Apoy sa Apoy

326 24 6
                                        

Sa kaharian ng mga itim na sorcerer, ay pormal nang nagbalik si Arthana mula sa ilang linggo nitong paglalakbay. Daglian nitong hinanap si Fredo, na ang kaniyang tanging katiwala.

Labis nitong ipinagtataka na kung bakit sa halos isang linggo lamang niyang pagkawala, ay marami na agad ang nagbago sa Sorceria. Tila may dumaang unos? O' di kaya ay digmaan?

"Sabihin mo sa'kin kung ano ang naganap dito?" Ani Arthana. "Bakit tila iba ang ipinahihiwatig ng Sorceria sa aking pagbabalik?"

Napahinto ito saglit, at tumayo ng tuwid kasabay ng matalas nitong pagtingin kay Fredo. Ilang saglit pa, ay may naalala itong bagay na kaniyang naiwanan at ipinagbilin sa kanila bago ito umalis noon dito.

"Si Mia?" Pag-uusisa nito sa kaniyang katiwala. "Nasaan si Mia?"

"Ipagpaumanhin mo, pinuno. Subalit may puting sorcerer na nakialam kaya naman——" putol na sabi ni Fredo.

Bago pa man matapos ang sinasabi nito, ay nasampal na siya ng kaniyang pinuno. Lalong nagngalit ang mga tingin ni Arthana sa kaniyang katiwala. Tila ba nais na niya itong paslangin.

"Isang sorcerer na nga lang ang pinapabantayan ko sainyo... laban sa laksa-laksa—— mga inutil!" Galit na sabi nito sa kaniyang mga alagad. "Kahit kailan talaga ay puro kayo mga walang pakinabang!"

"Ipagpatawad mo ang mga naganap dito," malungkot na sabi ni Fredo. "Subalit katulad ng sinabi ko sa'yo ay sadyang mabilis ang mga kaganapan dito."

Agad na dinukot ni Arthana ang kaniyang saglip mula sa bulsa nito, at daglian itong nagpatama ng itim na salamangka sa mga pasilyo ng palasyo, dahilan upang magkaroon ng mga pagsabog. Nakayuko at nangangamba sa galit ng kanilang pinuno ang mga itim na sorcerer, ramdam na ramdam kasi ang galit nito sa buong palasyo.

Samantala, sa hindi kalayuan. Nasa labasang entrada na ang pitong hanay ng mga puting sorcerer. Nakahanda, at tila ba sa anumang sandali ay sasabak na sa digmaan.

Dumating si Mia upang tignan ang paghahanda ng mga hukbong puti, na siyang sinundan ni Cielo dala-dala ang magiging pinaka malakas nilang pananggalang sa gagawin nilang pagganti; ang Reluvious.

Nagsimulang ihayag ng kanilang pinuno ang kanilang paglalakbay. Kung kaya at hindi rin nagtagal, ay nagsimula nang maglakbay ang mga puting sorcerer paalis sa palasyo. At sa kanilang paglalakbay, ay panandaliang napahinto si Mia sa pangunguna sa kaniyang hukbo.

"May problema ba?" Tanong ni Cielo. "Ano't napahinto ka riyan?"

"Bigla akong napaisip kung ito na nga ba ang tamang panahon upang gantihan ang mga itim na sorcerer... hindi kaya't nabigla lamang ako?" Sabi naman nito. "Wala tayong masyadong paghahanda kaya baka bumaliktad ang lahat."

"Ano't tila nabahag na ang matapang na pinunong nakilala namin? Siya pa at matagal na natin itong pinaghandaan," panghihikayat ni Cielo. "Taliwas sa iyong isinaad."

"Nawa ay tama ang aking naging pasya at hindi ko nanaman malagay sa peligro ang buhay ng mga puting sorcerer... lalo na ang Reluvious," ani Mia. "Hindi ko nais na dumating ang pagkakataon na sila naman ang gumamit ng Reluvious laban sa'tin pagkat naagaw nila ito sa atin dahil sa kawalang-kahandaan nating lahat."

"Nauna silang nanggulo... lumalaban lamang tayo nang apoy sa apoy," matalas namang sinabi ni Cielo. "Kaya kung nais mong ipakita sa kanilang kaya nating lumaban, ay dapat natin itong ipakita upang hindi nila tayo pinagtatawanan mula sa malayo."

"Tama... apoy sa apoy," ulit na sabi ni Mia. "Apoy sa apoy ang labanan dito."

Samantala, mala-ulap pa ang usok sa loob ng palasyong itim sanhi ng mga pagsabog kaninang nilikha ni Arthana. Subalit ang lahat ng mga itim na sorcerer ay hindi na nakitahan pa ng pangamba sanhi ng nangyari kanina, lalo na at baka maging katawa-tawa sila sa kanilang pinuno.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon