Ang Liwanag at ang Dilim

294 16 1
                                        

Ilang linggo pa ang lumipas bago muling magka-ulirat si Hadley, tila ba nalimutan nito ang mga naganap sa kaniya sa tagal ng kaniyang pagkawalang ulirat. Nang malaman ni Mia ang balita ukol sa kanilang itinakda, ay agad itong nagmadali patungo sa kaniyang silid. Umupo ito sa kaniyang tabi, at saka nito tinitigan ang nakaratay sa kama.

"Maraming salamat at nagising ka na," bati nito sa kaniya. "Ang akala namin ay hindi ka na tuluyan pang magigising."

"Bakit?" Tanong ni Hadley. "Ano ba ang nangyari sa'kin? At bakit ako nandito?"

"Hindi mo natatandaan ang mga nangyari sa'yo?" Pag-uusisa ni Mia, habang matalas itong nakatitig sa kaniya.

Napaupo si Hadley sa kaniyang kama, at napahawak sa kaniyang ulo. Napatigil ito saglit, at saka ibinaling ang tingin nito kay Mia.

"Hindi ko matandaan ang nangyari," 

"O' siya... sige... kung sasabihin ko ba sa'yo na pinagtangkaan kang paslangin ng iyong kakambal ay maniniwala ka?" 

Tumayo na si Mia mula sa pagkakaupo, at saka tumayo sa harapan ni Hadley. Tinitigan niya ito ng matalas, at saka ito naglinis-lalamunan bago muling humirit ng salita.

"Nakatakda ka naming iligtas ayon sa utos ng isang— ng isa naming kakilala nang bigla kaming tambangan ng mga kalabang sorcerer— sa pamumuno ni Arthana at ng iyong kakambal... pinagtangkaan ka nilang paslangin subalit nabigo sila kaya heto at at humihinga pa rin," 

"Si Brianna?" 

Biglang pumasok sa kaniyang ala-ala ang araw na biglang may lumabas na kakaibang itim na usok mula sa kamay ng kaniyang kakambal, na labis nitong ikinagulat noong panahong iyon.

"Kung iyan ang ngalan ng kakambal mo ay siya na nga... kaya kailangan mo pa lalong hasain ang iyong puting salamangka upang magawa mong pangalagaan ang iyong sarili sakaling muli ka nilang pagtangkaan— lalo na at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nariyan kami upang pangalagaan ka," 

"Pagsasanay ng puting salamangka? Kailan naman ako magsisimula?"

"Kapag handa ka na ay maaari ka nang magsimula kaagad," 

"Kung ganoon... ay handa na ako sa sinasabi mong puting salamangka," 

Napangiti bigla si Mia, at tumingin sa mga puting sorcerer sa paligid. At saka nito ibinalik ang kaniyang tingin sa kausap nito. Sa asta, ay tila ba nagugustuhan na nito ang pagiging dedikada ng kanilang sinasabing itinakdang tagapagligtas laban sa masamang bugna. Isa nga itong tunay na kagila-gilalas.

"Mahusay kung ganoon," paghanga nito. "Kung ganoon ay magtungo ka sa trono ng ating palasyo mamayang bago sumilay ang takip-silim... at ipakikilala ko na sa'yo ang magiging gabay mo."

Ngumiti si Hadley, at saka tumango-tango sa tagubilin ni Mia sa kaniya. Pagtapos, ay muli na lamang itong humiga sa kaniyang kama, upang magpahinga bago ang ganap niyang pagsasanay.

Naglakad naman na si Mia papalabas ng kaniyang silid, na agad namang sinundan ni Cielo na kagagaling lamang sa kagawaran ng mga sandata upang magpagpag ng alikabok gamit ang kaniyang kapangyarihan.

"Papaano mo nalamang kakambal niya ang nagtangka sa kaniya? Nagmanman ka sa palasyo nang hindi nagpapaalam?" Pag-uusisa nito, habang matalas itong nakatitig sa kaniya.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon