Malalim na ang gabi, subalit naglalakad pa rin si Brianna palabas sa palasyo. Tila ba may patutunguhan ito, at hindi nais makita ng ibang mga itim na sorcerer sa paligid.
Mabilis nitong tinungo sa bukana ng kanilang palasyo, at doon ay panandalian itong napatigil. Kinutuban ito bigla, at panandaliang naalala si Fredo, subalit hindi niya ito inantala. Bagkus, ay mas mahigpit ang hangarin nitong makuha niya sa kaniyang kakambal ang lalaking pinaka-mamahal nito.
"Kung hindi ako matutulungan ni Arthana— ay ako na lang mismo ang kakalaban kay Hadley upang makuha ko nang tuluyan si Maxim,"
Inilabas nito ang kaniyang saglip, at saka nito ginamit ang kaniyang kaalaman sa itim na salamangka upang maglaho. Sakto naman na sa kaniyang pag-alis, ay ang pagdating ng ilang mga itim na sorcerer. Patungo ang mga ito sa bulwagan, kung saan sila ay ipinatawag ng kanilang pinunong hukbo.
Samantala, sa bulwagan, ay dagsa na ang bilang ng mga itim na sorcerer na naghihintay sa abiso sa kung ano nga ba ang dahilan at ipinatawag silang lahat doon.
Kalaunan pa, ay dumating na sina Arthana kasama si Cissy. Ngunit ang ipinagtataka ng iba, ay kung bakit hindi nila kasama si Fredo ngayon. Palagian kasi silang magkakasamang tatlo kapag may mga ganitong pagpupulong, lalo na at halos nagsilbi na ring kanang kamay ng pinuno ng mga itim na sorcerer si Fredo.
"Kung hinahanap ninyo si Fredo, ay wala na siya." paunang anunsiyo ni Arthana sa lahat. "Pinaslang ko na siya— pinaslang ko siya kasi taksil siya. Pinagtangkaan niyang agawin sa'kin ang Reluvious."
"Kung kaya naman— magkakaroon ng malaking pagbabago sa pamamahala 'di lamang ng hukbo— kung hindi maging ng buong palasyo," dagdag pa ni Cissy, habang matapang itong nakatitig kay Arthana.
Nagtinginan ang mga itim na sorcerer habang may halong pangamba. Kung nagawang paslangin ni Arthana ang matagal na nitong katiwala sa kaharian, ay papaano pa ang ilan sa hukbong halos ay baka hindi niya kakilala ang lahat.
Naisipan naman ni Hadley na magtungo na sa trono upang makibalita sa usad ng kanilang gagawing pagpaplano, nang biglang lumitaw si Brianna sa kaniyang harapan at saka ito mabilis na nagpatama ng itim na salamangka. Kaagad naman itong napayuko, dahil na rin sa gulat at hindi kahandaan sa unang hakbang ng kaniyang kakambal.
"Ano nanaman ba 'to?! Nakuha mo na ang lahat— nakuha n'yo na ang lahat sa'min!" Sabi nito rito. "Anong kaguluhan nanaman ba ito, Brianna?!"
"Pagtutuwid. Hindi lahat ay nasa amin na," sagot ni Brianna rito. "May isa pang mahalagang bagay ay hanggang ngayon ay nasa sainyo— nasa iyo, Hadley."
"Anong ibig mong sabihin?"
"May isang bagay akong hindi nakuha sa mga huli nating labanan. Si Maxim! Akin na si Maxim!"
"Kahit ibigay ko siya sa'yo ay hindi ka rin niya mamahalin! Kahit pilitin mo siyang agawin sa'kin, mananatiling ako ang laman ng kaniyang puso— bagay na hinding-hindi mo mararanasan dahil walang nagmamahal sa'yo,"
"HINDI TOTOO 'YAN!"
Nagpatama ito ng itim na salamangka patungo sa kaniya, na sinalagan na ng kaniyang kakambal sa pagkakataong ito. Pagtapos ay saka nito panandaliang ibinaba ang kaniyang saglip, at saka niya ito tinignan ng masama.
"Kung gusto ng away, Brianna. Hindi na kita aatrasan," sabi ni Hadley, habang matalas itong nakatingin sa kaniyang kakambal.
"Matapang ka na ngayon. Hindi lang ikaw ang may kapangyarihan! Patas lang tayo sa parteng iyan— ngunit hindi sa pagmamahal. Tama ka— walang pagmamahal sa'kin dahil ang lahat ng pupwedeng magmahal sa'kin ay inagaw mo! Kaya hindi ako makapapayag!" Giit pa nito rito. "Isa kang malaking mang-aagaw, Hadley! Ikaw ang dahilan kung bakit ako ganito ngayon— ikaw ang sumira ng buhay ko!"
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasyIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
