Dilim Laban sa Liwanag

257 9 1
                                        

Nagkatagpo na ang mga puti at mga itim na sorcerer sa hangganan ng mahiwagang gubat, at daglian ang mga ito kung magpakawala ng kani-kanilang ng mga mahika at mga salamangka. Dagsa ang mga pag-ulan ng salamangka sa paligid, at marami ang mga ligaw na kapangyarihang natama sa kung saan-saan.

Para bang bagong taon ang datingan, subalit mas mapamuksa lamang ang mga salamangkang ito kumpara sa mga paputok sa mundo ng mga tao.

Bukod sa puti at itim na salamangka, ay makikita rin sa labanan ang pagpapaulan ng iilan sa berde o' asul na salamangka. Ilan naman lalo sa mga ito ay nagamit ng pula. Berde na sumpa ng panghihina sa tatamaan nito, pula bilang sumpa ng kamatayan, at kapag asul naman ang tumama sa isang nilalang ay mababasag ito na para bang salamin.

Wala mang sapat na kapangyarihan ang mga taga-Prussian, subalit magagaling sila kung kumitil kahit sa malayuan. Sila ay mga kilala at tanyag na mangangaso, kung kaya ang kanilang mga pana at mga palasok ang kanilang ginagamit sa malayuang pagtira. Tahimik ang kanilang pagpapaulan ng mga palasok kung ikukumpara sa mga salamangka ng mga sorcerer, subalit katulad din ng salamangka, ay nakamamatay rin. Ipinag-utos ng mga babaylan sa kanilang tribo na lagyan ng dagta ng lapaha ang dulo ng kanilang mga palasok, upang maging mas nakamamatay ito.

Ang Lapaha ay isang uri ng matangkad na punong kahalintulad ng puno ng buko kung ihahalintulad sa hitsura, subalit isa itong uri ng puno na hindi nagbubunga. Subalit malaki ang maitutulong ng dagta nito, pagkat ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng sangkap sa lason dito sa lupain ng mga sorcerer.

Samantala, nakasalubong ng pangkat nina Cielo ang malaking alon ng mga itim na sorcerer. Mabilis itong nagpatama ng puting salamangka patungo sa iilan sa kanila, subalit malaki pa rin ang bilang ng mga kalabang patungo sa kanilang pwersa.

"Ihanda ninyo ang mga sarili n'yo! Mapapalaban tayong muli," sabi nito sa kanila, habang inihahanda nito ang kaniyang saglip.

"O' siya, tama ka! Nandirito na ang kadiliman. Nandito na ang mga itim na sorcerer," sabi ni Ysa, habang inihahanda rin ang kaniyang saglip.

"Tama. Nandito na ang kadiliman," dagdag pa ng babaylan ng mga taga-Prussian.

Mabilis na nagpatama si Ysa ng puting salamangka patungo sa direksyon ng mga kalaban, at lumikha ito ng pagsabog. Marami ang napaslang sa sandaling yaon, subalit mas marami pa rin ang alon na patungo sa kanila. Ilang sandali pa, ay lumusob na ang kanilang hukbong mga puting sorcerer, at nagsimula na rin silang magpaulanan ng mga salamangka.

Iwinagayway ni Cielo ang kaniyang saglip, at saka may lumabas sa dulo nitong isang lubid na kaagad sumakal sa isang kalaban. Hinila niya ito, at sa ilang sandali ay napugot ang ulo ng naturang kalaban.

"Ang salamangkang latigo," manghang sabi ni Ysa. "Papaano mo natutunan ang isang 'yan?"

"Palihim sa'kin itong itinuro ni Sweetie Pop noon,"

"Ahh— ang vigilante,"

Mabilis na nagpatama ng puting salamangka si Ysa sa mga paparating pang kalaban, habang si Cielo ay gumamit ng nakakasinag na liwanag upang maabala ang mga kalaban habang isa-isa silang pinapaslang ni Ysa.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon