Dugo sa Ilalim ng mga Nasawi

244 6 2
                                    

Mag-uumaga na, at kasabay na nito ay ang unti-unti nang paghupa ng laban. Hindi katulad kanina, ay bahagya nang dumalang ang pagpapaulanan ng mga salamangka. 

Natamaan ng itim na salamangka ang kanang kamay ni Dominick, kung kaya mabilis nitong nabitiwan ang kaniyang saglip. Pagtapos, ay mabilis itong pinalibutan ng mga itim na sorcerer habang nakatutok sa kaniya ang kanilang mga hawak na saglip.

"Magagapi n'yo man ako, ngunit hindi ninyo mapupuksa ang liwanag. Para sa Sorceria— laban hanggang kamatayan!" Sabi nito, kasabay nang pagpikit nito. 

Pinulot nito ang isang nakalaglag na pana at saka binalahan ng palasok, pagtapos ay pinatama niya ito sa isa sa mga itim na sorcerer. Gumanti naman ang mga kalaban, at pinatamaan siya nito ng limpak na salamangka. Pitong itim na salamangka ang tumama sa kaniya. Agad na napadapa si Dominick, at saka nito tinitigan ng masama ang kaniyang mga kaaway.

Ilang saglit pa, ay dumating si Cielo at nagpasabog ito sa paligid gamit ang kaniyang mahika. Mabilis nitong nilapitan ang kaniyang pinunong hukbo, at saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"Huwag ka munang bibitaw! Papakasalan mo pa ako hindi ba?" Pangungulit ni Cielo, habang hawak-hawak nito ang kamay ni Dominick.

"K-k-kay s-sarap lumaban— k-kapag ikaw— ang nasa katwiran, hindi ba?" Utal na sagot ni Dominick. "M-m-malapit nang manalo— kabutihan laban sa kasamaan."

"Huwag ka munang magsalita. Dadalhin kita roon sa kakahuyan upang maipagamot ka," suhestiyon ni Cielo. "Kaunti na lamang, gagamitin ko ang aking kakayahang maglaho upang mabilis kang madala roon."

"Hindi na— masaya na akong mamamatay kung ikaw— ikaw lang din naman ang huli kong makikita," utal pang sagot ni Dominick, habang mahigpit na napapahawak sa kaniyang tagiliran.

"Hindi! Ano ka ba?! Mabubuhay ka pa! Lumaban ka lang," pangungulit pa ni Cielo rito. "Hindi marunong sumuko ang Dominick na kilala ko— kaya lumaban ka!"

"M-mahal— na mahal kita, C-c-cielo!" 

Hinaplos nito ang mukha ni Cielo, at saka na nito tuluyang ipinikit ang kaniyang mga mata. Dahan-dahan naman nitong ibinaba ang kaniyang kamay, habang unti-unti nanamang tumutulo ang luha nito sa kaniyang mga mata.

"Paumanhin kung hindi ko kaagad nasabi sa'yo, ngunit— mahal na mahal din kita," malungkot na sagot ni Cielo. "Mahal na mahal kita, Dominick."

Kinuha nito ang saglip ni Dominick, at inilagay sa kaniyang bangkay. Pagtapos, ay saka ito tumayo at pinunasan ang kaniyang luha. 

Marami pa ang mga kalaban sa paligid, kaya hindi pa panahon ito upang magluksa. Agad nitong pinatamaan ng puting salamangka ang isang kalaban, at saka nito pinasabog ang paligid nang tatlong beses upang iparamdam ang kaniyang galit sa mga itim na sorcerer. 

Dalawang beses siyang nalagasan ng mahal sa buhay ngayong araw ng digmaan, subalit ganiyan naman talaga sa digmaan, kailangang may magsakripisyo upang manaig ang kani-kaniyang mga layunin.

Samantala, nagpatamaan ng kanilang kapwa kapangyarihan sina Hadley at ang ganid na si Arthana. Bakas ang lakas ng hawak na Reluvious ng mga itim na sorcerer, kaya naman malakas ang pagkakakapit ni Hadley sa kaniyang saglip. 

Pinadyak ni Arthana ang kaniyang kanang paa sa lupa, at bigla itong bumuka. Daglian namang naglaho si Hadley, upang hindi ito matamaan ng kapangyarihan na ibinulwak ng Reluvious laban sa kaniya.

Lumitaw ito sa kaniyang likuran, at mabilis na nagpatama ng puting salamangka patungo sa kaniya. Mabilis naman niya itong nasalag, gamit ang dilaw na kapangyarihan mula sa aklat ng Reluvious.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon