Tuluyan nang sumapit ang gabi, at masinay na ang ihip ng hangin, subalit ang labanan sa labas ng palasyo ay nananatili pa ring agresibo. Magkasalungat na adhikain ang kanilang taglay, kung kaya ay hindi nagwawakas-wakas ang kanilang matagal nang labanan. Maya't-maya pa rin ang mga pagsabog, at tuluy-tuloy pa rin ang pagpapatamaan ng kanilang mga mahika.
Sa isang banda, ay lumitaw si Arthana matapos nitong magbalat-kayo. Kaagad itong naglakad patungo kay Fredo, at ipinakita nito ang isang kwintas na tiyak mamumukhaan nito kahit na maraming taon na ang nakalilipas nang huli niya itong makita.
"Hawak mo na ang Luvisious? Nangangahulugan itong mabubuksan na natin ang Reluvious," sabi ni Fredo.
"Kaya gawin n'yo ang lahat upang hadlangan ang mga puting sorcerer at tiyaking hindi nila ako masusundan. Tulungan ninyo rin si Brianna sa loob ng palasyo," utos ni Arthana sa kanila.
"At ikaw? Saan ka patutungo?" Pagtataka ni Cissy.
"Sa Reluvious," sagot ni Arthana.
Ginamit nito ang kaniyang itim na salamangka upang makapaglaho, habang napuna naman ni Mia sa hindi kalayuan ang kwintas na hawak nito kanina. Batid nito na ang Luvisious iyon, kaya nagmadali itong dakpin ang braso ni Cielo.
"Kailangan mong sumama sa'kin at magmadali," sabi ni Mia rito.
"Bakit? Anong nangyayari?" Pagtataka ni Cielo.
"Na'kay Arthana na ang Luvisious," sagot ni Mia.
"Ano?!" Gulat na sabi ni Cielo.
"Kaya kailangan mo akong samahan upang hadlangan siya," sagot muli ni Mia.
Kapwa nila pinatamaan ng kanilang puting salamangka ang mga paparating na mga kalaban, at saka sila naglaho. Dumating naman ang mas maraming agapay ng mga itim na sorcerer, kasabay ng pananalasa pa lalo ng lawarka, kaya naman mabilis na natalo ang naiwang pangkat nina Ysa roon sa labas ng palasyo.
"Pasukin na ang palasyo! Hindi tayo mag-iiwan ng buhay na puting sorcerer sa pagkakataong ito," utos ni Fredo sa mga kasamahan nito.
Sumugod na ang mga itim na sorcerer sa loob ng palasyo, at mas lalo nang lumala ang labanan. Lahat ng kanilang madaanang puting sorcerer ay kanilang pinapaslang: bata, matanda, maging kababaihan na pawang mga walang malay sa digmaang nagaganap. Pinagpapaslang din naman ni Fredo ang mga natitirang hukbo ng mga kalaban gamit ang kaniyang kaalaman sa itim na salamangka. Kalaunan, ay dumating si Dominick at nagpatama ito sa kaniya ng puting salamangka.
"Puro baguhan lang ba ang kaya mo, Fredo? Bakit hindi ka makipaglaban sa kagaya mong beterano?" Hamon nito rito.
Nagtapatan sila ng kanilang mahika, kasabay ng paglalaban ng mga puti at ng mga itim na sorcerer sa loob at labas ng kaharian at palasyo.
Samantala, inihiga naman ni Hadley ang kaniyang namayapa nang ama sa isang pahabang upuan sa pasilyo, bago nito tinignan ng masama ang kaniyang kakambal. Nananatili namang nakangisi si Brianna, na tila ba walang halong lungkot at pagsisisi sa sinapit ng kanilang ama.
"Napakasama mo! Pati si ama ay nagawa mong idamay sa gulong 'to?!" Sumbat ni Hadley rito.
"Kasalanan mo 'yan! Kung isinuko mo sana si Maxim ay buhay pa sana at nananahimik ang ating ama!" Buwelta naman ni Brianna rito.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
Viễn tưởngIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
