Tangkang Pagdilim sa Sorceria

288 13 2
                                    

Masinay pa ang tanghali, nang biglang magdilim ang kalangitan sa buong Sorceria. Sadyang napaka-dilim ng ibinabadya ng kaulapang, tila ba magkakaroon ng isang malakas na bagyo. 

Ang bawat mabababang teritoryo sa Sorceria ay mga nagsipag-handa na at ang ilan ay mga nagsilikas na, upang paghandaan ang anumang delubyong tangkang ibadya nito sa Sorceria.

Isang linggo na ang nakalilipas, subalit ang kalangitan ay hindi nagbabago, Maitim na maabo pa rin ito, parang usok ng sirang tambutso ng sasakyan, at higit sa lahat ay maalinsangan pa rin ang panahon. Ito kaya ay isang tanda? O' sadyang ganito lamang ang panahon? 

Samantala, nakatayo naman sina Mia, at ang kaniyang pinunong hukbo sa isa sa mga matatayog na tore ng kanilang palasyo. Kanilang pinagmamasdan ang madilim na kaulapan, at doon ay tanaw na tanaw nila ang tila ba pagbalot ng kakatwang kadiliman sa mundo ng salamangka. 

"Nagsilbi ako mula pa sa panahon ng iyong ina— subalit ngayon ko pa lamang naharap ang ganitong klase ng kung anuman ang ibinabadya nito," wika ni Dominick, habang mariin itong nakatitig sa kaulapan.

"Walang sisidlan ng patumpik-tumpik ang isang 'to," sabi naman ni Mia. "Alam kong malaking delubyo ang nasa likod nitong dilim na 'to."

"Kung ganoon— ay ano ang nararapat nating gawin, pinuno?" Tanong ni Dominick dito, habang si Mia ay nakatitig na rin ngayon sa itim na kaulapan.

"Abisuhan ang lahat ng puting sorcerer na manatili na lamang sa kani-kanilang mga tahanan at ang mga may katungkulan sa hukbo ay maiiwan kasama natin dito sa palasyo," 

"Bakit maiiwan ang lahat ng puting sorcerer sa hukbo?" 

"Dahil may kutob akong hindi lamang bagyo ang ipinapahiwatig ng pagdidilim na ito ng kalangitan,"

"Ano pa ba ang bumabagabag sa isipan mo, pinuno?"

"Matagal nang maitim ang kaulapan— marahil ay banta ito ng kalikasan na kailangan nating maghanda lalo na sa patuloy na paglakas ng mga kalaban,"

Napailing-iling na lamang si Dominick, at saka muling tinignan ang madilim na himpapawid. Subalit hindi rin nagtagal, ay nilisan na nito ang naturang tore upang sundin ang alituntunin ng kaniyang pinuno sa kaniya.  

Samantala, nakadungaw si Hadley sa bintana ng kaniyang silid. Nagsisimula nang umambon matapos nga ang isang linggo at humangin ng malakas sa labas at sa mga bukas na lagusan ng palasyo, tila bagyo nga itong susubok sa tatag ng bawat isa sa Sorceria. 

Dumating naman si Maxim dala ang dalawang tasa, tila mainit ang laman nito lalo na at umuusok-usok pa ang mga ito. 

"Ano iyan?" Tanong ni Hadley, habang nakatitig ito sa dala-dala ni Maxim.

"Tsaa— walang kape sa mundong ito— subalit mayroong tsaa kaya maaari na nating pagtiyagaan— lalo na ngayong mukhang bubuhos na ang malakas na ulan," 

Inilapag nito ang dalawang tasa ng tsaa sa lamesa, at saka ito umupo sa kama ng silid. Tumabi naman si Hadley sa kaniya, at tinignan niya ito ng diretso. 

Waring isinasaad ng mga mata nito na masaya na ito at kuntento na kasama niya ang kaniyang pinaka mamahal na lalaki. Kasunod pa nito, ay kaniya itong niyakap. At habang hindi namamalayan, at unti-unti nang lumalamig ang kanilang mga tsaa.

Ang mga sorsero't mga sorsera naman na naabutan ng paglakas ng ulan sa lingid ng mga silong, ay dagliang nagsitakbuhan upang sumilong sa mga malalaking puno sa paligid. 

Nasaktuhan naman nito ang paglipana ng mga itim na sorcerer sa kagubatan upang isangkatuparan ang kautusan ni Arthana sa kanila, at magdala ng kahindik-hindik na suliranin sa mga walang malay sa digmaan. 

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon