Malaki ang naidulot ng nangyaring digmaan. Ang pagbagsak ni Quesana sa kamay na bakal ni Arthana ay siya ring pagbagsak ng lahat ng mga puting sorcerer.
Tunay na nalugmok ang kanilang kaharian, sa paglisan ng isa sa pinaka mahusay nilang sorsera. Humina rin ang hukbo at depensa ng kanilang lahi, bunga na rin ng mga nalagas sanhi ng digmaan.
Isang mapait na pagbubukas ng bagong kabanata kung maituturing, lalo na at wala pang karapat-dapat na humalili upang maging bagong pinuno ng mga puting sorcerer. Bagong pinuno na haharap sa bugso ng mga bagong itim na sorcerer. Bagong pinuno na nawa ay magsadlak sa Sorceria patungo sa kapayapaan.
Ang dami ng mga namatay ay nakahilera sa dagat ng Sorceria, nang nakasakay sa tig-iisang bangka. Ang mga bangka ay kanilang pinaalon palayo sa palasyo, at saka pinaulanan ng mga palasong nagliliyab upang maging abo at anurin na ng dagat. Isa-isang itinaas ng mga puting sorcerer ang kanilang mga saglip kasabay niyan, tanda ng kanilang huling pagbibigay-buhay sa kanilang mga bayani ng digmaan. Sapagkat natalo man sila, ay batid naman nilang muli silang babangon at maghahatid muli ng kapayapaan sa lahat.
Samantala, kung ano ang pighati sa palasyo ng mga puting sorcerer, ay siya namang pagdiriwang sa palasyong itim. Kung saan, ay nagdaos ng piging si Arthana sa kaniyang unang tagumpay. Sino ba naman ang mag-aakala na kay bilis niyang matatalo ang isang beteranang puting sorcerer? Gayong siya ay isa pa lamang baguhan sa hanay ng mga sorsera. Kahanga-hanga! Ang isang beterana ay babagsak lamang pala sa isang baguhan at lumaki sa mundo ng mga tao. Nakangisi siyang nilapitan ni Fredo, upang batiin sa kaniyang naging tagumpay hindi lamang sa pamumuno ng hukbo, kung hindi maging ang para sa naging kamatayan ni Quesana.
"Tiyak akong nagdurusa ngayon ang mga puting sorcerer," ika ni Fredo. "At matagal-tagal pa bago sila muling makabangon."
"Dapat lang silang magdusa lalo na at simula pa lamang nito," sabi rin ni Arthana. "May makakasama pa tayong higit na malakas sa hinaharap,"
"Sino?" Pagtataka ni Fredo. "Sabihin mo sa'kin kung sino ang tinutukoy mo?"
Hindi na umimik pa si Arthana. Sa halip, ay nagsalin na lamang ito ng serbesa sa kaniyang baso at lumagok.
Ibinaling na lamang ni Fredo ang kaniyang atensyon sa mga nagdiriwang na mga itim na sorcerer, subalit ito ay nagtataka pa rin sa kung sino nga ba ang tinutukoy ng kanilang pinuno. Higit na malakas? Si Orearuva ba ang tinutukoy niya? Hindi. Hindi siya iyon tiyak, lalo na at kasama na nilang lumalaban ang tagapagbalanse ng kapangyarihan ngayon. May mas malakas pa marahil sa kaniya. Hindi niya rin naman ito malalaman hanggang sa dumating na ang tamang panahon ng pagpapakilala sa kaniyang tinutukoy.
Sa kanilang pagdiriwang ay may isang puting sorcerer na lumitaw, suot ang isang mala-perlas na kulay ng kapa at nababalutan ng puting balabal ang kaniyang mukha. Pinatamaan nito ng puting salamangka ang kisame ng trono, dahilan upang sumabog ang paligid. Ngayon, ay malinaw nang isa nga itong puting sorcerer, ayon sa ipinamalas nitong kapangyarihan. Napatayo na lamang tuloy si Arthana, at pinigilan ang kaniyang kampon sa pagganti rito.
"Talagang hindi ninyo pa tatapusin ang digmaan... hangga't hindi kayo namamatay, ano?!"
"Nakikilala ko ang kasuotang 'yan." Sabat ni Fredo. "Kasama ka sa unang digmaan, Mia?"
"Nagbalik ako dahil sa nabalitaan kong naganap sa aking lahi, magbabayad kayong lahat!"
"Ikaw nga si Mia!" Pagkumpirma ni Fredo. "Subalit ang akala ng lahat ay matagal ka nang patay?!"
"Akala ninyo lang 'yun!" Sagot nito. "Dahil buhay na buhay ako at maghihiganti sainyong lahat!"
Pinatamaan ni Mia ng puting salamangka ang mga paparating na itim na sorcerer, habang ito ay napatingin ng masama kay Arthana. Nangangalit ito ay tila ba nais na niya itong kitlin. Subalit nananatiling kalmado ang pinuno ng mga itim na sorcerer, at nananatiling nakangisi lamang sa kaniya habang umiinom ng serbesa.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...