Pagkainggit

287 13 1
                                        

Lumitaw na sina Hadley sa trono nito ng palasyo ng mga puting sorcerer. Subalit wala pang ilang sandali, ay nahimatay ito at bumagsak. Daglian naman itong sinalo ni Maxim. 

Bakas na bakas kasi rin dito ang mga latay at bakas ng mga paghihirap nito sa mga itim na sorcerer kani-kanina lamang. Nais mang alalayan ni Noah ang kaniyang nahimatay na mag-aaral, ay hindi niya naman ito magawa pagkat nalalamangan na ito ng kaniyang kasintahan. Kaya pakunwari na lamang, at ito ay nanatili na lamang na nakatayo sa isang tabi ng trono. Lumapit naman ang mga bantay sa kanila, upang buhatin ito at dalhin sa kaniyang silid upang makapagpahinga at lapatan ng lunas. 

Susundan sana ni Maxim ang mga bantay nang biglang kuhanin ni Mia ang kaniyang atensyon, dahilan na rin upang maiwanan ito sa trono kasama ng mga puting sorcerer.

"Ikaw marahil ang ikinukwento niya sa'kin na kasintahan niya sa mundo ng mga mortal?" Tanong nito sa kaniya. "Ano nga ulit ang iyong ngalan? Maxwell? Maxus? Maximus?"

"M-maxim— Maxim Buenventura ho ang aking ngalan," sagot naman nito, habang nakikita nito si Noah na papalapit sa kaniya.

"Dalawa ang iyong ngalan? Ano't dalawa ang iyong ngalan?" Pagtataka ni Mia. "Ibig sabihin ba nito ay isa kang bathala— subalit hindi— isa kang taga mundo ng mga mortal."

"Bathala? Ano hong bathala?"

"Dalawa kasi ang ngalan ng isang bathala rito sa aming daigdig,"

"Uhm— ehh— apilyendo ko ho ang Buenaventura binibini," 

"Apilyedo? Ano ang apilyedo?" 

Agad na tinignan ni Mia ang kaniyang mga puting sorcerer sa paligid upang kumalap ng mabilis na kasagutan. Subalit katulad niya, ay labis ding nagtataka ang mga kasamahan nito sa trono ukol sa sinabi ng kaniyang kausap. 

Sa kabilang banda naman, kung papaano magtaka ang mga puting sorcerer, ay ganoon din ang pagtataka ni Maxim. Hindi kasi ito makapaniwalang hindi nila alam ang salitang apilyedo, o talagang sadya lamang silang hindi gumagamit noon dito.

"Uhm— baliwalain ninyo na lamang ho ang aking mga winika," 

"Mabuti pa nga," 

Panandaliang natahimik si Maxim, at saka nito tinignan ang paligid-ligid. Namangha ito sa malalawak na pasilyo ng palasyo, maging sa puting disenyo ng buong gusali. Puti kasi ang paborito nitong kulay, simbolo ng kalinisan at kapurihan sa mundo ng mga mortal.

"Siya nga pala— saan ninyo dinala si Hadley?" Tanong nito. "Saan ko ba siya matatagpuan sa malawak ninyong palasyo?"

"Sa kaniyang silid— upang lapatan na rin ng lunas at para makapagpahinga na rin siya," sagot ni Cielo, na kasalukuyang nasa gilid ni Mia.

"Ysa... Cielo... samahan ninyo siya sa silid ni Hadley lalo na at may pag-uusapan pa kami ni Noah sa ganang akin," utos ni Mia. "Mabuti pang isama ninyo na rin itong si M-m-maxus— si Buenaventura roon."

Biglang natahimik si Noah sa isang tabi, at napayuko na lamang ito. Samantalang sina Ysa naman ay umalis na kasama si Maxim, upang tunguhin ang silid ni Hadley. Si Mia naman ay nagsimula nang tumayo mula sa pagkakaupo nito sa kaniyang trono, at lumapit sa kaniya.

"Alam kong alam mo na kung saan mo sisimulan ang lahat," 

"Batid ko ang mga dadalhin ko ayon sa mga kasalanang nagawa ko sa palasyo,"

Ibinigay ng isang puting sorcerer kay Mia ang isang kalatas na nakabilot pa at tila bagong-bago pa ang hitsura ng papel na ginamit dito. Binuksan niya ito at binasa, subalit agad ding itinupi matapos ang ilang mga sandali.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon