Nag-umaga na, at lumipas na ang pagbagyo sa lupain ng Sorceria. Umalwan na rin ang kalangitan, subalit nananatili pa rin ang digmaan sa palasyo ng mga puting sorcerer. At sa pagkawala ng pag-uulan, ay guminda naman ang pagkasunog ng mga kabahayan sa labas ng palasyo.
Nananatili namang nag-iisip ng plano si Mia at ang kaniyang mga kasamahan sa loob ng trono, sa kung papaano nila itatakas ang mga nalalabing puting sorcerer nang hindi sila natatambangan ng mga kalaban.
"Dominick, ilan pa sa iyong hukbo ang nananatiling nakatayo sa labanang ito?" Tanong nito sa kaniya, kasabay nang pag-asa nito sa labanang ito.
"Marami-rami— subalit marami pa ang nagkalat na mga puting sorcerer dito at sa labas ng ating palasyo," sagot naman ni Dominick. "Baka mas marami na ang kalaban kaysa sa natitirang hukbo natin dito— ang iba ay nagsipag-takasan na rin."
"Bakit? Ano ang iyong binabalak?" Pagtataka ni Ysa, habang nakatitig ito kay Mia.
"Kailangan natin silang lansihin upang maisagawa natin ang ating mga binabalak— kailangan ko ng ilan sa hukbong nakahandang mag sakripisyo upang maisalba ang mas nakararami," sagot ni Mia, habang ganoon din ang tingin nito kay Ysa.
"Pagpapatiwakal ang gagawin mo," wika ni Ysa. "Nahihibang ka na ba? Hindi maaari ang iyong binabalak!"
"Sa palagay ko ay iyon na lamang ang ating huling mapamimilian," sagot muli ni Mia, na nananatiling nakatitig sa kaniya.
"Kung ganoon ay sino sa ating natitirang hukbo ang matapang na magbubuwis ng kanilang buhay para sa panlalansing gagawin?" Tanong ni Dominick sa kaniyang hukbo. "Sino sainyo ang matapang na ibubuwis ang kanilang buhay para sa mas nakararami?"
Isa-isang nagtaasan ng kani-kanilang mga saglip ang lahat sa natitirang hukbo sa trono. Tila nabuhayan ng pagkakataon ang mga puting sorcerer na gawin ang lahat ng kanilang mga pinaplano, upang itakas muna ang nalalabi ng mga hukbo at ibang mga puting sorcerer patungo sa mga kapanalig na lupain.
"Magaling kung ganoon— ngunit ang ilan sainyo ay sasama sa pagpapatakas upang kapag sakaling may mangyari nanamang pananambang ay magkakaroon kayo ng laban," sabi ni Mia, habang nakatingin ito sa natitirang hukbo ng palasyo.
"Sino ang mamumuno sa pagpapatakas?" Tanong ni Ysa. "At papaano tayo tatakas ngayon dito?"
"Kayo," mabilis na sagot ni Mia. "Kayo nina Noah at ng mga kasapi sa hukbong iniatas ko— at kakasangkapan ko si Dominick upang samahan ako rito— kaya magmadali na kayong halughugin ang buong palasyo at ang kabayanan sa labas upang humanap ng mga ililikas— at magkita na lamang tayo sa lupain ng Cerulean— kung makakaligtas kami sa labanang ito."
Napabuntong-hininga ito, at saka tumayo mula sa pagkakaupo nito sa trono. Subalit bago pa man sila makaalis, ay may ilang mga itim na sorcerer ang dumating. Kaagad naman itong nagpatama sa kanila ng puting salamangka, at sumabog ito.
"Magmadali na kayo— bago pa muling dumami ang mga kalaban dito," utos ni Mia sa kanila, habang inihahanda nito ang kaniyang sarili sa napipintong sakripisyong kanilang isasagawa rito sa hangganan ng palasyo.
"Ngunit— papaano ka— kayo ni pinunong Dominick?" Pag-aalala ni Hadley. "Hindi maaaring malagasan ng dalawang mahalagang kasapi ng konseho ang palasyo lalo na at nagkalat ang mga kaaway."
"Kaya na namin ang aming mga sarili," kumpiyansang sagot ni Mia. "Kakayanin kung hindi pala kaya."
Nagsimula namang tumulo ang luha sa mga mata ni Ysa, at kaagad nitong niyakap ng mahigpit ang kaniyang pinuno. Agad din naman itong bumitiw alinsunod sa utos ni Mia, at saka niya ito malungkot na tinignan.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
ФэнтезиIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
