Kinabukasan na, at naglalakad si Hadley sa pasilyo ng kanilang palasyo, nang sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakasalubong nito si Noah. Naisin niya man itong iwasan, subalit masyado na ring huli upang gawin niya pa iyon.
"Kumusta?" Paunang sabi ni Noah.
"Ayos lamang ako," sagot ni Hadley.
Maglalakad na sana ito, nang bigla siyang harangin ni Noah. Wala na itong ibang nagawa kung hindi ang magbuntong-hininga, at saka ito huminto. Pagtapos, ay kaniya itong tinignan nang matalas na tila ba hindi ito natutuwa sa kaniyang mga ginawa.
"Bakit? May kailangan ka pa ba?" Tanong pa ni Hadley.
"Alam kong galit ka pa rin sa'kin. Kaya sana ay malaman mong labis akong nasasaktan sa sitwasyon natin ngayon," sagot ni Noah.
"Bakit? Wala namang tayo?" Tanong pa ni Hadley.
Napatahimik muna saglit si Noah. Pagtapos, ay saka niya ito tinignan ng may halong pag-aalinlangan. Tila ba bigla itong nailang sa kaniyang mga sinabi, kahit na makatotohanan ang kaniyang mga winika.
"Alam kong walang tayo— pero naging magkaibigan tayo, ikaw ang pinaka una kong kaibigan dito— at alam kong maging ikaw ay ganoon din. Alam ko ring nagtaksil ako kaya naman ito ang kabayaran ng lahat— ang masaktan ako— ang masaktan ng labis sa katotohanang wala ng pag-asa na maging tayo," sabi nito.
"Uhm— oo, hindi ko inaalis ang mga pinagsamahan natin bilang magkaibigan. Hindi ko lang talaga kayang kausapin ka sa ngayon," sagot ni Hadley.
"Salamat," mabilis na sabi ni Noah.
"Salamat— para sa?" Pagtataka nito rito.
"Dahil kinikilala mo pa ang mga pinagsamahan natin. Itinuturing kong yaman ang sandali nating pagkakaibigan. Kaya salamat," sagot ni Noah.
"Wala na 'yun," sagot ni Hadley.
"Huwag— kang mag-alala, dahil huling beses na kitang kukulitin. Alam kong naiilang ka kapag kausap mo ako kaya ito ang marapat kong gawin. Paalam," malungkot na sabi ni Noah.
"Bakit naman? Saan ka pupunta?" Pagtataka ni Hadley.
"Sa malayo," sagot nito.
"Saan nga? Sabihin mo," giit ni Hadley rito.
"Hindi ko alam. Baka sa mga kapanalig nating tribo? O' paparoon ako sa dati nating kubol," sagot ni Noah.
"Bakit— bakit ka ba aalis?" Pagtataka pa nito.
"Upang makapag isip-isip, at mapagpahinga ko naman ang aking puso. At upang makapagpahinga ka na rin sa kakulitan ko," sagot ni Noah.
Ilang sandali pa, ay unti-unti itong naglaho gamit ang puting usok na pinakawalan ng saglip nito. Naisin pa mang pigilan ni Hadley ang pag-alis nito, ay wala na itong nagawa. Napaupo na lamang ito sa isang hilera ng upuan sa pasilyo, at saka ito nagsimulang umiyak at humagulgol. Ang pagtataksil nito ay panandaliang pagtingin lamang, subalit ang pagiging magkaibigan nila ay habang panahon nitong ituturing kahit na hindi nito kayang ibigay ang uri ng pagmamahal na nais nito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
ФэнтезиIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
