Pinaulanan ng puting salamangka ng mga puting sorcerer ang lawarka, subalit masyado itong makapangyarihan upang kalabanin. Bagkus, gumanti ito sa pagbuga ng apoy, at mabilis na naabo ang marami sa mga ito. Sinabayan pa ng paglusob ng mga itim na sorcerer, kaya ganap nang nagsimula ang labanan doon. Mabilis na pinatamaan ni Mia gamit ang tungkod ni Allaine ang mga papalapit na kalaban, at agad din namang bumabagsak ang mga ito.
"Detronumvia!" Bigkas nito.
Kalaunan, ay tumama ng sumpa ng kamatayan nito sa isang itim na sorcerer. Pagtapos, ay saka nito itinaas ang kaniyang tungkod, upang mas lumawak ang pinsala nito sa kaniyang mga kaaway. Habang sina Dominick naman ay mano-mano kung makipaglaban kasama ng kaniyang hukbo.
Ganap na ganap pa rin ang labanan sa bawat sulok doon sa labas ng palasyo, naroon at pinaslang ni Cielo ang mga hambalang sa kaniyang daanan gamit ang isa lamang mahinang uri ng puting mahika.
Sa loob naman ng palasyo, ay itinatakas na ni Hadley ang kaniyang kasintahan. Sa kanilang paglalakad patungo sa kaligtasan, ay kanilang natanaw mula sa bintana ang isang malaking dragon na nananalasa sa mga puting sorcerer sa labanan.
"Dragon! May dragon," sabi ni Maxim.
"Kaya nga mas dapat kitang ilikas muna sa ngayon," sagot ni Hadley.
Hindi kalaunan, ay may dumating na iilang mga itim na sorcerer sa kanilang daanan. Kaagad itong nagpatama ng puting salamangka patungo sa kanila, na daglian din nilang ikinamatay.
"Kailangan na kitang mailikas dito upang makatulong na ako sa nangyayaring labanan," sabi ni Hadley.
"Kaya ko na ang aking sarili," sagot ni Maxim.
"Ano ang ibig mong sabihin? Napag-usapan na natin 'to di'ba?" Pagtataka ni Hadley.
"Ang ibig kong sabihin ay kaya kong lumikas nang mag-isa. Sasama ako sa mga puting sorcerer sa kanilang paglikas," sagot muli ni Maxim.
Napangiti bigla si Hadley, at saka nito niyakap ang kaniyang pinaka-mamahal. Pagtapos, ay bumitaw na ito at sila ay nagkahiwalay na ng landas sa labanang nagaganap. Tinungo ni Hadley ang labas ng palasyo upang tulungan sila roon, ngunit tila ba nahuli na siya pagkat nagkalat na ang mga patay na puting sorcerer sa paligid ng sarili nilang palasyo.
"Hindi na ligtas dito sa labas ng palasyo. Pumasok ka na sa loob at hintayin ang mga susunod na ulat," utos ni Mia rito.
"Ngunit nais kong tumulong sa labanan," giit naman ni Hadley.
"Makakatulong ka. Pamunuan mo ang hukbo sa ikalawang entrada. Pamunuan mo ang hukbo ni Adama," sagot ni Mia.
"Si Adama? Ang bago sa ating hukbo?" Tanong ni Dominick.
"Siya nga," sagot ni Mia.
Umalis na si Hadley upang tunguhin ang hukbo sa ikalawang entrada, at ang tinutukoy nilang ngalan. Doon ay narating niya ang sinasabing hukbo, at pawang nakahanda na ang mga ito sa labanan.
"Ako ang iniatas ni pinunong Mia na mamumuno sainyo sa labanan. Kaya hihintayin natin ang pagpasok nila rito at saka natin sila tatambangan," sabi ni Hadley.
Tumalikod ito, at nang gawin niya iyon ay biglang naglagay ng itim na balabal sa kanilang mga mukha ang ilan sa mga kasapi ng hukbo. Pagtapos, ay kanilang pinatamaan ng mahika ang mga nalalabi sa hukbong hindi naglagay ng nasabing balabal. Napaharap na lamang bigla si Hadley, at nagulat sa kaniyang nasaksihan.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasiaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
