At doon na nga nagwakas ang mapait na kasaysayan ni Arthana, at ng kaniyang pamumuno sa kaharian ng mga itim na sorcerer. Sa loob ng mahaba-haba na mga panahon, ay malaking lagim at takot ang kanilang naidulot sa lupain ng Sorceria. Ano at tunay ngang sila ay kinatakutan, at pinangilagan ng lahat, lalo na sa panahon ng kanilang paglakas.
Kasabay rin nito ay ang pagwawakas ng sumpang itinakda sa magkakambal na Hadley at Brianna Summerwind. Nagsilbing katapusan ng digmaan ang pagwawakas ng kanilang talatakdaan, lalo na at napaslang na rin ang may dahilan kung bakit nabago ang kanilang pamumuhay.
Manatili nawa ang katahimikan, at maghari na sana ang kabutihan sa bawat isa. Walang digmaan kung walang magiging ganid na maghahangad na humigit o' umangat kaysa sinuman. Lahat ng desisyon ay may naaangkop na kabayaran, katulad na lamang ng ipinamalas sa bawat kabanata.
𝑾𝒂𝒌𝒂𝒔 𝒏𝒈 𝑼𝒏𝒂𝒏𝒈 𝑨𝒌𝒍𝒂𝒕...
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
