Pagbagsak

343 23 4
                                        

Mag-isa at umiiyak sa isang pasilyo si Hadley nang siya ay matagpuan ni Maxim doon. Agad niyang nilapitan ang dalaga, at pinatahan. Hindi rin naman nito lubos akalain na may nagaganap na palang hidwaan sa pagitan nilang magkakambal, gayong halos parang hindi sila mapagbiyak na bunga kung magsama.

"Ayun naman talaga ang tunay n'yang ugali... ibinabalandra n'yang muli,"

"Nandito lang ako sa tabi mo,"

"Alam ko naman iyon kaya nagpapasalamat ako sa'yo,"

"Basta kung may kailangan ka ay sabihan mo lamang ako at agad akong tutulong sa'yo,"

Napatango na lamang si Hadley, at saka ito naglakad papalayo. Ninais itong sundan ng binata, subalit nagpumilit naman ang dalagang huwag na itong sundan. Nais lamang nitong mapag-isa, nang sa ganon ay makapag isip-isip ito sa mga nagaganap sa kanilang hidwaan. Minsan, ang tao ay kinakailangan din mapag-isa. Sapagkat mas gumagana ang pag-iisip ng isang nilalang, kapag ito ay maraming pagkakataon upang makapag isip-isip.

Kinagabihan, ay nagtagpo ang magkakambal sa kusina. Ito ay upang kumain ng hapunan. Tiisin man nilang hindi magpansinan, subalit hindi rin nila matiis ang isa't-isa. Marahil ganoon talaga pag may puwang ang pagmamahal, kahit na anong hidwaan, ay pagmamahal pa rin ang mananaig. Sabay silang kumain sa putaheng iniluto ng kanilang mga kasambahay. Tinola, bulalo, at may kaning iniluto sa turmeric pa. Ilan lamang iyan sa kanilang mga pinagsaluhan nang kinagabihang yaon.

Sa kalagitnaan ng kanilang pag-hahapunan, ay dumating ang isa nilang kasambahay. Hapong-hapo ito at bakas ang pagpapawis nito. Marahil ay tinakbo nito mula sa labas ng mansyon hanggang papaloob. Dala-dala nito ang isang telegrama, na kaniyang iniabot kay Hadley. Isa muling puting sobre na may naka imprenta sa likuran nito.

𝙷𝚊𝚍𝚕𝚎𝚢 𝚆𝚒𝚕𝚕𝚒𝚊𝚖𝚜
𝚆𝚒𝚕𝚕𝚒𝚊𝚖𝚜 𝚁𝚎𝚜𝚒𝚍𝚎𝚗𝚌𝚎
7017 𝚆𝚊𝚝𝚎𝚛𝚖𝚎𝚕𝚘𝚗 𝚜𝚝.,
𝚀𝚞𝚎𝚛𝚢 𝚅𝚒𝚕𝚕𝚊𝚐𝚎, 𝙼𝚊𝚗𝚒𝚕𝚊

Isang pormal na liham marahil. Halata naman sa porma pa lamang ng likurang bahagi. Nagtinginan ang dalawa, at napakunot ang noo ni Brianna ukol sa dumating na telegrama. Gabing-gabi na para sa liham na kaugnay ng trabaho. Masyado ba itong mahalaga upang madaliin?

"Subukan mong buksan upang malaman natin kung ano ba talaga iyan," suhestiyon ni Brianna. "Baka importante pala iyan."

"Na'ko," Kalmadong sagot ni Hadley. "Mukhang alam ko na kung ano ito."

"Ano ba iyan?" Pagtataka ni Brianna. "Buksan mo na nga lamang."

Tumango si Hadley, at kaniyang binuksan ang naturang telegrama. Maingat nitong pinunit ang puting sobre, at saka nito kinuha ang liham sa loob. Nakatala ito sa isang maliit na pirasong papel, tila ba kalahati lang ng sukat ng isang buong coupon bond.

𝙳𝚎𝚊𝚛 𝙼𝚜. 𝚆𝚒𝚕𝚕𝚒𝚊𝚖𝚜:

𝙺𝚊𝚖𝚊𝚔𝚊𝚒𝚕𝚊𝚗, 𝚍𝚞𝚖𝚊𝚍𝚊𝚕𝚊𝚜 𝚗𝚊 𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚐𝚜𝚒𝚜𝚒𝚊𝚕𝚒𝚜𝚊𝚗 𝚗𝚐 𝚖𝚐𝚊 𝚖𝚊𝚢 𝚖𝚊𝚝𝚊𝚝𝚊𝚊𝚜 𝚗𝚊 𝚔𝚊𝚝𝚞𝚗𝚐𝚔𝚞𝚕𝚊𝚗 𝚜𝚊 𝚔𝚘𝚖𝚙𝚊𝚗𝚢𝚊. 𝙱𝚞𝚗𝚜𝚘𝚍 𝚗𝚒𝚝𝚘, 𝚊𝚢 𝚜𝚒𝚗𝚊𝚜𝚊𝚋𝚊𝚢𝚊𝚗 𝚍𝚒𝚗 𝚒𝚝𝚘 𝚗𝚐 𝚖𝚊𝚕𝚊𝚔𝚒𝚗𝚐 𝚔𝚛𝚒𝚜𝚒𝚜 𝚙𝚊𝚝𝚞𝚗𝚐𝚔𝚘𝚕 𝚜𝚊 𝚙𝚎𝚛𝚊 𝚗𝚐 𝚔𝚘𝚖𝚙𝚊𝚗𝚢𝚊.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon