Sa lupain ng Cerulean, ay nananatiling bihag si Hadley. Pinipilit nitong makawala, subalit masyadong mahigpit ang pagkakatali sa kaniya, at matibay din ang kadenang ipinanggapos sa kaniya.
Pilit nitong ginagamit ang kaniyang boses upang sumigaw ng tulong, subalit walang nakaririnig sa kaniyang paghiyaw.
Dumating na ang mga nagbabantay sa kaniya, dala-dala ang isang plato ng pagkain upang pakainin ito. Subalit kaniyang tinanggihan ang pagkaing ibinigay sa kaniya. Labis itong nagdulot ng galit sa mga nagbabantay sa kaniya, dahilan upang pahirapan siya ng mga ito. Tinadyakan ng isang bantay si Hadley, at ang isa naman sinampal ito.
"Bakit ba hindi n'yo na lamang ako pakawalan nang hindi na kayo mahirapan,"
"Hindi mangyayari 'yan kaya kumain ka na,"
"Ayoko,"
"Talagang magmamatigas ka pa talaga ah!"
"Hindi mo ako mapipilit na kumain— baka mamaya ay may lason pa pala 'yan,"
"Tignan natin kung hanggang saan ka tatagal kapag namatay ka na sa gutom,"
Ipinatong ng isa sa mga bantay ang plato ng pagkain sa isang maliit na lamesang katabi nila, at saka nito tinignan ng masama ang kanilang bihag. Nilapitan niya ito, at sinakal. Bigla namang dumating si Sweetie Pop, at agad nitong tinukod sa tiyan ang naturang bantay.
"Huwag kang bastos sa bisita,"
"Pasensya na pinuno," mahinhing paumanhin ng bantay. "Matigas kasi ang isang ito at ayaw pang kumain."
"Lumayas ka na rito,"
Umalis na ang bantay, at nilapitan ni Sweetie Pop si Hadley. Kaniya itong tinignan nang matalas, at saka umupo sa batuhan sa kaniyang harapan.
Ilang sandali pa, ay biglang nag-ilaw na para bang kulay lila ang mga mata ng dating vigilante habang nakatitig sa kaniyang kaawa-awang bihag.
"Afamanaresa ekduba el cavhana davolna—,"
"Anong ginagawa mo?"
"—Mafreversi agtu leshana et'!"
Katulad nang sa kaniya, ay nagsimula ring umilaw ng lila ang mga mata ni Hadley na para bang may kung anong enkantasyon siyang ginamit para mangyari ito. Sadya nga talagang makapangyarihan ang tungkod ni Sixella na kaniyang hawak-hawak. Magkagayon man, ay pangkaraniwan na ang panggagayuma, lalo na sa parte ng itim na salamangka.
"Susundin mo ngayon ang mga ipinag-uutos ko kaya kumain ka,"
Ilang sandali pa ang naganap, bago tuluyang sundin ni Hadley ang utos ng panggagayuma sa kaniya ni Sweetie Pop ay biglang napalitan ang kulay ng pag-ilaw sa mga mata nito. Mula sa lila, ito ay naging puti. Kakatwang masyado, na para bang nilalabanan ng kaniyang kapangyarihan ang sumpa mula sa makapangyarihang tungkod, at pawa bang nagtatagumpay ito.
Napaatras ang dating vigilante sa lakas ng taglay na pananggalang ni Hadley, at mabilis na napakapit ng mahigpit sa kaniyang tungkod upang hindi ganap na matumba.
"Ano ba ang nangyayari sa'yo at para kang nasisiraan ng ulo?"
"Hindi maaaring hindi tumalab ang sumpa ko sa'yo lalo na at kapwa ko ginagamit ang taglay kong puting salamangka at ang tungkod na ito,"
"Hindi kita maunawaan..."
"Maiba na lamang tayo kung hindi mo talaga ibig na kumain,"
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...