Sa makabagong panahon ngayon, may mga bagay na mahirap paniwalaan. Ngunit may mga bagay na mahirap man paniwalaan, ay patuloy pa ring nangyayari sa paligid-ligid. May mga katanungan sa payak na mata ng mga tao na hindi kayang ipaliwanag kahit ng siyensiya. At ang pinaka malaking katanungan sa bawat isa, ay ang pagkakatotoo ng mga tinatawag na kapangyarihan; yaong tipong ang pagkakakilanlan ng mga mahiwagang nilalang. Ang mga bagay na matagal nang pinaniwalaan na kabilang sa pantasya, ay siyang tunay pala.
Ayon sa kasaysayan ng Sorceria, may isang malaking digmaan na naganap sa pagitan ng mga puti at ng mga itim na sorcerer ilang daang libong taon na ang nakakaraan, laban sa isang pangkat ng makapangyarihan na mga sorcerer na hindi matukoy kung saang lahi nabibilang. Kanilang pinag-aagawan ang mga teritoryo sa buong mundo ng salamangka, kung saan ito ay pilit na sinasakop ng mga kakaibang nilalang.
Lubhang makapangyarihan ang mga yaon, upang madaig ng kanilang pwersa ang pinagsamang pangkat ng mga puti at mga itim na sorcerer. Lalo pa at taglay ng mga mapamuksang nilalang ang isang tungkod na sa hindi mawaring dahilan ay lubhang napakalakas. Ang sinumang makatapatan sa banggaan ng kapangyarihan mula sa tungkod na iyon, ay agarang nadadaig at naaabo, kaya pinangilagang maigi ng kapwang lahi ang naturang kapangyarihan.
Subalit ang lahat ng pananakop ay siyang may tunay na kawakasan, nang muling nabuo ang alyansa at pagkakaisa ng mga puti at mga itim na sorcerer. Unti-unti nilang nabawi ang mga teritoryo, hanggang sa ang huling kapitolyo na lamang ng kanilang mga kalaban ang dapat daigin. Batid din naman nila na hindi basta-basta mapupuksa ang nilalang sa likod ng makapangyarihang tungkod. Kung kaya, sila ay humingi ng tulong sa mga tagapagbalanse ng kapangyarihan sa kanilang daigdig. Kanilang inilathala ang tinaguriang pinaka malakas a kapangyarihan na maaaring taglayin ng isang sorcerer; ang Reluvious.
Kanilang ginamit ang nasabing aklat upang tapatan ang makapangyarihan na tungkod, na kanilang napag tagumpayan, dahilan upang gumuho at naglaho ang mga hindi matukoy na pangkat ng mga sorcerer.
Ang akala ng lahat, ay tapos na ang labanan nang sandaling nagwakas yaon. Subalit nagsisimula pa lamang pala ang labanan, nang magkaroon ng matinding hidwaan ang mga tagapagbalanse ng kapangyarihan sa hindi matukoy na kadahilanan. Kung may nakakaalam man ng dahilan, yaon ay tanging sila lamang. Nagkaroon sila ng mga makapangyarihang tapatan at tagisan, kaya naisipang isumpa ng tiwaling tagapagbalanse ng kapangyarihan ang buong Sorceria. Ang aklat ng Reluvious ang magiging sanhi ng panibagong digmaan at mga labanan sa mahiwagang daigdig ng salamangka, bagay na ang dapat ay hahadlang sa anumang digmaan, ay siya palang magiging hidwaan at simula ng pagkakalayo ng mga puti at mga itim na sorcerer.
Pagtatangkaing agawin ng mga itim na sorcerer ang aklat, upang sila na ang hiranging mas nakatataas na lahi kaysa sinuman, higit sa mga puting sorcerer. Ngunit ang isang kasakiman sa kapangyarihan ay kanilang hahadlangan, dahilan upang sumiklab muli ang isa pang panibagong siglo ng digmaan. Sino nga ba ang higit na karapat-dapat sa kapangyarihan ng Reluvious? Magtagumpay kaya ang mga itim na sorcerer sa kanilang nais na kamkamin ang aklat ng salamangka?
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...