Lumitaw si Ysa kasama ng pitong itinalagang puting sorcerer sa kabundukan ng Zenata, kung saan huling sumiklab ang digmaan maraming taon na ang nakalilipas. Pakay nila roon ang kwintas ng namayapang si Quesana, lalo na ang palamuting iyon ay ang makapagbubuklod muli sa kahariang puti. Isang napakahalagang kagamitang inihabla sa isang kwintas. Isang kwintas na higit pa sa pinaka makintab na diyamante ang halaga.
Kanilang sinuyod ang paligid gamit ang puting salamangka: mabusisi, at maingat nilang hinalughog ang bawat sulok ng kabundukan. Subalit katulad ng inaasahan na ni Ysa, ay nabigo sila. Mahirap naman kasi, at masyadong maliit upang hanapin ang naturang kwintas. Isa pang salik, ay maaaring natabunan na ito ng lupa o' putik dahil sa tagal na nitong nakahimlay roon. Iyon ay kung narito nga sa naturang bundok ang kanilang hinahanap. Datapwat, magkagayon man, ay wala pa ring nakakaalam sa kanilang lahat.
Inabot na ng gabi ang kanilang paghahanap, at walang anumang bakas ng kwintas sa kanilang paghahanap. Nais na nilang sumuko, subalit kahit na hapong-hapo na, ay hindi pa rin sila nagpatinag. Ninais munang umupo ni Ysa sa ilalim ng isang puno, upang magpahinga. At sa pagkaupo nito, ay may biglang umilaw sa tabi niya. Waring nakalubog ng kaunti sa lupa.
Sa kalayuan naman, ay lumitaw na sina Cielo at Mia sa trono ng palasyong puti. Kung saan ay agad na napaupo si Mia sa trono, at napaisip sa kaniyang mga sinambit kamakailan lamang.
"Tila malalim ang iniisip mo, Mia?"
"Hindi dapat ako nagpadalos-dalos sa mga banta ko sa kanila. Hindi natin magagamit ang Reluvious kung wala ang susi nito,"
"Huwag kang mag-alala pagkat nakaligtaan mo na ba? Inutusan mo ang aking kapatid na hanapin ang bakas ng susi upang mabuksan ang Reluvious,"
"Oo nga pala, nasaan na nga ba sila?"
Iniisip nitong naisip na baka natambangan sila ng mga itim na sorcerer sa kanilang paghahanap, o' kung ano nang masamang nangyari sa kanila. Hindi mawawaring mag-isip ito ng masama lalo na at hindi lang naman mga itim na sorcerer ang hiwaga ng kadiliman sa Sorceria. Marami pang iba. Iyon ang malinaw sa isipan nina Mia. Malawak ang Sorceria, at halos kalahati lamang sa mapa nito ang kayang tunguhin at bantayan o' suriin ng mga nilalang doon.
Lumapit ito sa mga naiwang bantay sa trono, at napagtanungan niya ang mga ito ukol sa balita patungkol sa paghahalughog nina Ysa. Subalit iisa lang ang kanilang mga isinagot, hindi pa sila nagbabalik sa kaharian. Kakatwa na ito kung tutuusin. Sila ang naunang umalis doon sa palasyo kanina, subalit sila rin ang naunang dumating.
"Maghunustili ka na lamang muna, Mia. Kung nais mo ay magpadala tayo ng dagdag na bantay roon sa Zenata?"
"Hindi na," sagot nito. "Maghintay na lamang tayo hanggang maya-maya. At kapag wala pa rin sila, ay dapat na nating ipatawag ang pinunong hukbo ng palasyo."
"Kung iyan ang iyong nais ay mamarapatin namin ito,"
Umupo na si Mia sa kaniyang trono. Subalit bakas pa rin dito ang pag-aalala sa kaniyang mga nasasakupan doon sa kabundukan ng Zenata. Ganoon din naman ang nararamdaman ni Cielo sa mga sandaling ito, ngunit wala siyang magagawa kung hindi ibig ng kaniyang pinuno na magpadala roon ng karagdagang hukbo upang umalalay o' umalam man lamang ng mga kaganapan doon ngayon.
Sa kabilang dako, ay nagmamadaling tumatakbo ang kambal na Hadley at Brianna patungo sa kanilang silid. Ano at limang minuto na lamang kasi ay magagahol na sila. Dala-dala nila ang isang kayumangging portfolio na kanilang naungkat mula sa mga dokumento ng kanilang ama. Agad na tinignan ni Hadley ang kaniyang kakambal na babagal-bagal pa, at tila ba ay nag-iinarte pa.
"Dalian mo pang tumakbo!"
Sa kalagitnaan ng kanilang pagmamadali, ay bumangga si Hadley kay Maxim, at nailaglag nito ang mga nilalaman ng portfolio.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
ФэнтезиIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
