Mapait na tinignan ni Brianna ang kaniyang kakambal, habang katabi naman ni Hadley si Maxim na pinagnanasaan ng lubos nito. Habang inilabas naman ni Mia ang kaniyang saglip, kasabay ng mapait nitong pagtingin sa mortal nitong kaaway na si Arthana. Bakas din sa paligid ang pagtaas ng tensyon alinsunod sa kanilang pagdating.
"At sa inaakala n'yo ba ay mapagtataguan ninyo ako nang ganoong katagal?" Patutsada ni Arthana sa kanila.
"Ano pa ba ang kailangan ninyo sa'min? Nakuha n'yo na ang palasyo namin... ano't tila hindi pa yaon sapat sainyo?" Birada rin ni Mia sa kanila.
"Sapagkat may isa pa pala kayong bagay na hindi naibigay sa'kin noong nakaraang digmaan na sabihin na nating kailangang-kailangan ko ngayon... ang Reluvious!" Sagot ni Arthana sa kanila.
"Wala nga sa amin ang hinahanap mo," mariing sagot din ni Mia sa kaniya.
"Kung ganoon... kung wala rin lamang pala sainyo ang bagay na batid kong alam ninyo ay buhay ninyo na lamang ang aming kukuhanin ngayong araw ring ito!" Banta nito sa kanila.
Ilan pang sandali, ay inutusan na ni Arthana ang mga itim na sorcerer na lumusob sa kanila. Kaya naman, ay ganoon din ang ginawa ng mga puting sorcerer. Nagpaulanan silang muli ng mga kapangyarihan at mahika, habang tinangka namang ilikas ni Hadley ang kaniyang pinaka mamahal na si Maxim. Nakita ni Brianna na tila ba tumatakas ang kaniyang kakambal sa labanan, kaya agad niya itong sinundan sa landas na tinahak nito.
Samantala, pinatamaan naman ni Mia ng puting salamangka si Arthana. Na sinalag nito gamit ang kaniyang itim na salamangka, kaya naman nagbanggaan ang lakas ng kanilang mga mahika sa gitna ng labanan. Subalit hindi pa ganap na nakababawi ng lakas si Mia magmula nang madaig ito sa nakaraang digmaan, kaya ibinaba na lamang nito ang kaniyang kapangyarihan.
"Talagang hindi mo kami balak tantanan," sabi ni Mia.
"Dahil alam kong may alam kayo at itinatago n'yo lamang ang Reluvious," sagot ni Arthana.
Muling nagpasiklaban ng kapangyarihan ang dalawa, hanggang sa mas pinakalakas pa ng kapwa sorsera ang pwersa nito. Habang si Dominick naman ay hinarap sina Fredo at ang isa pang pinunong hukbo ng mga itim na sorcerer, tinulungan din naman ni Cielo ang kaniyang pinunong hukbo upang maging pantay ang labanan. Agad nitong pinatamaan ng puting salamangka si Cissy, at mabilis itong napatumba sa kanilang labanan.
Dagsa naman ang pagpapaulan ng salamangka ng kapwang lahi, habang mga mandarayo ay lumalaban nang manu-mano gamit ang kanilang mga sandata. Maya't-maya rin ang pagsabog sa paligid, sanhi ng mga ligaw na mahikang tumatama sa kung saan-saan. At kung bakas naman ng usok ang maaamoy sa palibot ng labanan, ay hiyaw naman ng mga galit at mga agresibong sorcerer ang madidinig sa parteng yaon ng masukal na kagubatan.
Kasama naman ni Ysa si Lemery sa isang sulok ng masukal na kagubatan, habang kasama ang kanilang maliit na hukbo roon. Pasulpot-sulpot lamang ang mga kalaban doon, lalo na at nasa kadulu-duluhan na yaon ng naturang parte ng kagubatan.
"Ano na ang ulat sa labanan?" Tanong ni Ysa.
"Kailangan ng tulong sa labanan... lalo na at masyadong mahigpit ang dami ng mga itim na sorcerer sa paligid," sagot ni Lemery.
"Kung ganoon... ay ipadala mo ang hukbo natin doon upang umalalay," utos ni Ysa sa kaniya.
"Ngunit kakailanganin natin ang maliit nating hukbo upang handa tayo sa pananambang habang itinatakas natin ang mga may sakit at mga sugatan papalayo sa digmaan," pagtutol ni Lemery sa kaniya.
"Kung ganoon ay iwanan mo sa paglikas ang iyong hukbong mandarayo sa paglikas... upang magkaroon tayo ng seguridad sa gagawing pagtakas," utos muli nito.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
