Kay ganda ng hubog ng buwan na ipinapakita ng kalangitan, kasabay ng mala-nyebeng simoy ng hangin nang lumitaw sina Hadley roon sa labas ng kanilang palasyo. Papalapit na kasi ang Disyembre kung sa mundo ng mga mortal na petsa, kaya nagsisimula nang lumamig pa lalo ang panahon.
Nagtataka naman si Noah sa mga naganap, at kung bakit nito kilala ang isa sa mga nagpaalis sa kanila sa mahiwagang gubat kani-kanina lamang.
"Si Brianna ay aking kakambal— na may pagnanasa sa aking kasintahan doon sa mundo ng mga tao— kaya nais niyang agawin sa'kin ang lahat— maging ang aking buhay,"
Panandaliang napatigil sa paglalakad si Noah sa kaniyang narinig, at napatitig ito sa kaniya. Biglang napalitan ng simangot ang masayahing mukha ng binatang sorsero ukol na rin sa kaniyang mga nalaman ngayon-ngayon lamang.
"May kasintahan ka na pala?"
"Oo— pero hindi ko alam kung hanggang ngayon ay ako pa rin ang nasa puso niya— lalo na at heto ako at matagal nang malayo sa kaniya— mainam sana kung nasa ibang bansa lamang ako, makakapag-usap kami gamit ang gadgets— pero hindi— nasa ibang daigdig yata ako,"
"Ibang bansa? Anong lugar iyon?"
Tinignan siya ni Hadley, at bigla itong napangiti. Tila nakaligtaan nitong hindi isang mortal ang kaniyang kausap, kung hindi ay isang sorsero na lumaki ang namulat na rito sa Sorceria.
"Oo— h-halimbawa— halimbawa ay— hmm— kunwari nandito tayo sa palasyong ito, tapos nasa kabilang palasyo naman siya— ganoon ang ibang bansa kung tutuusin?"
"Pero— hindi ba't bawal kayong mag-usap kung nasa kalabang palasyo ang iyong kakausapin?"
Napakamot na lamang ng ulo si Hadley, hindi nito batid kung pinalala lamang nito ang pagtataka ng kaniyang kausap. Napagtanto nitong da-dalawang palasyo nga lamang pala ang nakatatag dito sa lupain ng Sorceria, at ang dalawang yaon ay magkalaban pa; ang palasyo ng mga puti at ng mga itim na sorcerer.
"Kunwari nga lang di'ba?" Iritang sinabi nito. "Pero alam ko— mali ang pagpapaliwanag ko sa'yo ukol sa ibang bansa— kung madadala lamang sana kita roon ay malalaman mo."
"Oh... 'wag ka nang magalit dahil sadyang wala lang talaga akong alam sa buhay ng mga mortal," pagpapakalma ni Noah, habang matamis itong nakatitig kay Hadley.
Nagpatuloy na sila sa paglalakad, hanggang sa marating nila ang isang bakanteng lote ng kabayanan, malayo-layo sa kabihasnan ng mga puting sorcerer.
Inilibot ni Hadley ang kaniyang paningin sa paligid, habang inihahanda naman ni Noah ang mga dayaming kanilang gagamitin sa pagsasanay.
Pinatamaan naman ni Brianna ng itim niyang salamangka ang isang bahagi ng kakahuyan, at saka ito muling bumuwelo upang patamaan naman ang isa pang bahagi. Labis na namangha si Hannah sa mga ipinapamalas nito sa kanilang pagsasanay, lalo na at malaki ang agwat ng kaniyang ikinatuto mula noong unang beses silang nagsanay hanggang sa kasalukuyan.
"Malaki na ang ipinagbago mo sa paggamit ng itim na salamangka,"
"Hindi ako maaaring malamangan ni Hadley,"
Mabagal na naglakad si Hannah papalapit sa kaniya, at saka niya ito tinignan ng matalas. Hanggang ngayon ay ang kaniyang kakambal pa rin ang bukambibig nito, na tila ba rito lamang nito gagamitin ang kaniyang buong kapangyarihan.
"Malaki talaga ang galit mo sa kakambal mo? Gaano ba ka-guwapo ang pinag-aagawan ninyo at kaya n'yong magpatayan at magsumpaan para lamang sa kaniya?"
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
