Naglapag ang kahera ng kapehan ng tatlong mug ng kape sa lamesa nilang tatlo. Bakas sa mukha ni Hadley ang pananabik sa kape, lalo na at matagal-tagal itong nawalay sa mundong kinagisnan nito.
Humigop naman sandali si Maxim sa kaniyang kape, habang ito ay mainit pa. Habang nakatitig lamang si Noah sa kaniyang kape, at hindi malaman kung anong uri ito ng inumin. Napansin ito ni Hadley, kaya agad niya itong tinitigan.
"May problema ba?" Tanong nito sa kaniya. "Ano't hindi mo ginagalaw ang iyong inumin?"
Patuloy nitong tinignan ang kaniyang kape, at saka ito tumingin kay Hadley nang bakas sa mukha nito ang pagtataka.
"Anong uri ito ng inumin?"
Naibuga ni Maxim ang kaniyang hinihigop na inumin, at napatawa ng bahagya sa kaniyang narinig. Sino nga ba naman kasi ang tao na hindi alam kung ano ang kape. Napansin ni Noah ang kaniyang kinilos, kaya agad niya itong sinamaan ng tingin.
"May problema ka ba?" Maangas na itinanong ni Noah, kasabay nang biglaan nitong pagtitig kay Maxim.
"W-wala— wala— nasamid lamang ako," pagdadahilan ni Maxim, na kasalukuyan namang hawak-hawak ang kaniyang iniinom na kape.
Ibinalik nito ang kaniyang paningin sa kape, lumalamig na ito dahil na rin sa temperatura sa loob ng kapehan.
"Ano ang sangkap ng inumin n'yo na ito? Tila ba putik na inihalo sa tubig na mainit?" Pagtataka ni Noah. "Mabango ang amoy nito— subalit ang kulay nito ay kakaiba."
"Iyan ay kape— isang uri ng pampagising na inumin namin dito," paliwanag ni Hadley. "Kadalasan ay iniinom namin ang kape upang mawala ang aming antok— lalo na sa mahabang oras sa eskuwelahan noon."
"Umiinom kayo ng lupang inihalo sa tubig bilang pampagising?" Pagtatakang muli ni Noah. "At binabayaran n'yo pa ito ng mahal?"
"Siraulo ka pala eh— hindi gawa sa lupa ang kape," sagot ni Maxim, na kasalukuyang naiirita na rito.
Tumayo si Noah, at kinalampag ang lamesa. Pagtapos ay tinitigan niya ito ng masama, at saka nagsalita. Sunod na tumayo si Hadley, upang pakalmahin siya.
"Sandali lamang— nandito tayo upang mag usap-usap kaya huminahon lamang kayo," pagpapakalma nito. "Kahit sandali lamang ay maaari bang bigyan n'yo muna ako ng sandali upang manamnam naman ang aking kape?"
Umupo na si Noah, subalit bakas pa ring hindi pa ito kalmado pagkat hindi nito inalis ang kaniyang paningin kay Maxim. Tila ba naaasar ito sa kaniyang pagmumukha, sa hindi masabing kadahilanan.
Dumating si Brianna muli sa trono upang siyasatin si Arthana. Nais nitong malaman kung kailan ang eksaktong panahon ng kanilang pakikipag-digmaan, lalo na at nananabik na ito upang kitlin ang buhay ng kaniyang kakambal.
"Sinabi ko na sa'yo na pagpaplanuhan natin ang digmaan na ito," wika ni Arthana. "Lalo na at mahirap labanan ang mga puting sorcerer habang nasa kanila ang Reluvious."
"Akala ko ba ay ako ang itinakda?" Maktol ni Brianna, habang matalas itong nakatitig kay Arthana.
"Ikaw nga— ang itinakda ayon sa kapalaran," sagot ni Arthana. "Ang itinakda sa masamang bugna ng kapalaran."
"Kung ganoon naman pala ay bakit natatakot pa kayong labanan ang sinasabi ninyong Reluvious kung ako naman pala ang itinakda?" Pagtataka pa ni Brianna. "Kung itinakda ako ay mananaig tayo panigurado."
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
