Isang Itim na Sorsera

331 24 3
                                        

Kinaumagahan, mag-isang dumating si Brianna sa kanilang kampus. Mabilis itong naglakad papunta ng kanilang silid, pawa bang may iniiwasan ito sa loob ng kanilang pamantasan. Hindi rin naman nagtagal ang pagtatago nito, sapagkat siya ay namataan ni Maxim. Kaniya itong kinausap, subalit pilit naman siyang umiiwas sa kaniya.

"Nandito ka na pala, Brianna. Ang aga mo yata?" Kuda nito sa kaniya. "At kakatwa ito lalo na at ngayon lamang ito nangyari magmula noong pasukan?"

"Oo... kailangan eh," mahinang isinagot ni Brianna. "Alam mo na..."

"Ahh... sige... pero... bakit hindi mo kasama si Hadley?" Pag uusisa ni Maxim. "Hindi mo ba siya kasabay na pumasok ngayon?

"Si Hadley nanaman..." bulong ni Brianna. "Lagi nalang siya ang bukambibig nito."

"Huh?" Pagtataka ni Maxim. "May sinasabi ka ba?"

"Wala... inalala ko lang kung bakit nga ba hindi ko siya kasabay" tugon ni Brianna. "Ah... may ginawa lang siya sa mansyon kaya siya nahuli."

Humakbang ng isa papalayo kay Maxim ito, na pawa bang nais na nitong putulin ang kanilang usapan. Subalit bago pa man mangyari, ay muli itong nagtanong sa kaniya.

"Ano nanaman ba?"

Napahinto ito sa kaniyang paghakbang. Tila ba ang timpla nito ay nag-iiba na. At saka ito bumalik ng titig sa binata.

"Ano nga palang nangyari--"

"Mukha ba akong hanapan ng nawawalang crush?! Sinabi ko na di'ba?"

"Pero nais ko lamang malaman kung ano na ang nangyari kay Hadley,"

"Wala nga! Hindi ko alam at wala akong pakialam kaya lubayan mo na ako,"

"Pakiusap naman, Brianna!"

"Hindi! Husto na ito,"

"Pangako ay hindi na kita muling gagambalain ngayong araw kapag sinabi mo sa'kin--"

"Hindi... ko... nga... ALAM!"

Natahimik na lamang si Maxim, at hinayaan siyang maglakad papalayo. Ganun nga rin ang ginawa ni Brianna, ito ay humakbang na at naglakad papasok sa kanilang silid. Hindi naman mawari ng binata, kung bakit kay bilis magbago ng timpla nito ngayong umaga. Tila ba may ibang abilidad ang mga kababaihan na wala ang mga katulad niyang kalalakihan.

Ganap nang ala-siyete ng umaga, at ang klase sa antas ng kolehiyong kanilang kinabibilangan ay ganap nang nagsimula. Si Oliver Caviar ang kanilang unang propesor sa araw na ito, na kanila ring adviser. Tila ba ang talakayan ngayong araw ay mabilis na pumukaw sa atensyon ng lahat, lalo na sa kambal at kay Maxim. Tungkol kasi ito sa tinatawag nilang love triangle, kung saan ay nangyayari ito kapag may isa pang nakikisawsaw sa sawsawang pang-isahan lamang. Napatingin na lamang si Brianna kina Hadley na kasalukuyang magkatabi, at saka nito ibinaling ang kaniyang tingin sa nagtuturong propesor. Tila ba natamaan nga siya sa naturang talakayan.

"Hindi malusog na relasyon kapag may isa pang makikisawsaw sa may relasyon na... tignan ninyo na lamang na halimbawa ang palikuran, kapag may pumasok na at umokupa... hindi ka na maaari pang magpumilit na pumasok... maghahanap ka ng iba o mag aantay ka," turan ni propesor Caviar. "Ganoon din sa buhay, hindi para sa dalawa ang iisang puso dahil masyadong mabigat ito sa dalawa... mapanakit na kapag may sabit."

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon