Paglipas ng ilang saglit, ay nahimasmasan na si Noah at tuluyan na ngang nagising. Kaagad nitong napansin ang pinsala ng labanan sa paligid, at ang wala nang buhay na kahera ng kapehan.
"Pahamak talaga ang mga itim na sorcerer kahit kailan,"
Iwinasiwas nito ang kaniyang saglip, at isa-isang naggalawan ang mga bagay sa paligid na para bang may mga sari-sarili itong buhay. At ilang saglit pa nga, ay ang mga napinsala ay naisaayos nang muli. Ito ay maliban doon sa namatay na kahera, sapagkat hindi na sakop ng puting salamangka ang bumuhay ng patay.
Tumingin-tingin ito sa paligid at may napuna ito. Sina Hadley at ang kaniyang kasintahan dito sa mundo ng mga mortal. Nawawala ang mga ito, at tiyak na kinuha na ito ng mga nagtangka sa kanilang buhay.
Sa loob-loob nito ay baka may kung ano nang masamang nangyari kay Hadley, kaya agad nitong ginamit ang kaniyang puting salamangka upang maglaho.
Samantala, nakapiit sa piitan ng palasyong itim sina Maxim. Habang ang mga bantay roon ay walang habas na kinukuryente si Hadley gamit ang dulo ng kanilang mga saglip.
"Sige pahirapan pa 'yan!" Utos ni Arthana. "Pahirapan hanggang magmakaawa na siya mismo na kitlin natin ang kaniyang buhay."
Kinuha ng isang itim na sorcerer ang isang latigo, at sinimulan niya itong hatawin nito. Bakas na sa kaniyang mukha ang paghihirap, subalit hindi niya ito ipinaparamdam sa mga nagpapahirap sa kaniya.
"Nararamdaman mo na ba ang paghihirap mo?" Pag-uusisa ni Arthana, habang nakatitig ito kay Hadley.
"Hindi," mahina at mabilis na isinagot ni Hadley. "H-h-hindi ako susuko sa katulad mo."
"Pangahas kang talaga— tignan natin ang kakayahan mo kung hanggang saan ka tatagal," sabi ni Arthana. "Hanggang saan tatagal ang isang katulad mo kung ang kasintahan mo nang taga mundo ng mga tao ang pahirapan ko."
"W-wag si Maxim..."
"Hanggang saan kaya tatagal ang isang taga-lupa sa pagpapahirap ng isang sorsera?"
Ilang sandali pa, ay dumating si Brianna sa piitan alinsunod na rin sa pagpapatawag sa kaniya nito. Agad itong napatigil nang makita niya si Maxim at ang kaniyang kakambal, at saka nito ibinaling ang kaniyang paningin sa pinuno ng mga itim na sorcerer.
"Narito na ang unang bahagi ng aking regalo sa iyong kaarawan, Brianna— malaya kang gawin ang lahat upang pahirapan ang iyong kakambal," bati ni Arthana sa kaniya. "Kahit na paslangin mo pa siya ay wala na kaming pakialam doon."
"Maligayang kaarawan," bati rin ni Fredo sa kaniya, na kasalukuyang hawak-hawak ang isang sibat.
Tumango na lamang si Brianna, at saka nito tinignan ang naghihirap na nitong kakambal. Bakas sa emosyon nito ang naghahalong awa at galit. Kahit papaano ay naaawa pa rin ito sa lagay ng kaniyang kakambal, kaya parang hindi nito kayang pahirapan ito.
"Ililipat ko na sa'yo ang pagpapahirap sa kakambal mo— at kung ano man ang balak mong gawin sa lalaking 'yan," sabi pa ni Arthana, habang nagpapagpag ito ng kaniyang kasuotan.
Umalis na ito kasama si Fredo, kasama rin ang ilang mga itim na sorcerer. Ngayon na kasi nila gaganapin ang pagpupulong patungo sa isang digmaan laban sa mga puting sorcerer, isang digmaan na pamumunuan muli ng kasamaan laban sa katwiran.
Tanging si Brianna na lamang ang naiwanan doon kasama ang kanilang mga bihag, kasama rin ang ilang mga natitirang bantay doon. Bakas sa pagmumukha nito ang lungkot sa kalagayan ng kaniyang kakambal, subalit mariin pa rin nitong pinaiiral ang kaniyang namuong galit para rito.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
Viễn tưởngIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
