Pinatamaan ni Brianna ng itim na salamangka ang higanteng si Arthana, subalit parang walang nagiging epekto ang kapangyarihan nito laban sa kaniya. Gumanti naman ang higante, at saka biglang tumumba si Brianna.
Inalalayan naman siya ni Hadley nang magpatama rin ito ng puting salamangka patungo sa kaniya, subalit maging siya ay walang nagawa at bumagsak din.
"Wala na kayong laban! Sumuko na kayo," sabi ni Arthana, kasabay ng paghalakhak nitong para bang may sa demonyo.
"Hindi kami susuko!" Giit ni Hadley. "Magkakamatayan muna tayo rito!"
"Wala nang laban ang huling lahi ng mga puting sorcerer!" Patutsada pa ni Arthana.
"Manahimik ka!" Sagot ni Brianna, habang unti-unti itong tumatayo.
Umagapay ito sa kaniyang kakambal, at nagpatama rin ng itim na mahika kasabay ng pagpapatama ng kaniyang kakambal ng puting salamangka sa kaniya. Subalit higit pa sa doble ang lakas ngayon ni Arthana sa kanila, kung kaya ay parang wala lamang nangyayari sa kanilang ginagawa.
Samantala, nananatili pa ring mabigat ang nagaganap na labanan sa pusod ng mahiwagang gubat kasabay ng patuloy na paglalim ng gabi. Patuloy pa rin kung magpa-balikan ng mga mahika ang mga puti at mga itim na sorcerer, gayong tila ba kapwa na naubusan ng taktika ang dalawa.
Nasa isang sulok naman ng digmaan sina Cielo, at mabilis nitong pinapatamaan ng puting salamangka ang mga magtatangkang lumaban sa kanilang hanay.
"Sana lamang ay matapos na ang digmaang ito upang mapakasalan na kita," sabi ni Dominick, habang nakatingin ito kay Cielo.
"Anong sinabi mo?!" Pagtataka ni Cielo. "Nasisiraan ka na ba ng bait?"
"Hala! Ehh hindi mo pa nga nililigawan ang aking kapatid, pinuno. Ngunit 'wag kang mag-alala! Kaya kitang tulungan kung papaano makukuha ang loob n'yan. Mukha lamang matikas 'yan— subalit may itinatago ring kaharutan ang isang 'yan," sabat pa ni Ysa, habang nagpapatama ng puting salamangka sa mga kalaban.
"Ano ba?! Pwede bang huwag na ninyo akong pagtulungan?!"
"Tatantanan na sana kita, subalit bakit tila yata namumula ka riyan? Kinikilig ka noh?"
"O' siya, sige. Tama na muna 'yan. Andito na ang mga itim na sorcerer," sabi ni Dominick, habang inihahanda nang muli ang kaniyang saglip.
Pinatamaan ni Ysa ang mga paparating na kalaban gamit ang kaniyang puting salamangka, habang si Cielo naman ay lumapit sa kanilang hukbo roon upang tiyakin kung maayos pa ba ang kanilang kalagayan.
Sa hindi kalayuan, ay napabitiw na ang kambal na itinakda sa paggamit ng kanilang mahika upang labanan si Arthana. Masyado itong malakas, at hindi na basta-basta pang madadaig.
"Hindi natin siya kakayaning labanan kung hiwalay ang ating mga kapangyarihan. Kailangan nating ipagsanib ang ating mga kapangyarihan," sabi ni Brianna.
"Tama ka! Pwersang puti at itim- dapat nang ipagsama," tugon ni Hadley.
Naghawak-kamay ang kambal, at saka nila muling pinatamaan ng kanilang salamangka ang higanteng si Arthana. At sa pagkakataong ito, ay higit na mas malakas na ang kanilang ipinatatamang kapangyarihan, dahilan upang matapatan nila ang aklat ng Reluvious at madaig si Arthana.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...