Kaarawan

299 15 1
                                    

Pasilay na ang araw sa daigdig ng Sorceria, nang bumangon ng maaga si Hadley mula sa pagkakahimbing nito. Nag-iisip kasi ito ng paraan kung papaano nito maipagdiriwang ang espesyal na araw nito ngayon. 

Kaagad itong nagtungo sa trono, subalit wala pa ang mga nilalang doon. Marahil ay natutulog pa sila sa kanilang mga silid. Dahil nababagot ito, ay naghanap ito ng mapaglilibangan, hanggang sa siya ay makarating sa hardin ng palasyo.

Doon sa hardin, ay abala na ang mga hardinero ng palasyo sa pagpapaganda rito. Ito kasi ang una nilang gawain kada umaga, ang linisin ang ayusin ang hardin. Ito rin kasi ang bukana ng palasyo, mawawala ang sigla nito kung hindi maayos ang entrada. 

Naglakad pa ito, hanggang sa makita nito si Noah na nakatitig sa mga nagtatrabaho sa paligid. Nilapitan niya ito at kaniyang tinabihan.

"Gising ka na pala, Noah?"

"Oh— ano't gising ka na?" 

"Espesyal kasi ang araw na 'to— pero ako lamang yata ang nakakaalala," 

"Ano ba ang araw na 'to?"

"Kaarawan namin ngayon— pero parang ipagdiriwang ko ito nang mag isa,"

"Kaarawan mo ngayon?"

"Ika-labing siyam ng Hulyo— at ngayon iyon,"

Napatahimik saglit si Noah, at may dinukot sa kaniyang bulsa. Nilabas nito ang isang kakaibang saglip na pawang kakaiba ang wangis. Ito ay mala-patalim ang disenyo, sakto sa malapitan at malayuang distansya, at ito rin ay gawa sa puno ng agmantir na matatagpuan lamang sa mahiwagang gubat. Kaniya itong iniabot kay Hadley.

"Ano iyan?" 

"Ito ay isang saglip— magagamit mo ito sa paglakas pa lalo ng iyong natural na kapangyarihan," 

"Ibibigay mo sa'kin 'yan?" 

"Ginawa ko ito nang buong gabi pagkat hindi ako makatulog, subalit nagkataong kaarawan mo ngayon— kaya narito ang aking regalo para sa iyo," 

Tinanggap ni Hadley ang saglip na gawa niya, at napangiti ito ng bahagya. Ngunit mababakas pa rin sa kaniya ang pait at kalungkutan, na dahil yata sa kanilang paghihiwalayan ng landas kay Brianna.

"Ano't malungkot ka?" Tanong ni Noah. "Kaarawan mo ngayon kaya dapat ay masaya ka."

"May naaalala lamang ako," 

"Ano ang iyong naalala?"

Tinignan ni Hadley ng matalas ang kaniyang guro, at saka ito napangiti pa ulit ng bahagya. Labis naman ang pagtataka pa lalo ni Noah, ayon na rin sa mga tinginan nito sa kaniya.

Sa palasyo ng mga itim na sorcerer naman, ay nagtungo si Brianna sa trono ni Arthana dahil sa natanggap nitong ulat na siya di-umano ay ipinatatawag nito.

"Nabalitaan ko na kaarawan mo raw ngayon?" 

"Ngayon nga ang aking kaarawan," 

Napansin ni Arthana ang hawak-hawak na saglip ng kaniyang itinakda, sadya nga itong kakaiba kaysa sa mga saglip nila sa palasyo.

"Kung ganoon ay binabati kita," 

"Salamat," 

"Maligayang kaarawan sa'yo,"

"Kung iyan lamang ang nais mong sabihin sa'kin ay aalis na ako,"

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon