Ang Lihim ng Nakaraan

410 34 64
                                        

Kinagabihan, nang dumating ang sinasakyang kulay abo na sasakyan ng kambal na Hadley at Brianna. Subalit sa hindi mawaring dahilan, ay nakaabang si Beatrix sa entrada ng kanilang mansyon at para bang nakaharang ito roon. Gayong hindi naman nito paboritong gawain ang hintayin sila sa kanilang pagdating, lalo na at kinamumuhian niya ang mga ito.

Hinarang nito ang pagpasok ng sasakyan sa entrada ng mansyon, at agad nitong inutusang bumaba ang kambal niyang anak. Agad din naman silang sumunod, at lumapit sa kanilang mapamuksang ina. Agad na tinignan nang matalas ni Hadley ang kanilang ina, habang may halong pagtataka pa rin ito kung ano ba ang tunay nitong pakay sa kanila.

Malakas naman na sampal ang agad nitong sinalubong kay Brianna, dahilan upang mapahawak ito sa kaniyang pisngi. Ngayon ay malinaw na ang kaniyang pakay. Ang ginawa nitong panlalaglag sa kanilang ama noong nakaraang araw. Iyon nga marahil ang ikinagagalit nito. Siguro ay hindi nito matanggap na napahiya siya at nailaglag sa harapan pa mismo ng kaniyang pinaka-mamahal.

"Nilaglag mo pa ako sa ama ninyo... at anong akala niyo?! May magagawa ang inyong ama sa mga nais ko sainyo?!"

Muling sinampal ni Beatrix sa kabila namang pisngi si Brianna, subalit nasampal din nito ang kaniyang ina sa pagkabigla. Agad itong napatingin sa kaniyang anak nang may halong pagkabigla. Hindi nito lubos maisip na gaganti ito.

"Lumalaban ka na ah!"

"Sumusobra ka na kasi!"

"Ganoon ba kamo?"

Hinila nito ang buhok ng dalawa at dinala patungo sa kanilang hardin. Inaawat na sila ng kanilang mga kasambahay at mga katulong, subalit hindi talaga nagpapa-awat ang isang ganid. Sa halip, ay binantaan nito ang mga kasambahay nila nang pagkakasisante sakaling humadlang sila sa mga nais nitong gawin sa sarili niyang mga anak. Kaya naman, ay wala nang nagawa ang mga ito kung hindi ang mahabag sa sinasapit ng kambal.

Sa Sorceria naman, ay nangangamba si Mia kung kailan muling sasalakay ang mga itim na sorcerer. Kung magkataon, malakas pa ring maituturing ang mga kalaban sa pamumuno ni Arthana dahil sa tulong ni Orearuva. Kaya naman baliwala ang kanilang mga paghahanda kung magkataon. Isa pa ay hindi rin nila nadarama ang paggabay ni Locasta sa nagdaang digmaan, maraming taon na ang nakararaan. Kaya naman biglang naalala ni Cielo ang isang bagay na maaaring makatulong sa kanila kung sakali.

"Ang Reluvious? Ang susi ng Reluvious? Nasa kwintas itong suut-suot ni pinunong Quesana,"

"Tanging ang saglip lamang ni ina ang aking nakalap... ang susi ng Reluvious?"

Napailing-iling naman si Ysa, at saka ito lalo pang lumapit sa kanilang dalawa upang makisabat. Lalo na at usaping pan-digmaan na ang usapin. At siya ay isa sa mga kasapi ng hindi lamang ng bagong konseho, kung hindi maging ng hukbong puti.

"Kung ganoon ay nawawala ang susi ng Reluvious?"

"Ysa, magsama ka ng pitong puting sorcerer sa bundok ng Zenata. Cielo, sasamahan mo ako... may patutunguhan tayo,"

"Saan tayo patutungo?"

"Malalaman mo rin kapag nakarating na tayo roon,"

Hinawakan ni Cielo ang braso ng kaniyang pinuno, at sila ay daglian ding naglaho sa kahariang puti gamit ang puting usok. Samantala, ay pinili na ni Ysa ang mga puting sorcerer na isasama nito sa paglalakbay ayon sa tagubilin ni Mia.

Sa kabilang dako, ay unang nginudngod ni Beatrix sa bungkal na lupa ng hardin ang mukha ni Hadley. Habang si Brianna naman ay sabu-sabunot pa nito, at umaaray na sa sakit. Nasaksihan ng mga kasambahay ng mansyon ang lupit at bagsik ni Beatrix sa mga anak nito, subalit wala rin namang magagawa ang mga ito. Para bang telebabad sa tunay na buhay ang mga tagpo.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon