba kitang batiin?"
"Wala ka nang pakialam dun," sabi naman ni Orearuva. "Hindi ikaw o' si Locasta ang makapagdi-dikta sa aking mga balak dito sa Sorceria."
Agad na naglaho ang bumagsak na gabay diwa, na siya namang sinundan ni Medea. Sila ay kapwa dinala ng mga kapangyarihan nila sa tuktok ng bulkang katabi ng bundok Zenata.
"Hindi maaari ang ginagawa mo," kaagad nitong sabi. "Labag sa batas nating mga tagapagbalanse ang iyong kalapastanganan."
"Ano't nakikialam ka sa aking mga binabalak?" Pananakot nito rito. "Nais mo bang tumulad kay Locasta?"
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
