Lumipas pa ang ilang araw, at ang labi ni Beatrix ay kasalukuyan nang nakaburol sa isang kapilya na malapit sa sementeryong paglilibingan dito.
Labis man ang hinagpis, subalit natututo na ring tanggapin ng kambal ang kanilang kapalaran, na sira na ang kanilang pamilya at hindi na maisasaayos pa kailanman. Huli na ang lahat. Wala nang paraan pa upang maibalik sa nakaraan ang lahat. At sa nakaraan naman, ay batid din nila ang kung gaano kalupit ang kanilang namayapang ina.
Samantala, si Adrien naman ay nahatulan na ng habang buhay na pagkakakulong sa salang pagpatay sa sarili nitong asawa. Kasabay nito, ay ang unti-unting pagbagsak at pagkaubos ng yaman ng matayog na pamilya ng Williams. Ano at tila puro kamalasan ang biglaang dumating sa kanilang pamumuhay?
Magkagayon man, ang kambal nilang anak ay nakaupo sa pinaka unahang upuan ng kapilya at tahimik lamang. Hindi sila naimik, kahit na may dumating o umalis na sa burol ng kanilang ina. Liban sa isang bisitang hindi nila inaasahan. Dumating si Maxim kasama ng kaniyang ama na kilala bilang ang pinaka mahigpit na kaaway ng kanilang kompanya, agad na lumapit at umupo si Maxim sa tabi ng dalawa.
"Nakikiramay ako," paunang sabi nito. "Tanggapin n'yo ang mga bulaklak na ipinadala ko."
"Kay bilis ng mga pangyayari," sagot ni Brianna. "Hindi namin inaasahan 'to."
"Parang nung isang araw lamang... nagpakopya pa sa'kin 'tong si Hadley eh," sabi pa ni Maxim. "Tapos ngayon ay ganito na ang lahat."
"Ah... ehh... wala 'yun," biglang sagot ni Hadley. "Para saan pa ang pagiging magkaibigan natin hindi ba?"
Napatingin bigla ito kay Hadley, at napansin nitong tila balisa ito at wala sa sarili. Naisin man niya itong lapitan, subalit wala nang bakanteng upuan sa tabi nito, kaya wala na rin itong nagawa pa.
"Alam mo naman 'tong kakambal ko... ilang anghel yata ang sumanib d'yan eh," ani ni Brianna. "Napakabait masyado."
Panandaliang umalis si Hadley mula sa kanilang tabi, at naglakad palabas sa likurang pintuan ng kapilya nang hindi napansin ni Brianna.
"Sandali lamang," sabi muli ni Maxim. "Susundan ko lamang siya."
Tumayo ito, at kaniyang sinundan si Hadley sa labas. Wala naman nang nagawa si Brianna kung hindi ang maiwan, lalo na at walang mag aasikaso sa burol ng kanilang ina.
"Ayos ka lang ba?" Pag-aalala ni Maxim dito. "Parang hindi maayos ang lagay mo,"
"Nalulungkot lamang ako... ito yata ang sumpa ng pagiging mayaman," sagot ni Hadley. "Ang magkaganito ang kinahinatnan namin dahil sa kompanya at pag-ibig na kulang,"
"Hindi naman 'yan," sabi pa ulit ni Maxim. "Pagsubok lamang ang pinagdadaanan ninyo, subalit malalagpasan ninyo rin 'yan basta magiging matapang ka."
Nagsimulang tumulo ang luha sa mga mata ni Hadley, at kaagad naman itong niyakap ni Maxim. Nang kahit papaano ay gumaang naman ang kalooban nito. Niyakap nito ng mahigpit na mahigpit, at sinubukang punasan ang luha nito gamit ang kaniyang sariling panyo.
Ang hindi nila nalalaman, ay nagmamasid si Brianna mula sa salaming pintuan ng kapilya. Tahimik. At walang imik. Pakunwari nito ay wala naman siyang pakialam kay Maxim.
Sa Sorceria naman, pormal nang bumalik si Mia sa kaniyang katungkulan. Salamat sa abilidad na manggamot nang mabilisan ng puting salamangka, at mabilis din na naghilom ang kaniyang mga tinamo mula sa pagkakabihag.
"Ano ngayon ang balak mo, Mia?" Pagtatanong ni Cielo. "Ngayon na ang tama at nararapat na panahon upang tayo naman ang bumawi sa mga itim na sorcerer."
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
