Nakahilera na ang mga itim na sorcerer sa trono nang dumating si Arthana, mabilis itong naglakad papaupo sa kaniyang trono habang pinagmamasdan ang kaniyang mga hukbo. Higit itong marami kaysa sa anumang digmaang naganap, na tila ba may isa nanamang digmaan ang kanilang ilulunsad.
"Mga minamahal kong itim na sorcerer. Tayo ngayon ay mahaharap muli sa isang bingit ng pakikipag-digmaan! Isang digmaan na pagkakataon upang muli nating patunayan sa lahat na tayo ang nakaka-angat. Isang digmaan upang ating ipakita ang bagsik ng isang itim na sorcerer. Laban para sa Reluvious!" Sabi nito sa kaniyang mga nasasakupan.
"Laban!!!" Ang sigaw ng lahat.
"Magaling!" Tugon ni Arthana.
Napangisi ito, at saka umupo sa trono. Pagtapos ng ilan pang mga sandali, ay dumating na sina Fredo upang magbigay ng ulat.
"Nakahanda na rin ang aming hukbo ni Cissy sa labas ng palasyo," sabi nito.
"Mainam, ngunit ibang taktika ang ating ipamamalas sa digmaan ngayon. At waring ito'y akin nang pinaghandaan," sagot ni Arthana.
"Anong ibig mong ipahiwatig?" Pagtataka ni Fredo.
"Gagamitin natin ang mga lawarka sa labanang ito upang higit tayong manaig," sagot ni Arthana.
Natahimik na lamang ng panandalian si Fredo, ayon sa kaniyang mga narinig. Magiging mapamuksa ang mga ito kung gagamitin sa digmaan, lalo na at kakaiba ito sa lahat ng mga taktika.
Ang lawarka ay mga itim na dragon na pag-aari ng mga itim na sorcerer. Mapamuksa ang mga ito at may kakayahang magbuga ng apoy sa mga kalaban, datapwat ito ay isang mapamuksang panlaban sa isang digmaan.
Ilang sandali pa, ay dumating na si Brianna sa trono kasama ang dalawang itim na sorcerer na bihag ang kaniyang ama. Mapait nitong tinignan si Arthana, at saka tumabi sa kanila upang kanila nang paghandaan ang nalalapit na digmaan.
Sa kaharian naman ng mga puting sorcerer, ay nagkakagulo na ang mga nilalang doon at hindi na alam kung anong klase ng paglikas ang kanilang gagawin. Hindi pa rin tumitigil ang Luvisious sa pagbibigay ng babala sa kanila, ukol sa maaaring kahinatnan ng digmaang magaganap kung sakali.
"Dominick, atasan mo ang lahat ng mga puting sorcerer na hindi kabilang sa hukbo. Sabihan silang manatili na sa kani-kanilang mga tahanan at 'wag nang lalabas hangga't walang susunod na ulat," utos ni Mia.
Agad na nagmadali ang pinunong hukbo ng mga puting sorcerer upang ipagbigay-alam ang kautusan nito sa lahat. Habang ang mga naiwanan naman sa trono, ay nag-iisip ng maaari nilang maging hakbang para sa ikabubuti ng kanilang palasyo.
"Dapat nating lagyan ng pananggalang ang palasyo," suhestiyon ni Ysa.
"Ano? Bakit?" Pagtataka ni Cielo.
"Upang maging handa ang ating kaharian sa inaayon ng babala ng Luvisious," sagot ni Ysa.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasiaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
