Araw na ng libing ni Beatrix. Panahon na upang ibaon sa limot ang mga nagawa nitong kasamaan, noong panahong nabubuhay pa ito.
Malungkot na malungkot ang kambal, yaon na rin naman kasi ang huling pagkakataong masisilayan nila ang mukha ng kanilang ina.
"Hindi ko alam," pag-aalala ni Brianna. "Dapat hindi malungkot nang mawala siya... napakasama niya sa'tin eh."
Nagpunas ng luha si Hadley, at saka nito tinitigan ng matagal ang kaniyang kakambal, bago nito naisipang sumagot sa mga katanungan ng kaniyang kakambal.
"Kahit ano namang... mangyari ay... siya pa rin... ang ating... ina," utal nitong isinagot sa kaniyang kakambal. "Huwag ka nang mag-isip pa... mag-isip ng mga hindi makatutulong sa'yo."
"Ayos ka lang ba, Hadley?" Pag-aalala ni Brianna. "Ano't uutal-utal ka yata riyan?"
"Wala... wala lamang," sagot nito sa kaniya. "Sa... sa kakaiyak lamang siguro."
"Sigurado ka ah?" Pag-aalala pa ng kaniyang kakambal. "Kung may nararamdaman ka ay magsabi ka lamang sa'kin."
Tumango na lamang ito, at hindi na nakapagsalita pa. Nilapitan ito ni Brianna upang yakapin, subalit magkagayon man, ay ginantihan niya rin ng yakap ang kaniyang kakambal.
Nagsimula nang ibaba ang ataul ni Beatrix sa anim na talampakang hukay, at ang emosyon sa paligid ay bumugso. Hinimatay si Hadley, kaya siya ay tinulungan ng mga kalalakihan sa libing. At si Brianna ay naiwang pinagmamasdan ang kaniyang inang ibaba sa hukay, walang emosyon. Subalit ang isip nito ay nagtatalo na ang bugso ng mga emosyon.
Sa kabilang dako, nagpupulong sina Mia kasama ang kaniyang mga tapat na sorsero at mga sorsera. Pinag-paplanuhan nila ang kanilang isasagawang pag-buwelta sa kahariang itim. Nalalapit na yaon, at kailangan nang maisagawa sa tulong ng Reluvious.
"Palibutan natin ang kanilang palasyo," matalas na suhestiyon ni Sweetie Pop. "Tignan natin kung may makatakas pang mga itim na sorcerer sa giyera."
Minarkahan nito ang mapa kung saan naka-imprenta ang palasyo ng mga itim na sorcerer.
"May kakayahan ding maglaho ang ibang mga itim na sorcerer," pagtutuwid ni Cielo rito. "Nakatitiyak akong hindi uubra kung papalibutan lamang natin sila."
"Papaano ka naman makakatiyak na makakatakas pa sila? Gayong hawak natin ang Reluvious?" Pabalik na tanong ni Sweetie Pop. "Nakatitiyak akong walang ititirang buhay ang kapangyarihan ng banal na aklat ng Reluvious."
"Matagal na akong kasama ng mga puting sorcerer sa pakikipag-digmaan hindi katulad mo kaya alam ko ang mga pasikot-sikot ng kanilang mga taktika," pang-aasar ni Cielo. "At... hindi katulad mong inilaan ang buhay sa pang-aalipusta ng mga puting sorcerer, ay parang wala ka na ring pinagkaiba sa kanila."
Pumagitna si Joana sa kanila, bago pa man sila tuluyang magtalo. Pagtapos, ay matalas nitong tinitigan ang dalawa na tila na nadismaya ito sa kanilang inaasal ngayon, lalo na at nasa kalagitnaan pa naman sila ng pagpupulong; higit sa kailangan na nila itong maisagawa sa lalong madaling panahon.
"Mahiya naman kayo," saway nito sa kanila. "Sa harap pa kayo ng ating pinuno nagtatalo."
"Hindi nga tayo mapapabagsak ng mga itim na sorcerer," pagitna naman ni Ysa. "Hindi naman tayo magkasundo-sundo sa taktika kaya parang ganoon na rin."
"Ako lamang naman ay nagsusuhestiyon," mabilis na sinabi ni Sweetie Pop. "Ngunit kung minamasama pala ng isa riyan ay 'wag na lamang."
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
