Tatlong linggo na ang nakalilipas, at unti-unti nang nasasanay si Brianna sa bago nitong pamumuhay sa palasyong itim.
Samantala, labis naman nang nag-aalala si Hadley sa kaniya roon sa mundo ng mga mortal. Subalit katulad ng mga ibang nilalang, ay kailangan niya pa ring ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang buhay, at pumasok pa rin sa kanilang pamantasan. Kahit na laman na lalo ng mga tsismisan sa kanilang kampus, ang kanilang pamilya.
Kung sa Sorceria kasi ay sa digmaan tumatakbo ang halos buong pamumuhay nila, iba naman dito sa mundo ng mga mortal. Karera sa buhay, pag-ibig, pagtapos ay paghahanap ng trabaho upang mapangalagaan ang kalandian— pag-ibig. Pag-iibigan muli, at hanggang sa mamatay ay pag-ibig muli.
Pero ang sabi ng ilan, mabubuhay naman daw ang isang mortal kahit na wala pang pag-ibig. Kung gayon, karera sa buhay ang pangunahin nilang prayoridad.
Kasalukuyang naglalakad si Hadley sa pasilyo, papasok sa kaniyang silid, nang bigla siyang ginulat ni Maxim patalikod. Napahawak na lamang ito sa kaniyang dibdib, at napatingin ito sa kaniyang likod.
"Umagang-umaga ka namang nanggugulat,"
"Magandang umaga... kahit na mas maganda ka pa sa umaga,"
"At umagang-umaga ay nambobola ka nanaman,"
"Magkaiba ang pambobola sa katotohanan," mahinhing sabi ni Maxim. "At ayun ang totoo... ikaw na yata ang pinaka magandang babae na nakita ko."
Biglang namula ang mga pisngi nito, at biglang hindi makatitig ng maayos sa kaniya. Sinubukan nitong maglakad na lamang papalayo, ngunit sinundan lamang siya ulit nito.
"Ano na nga pala ang balita kay Brianna?"
"Hindi ko alam,"
"Kung gayon ay nawawala pa rin pala siya?"
"Oo... yata— o' baka iniwan na niya ako nang tuluyan,"
"Huwag kang magsalita ng tapos,"
"Para saan pa ba?" Malungkot na saad ni Hadley. "Naghihirap na kami at hindi niya gusto ang ganoong pamumuhay."
"Anong—" putol na sabi ni Maxim, kasabay nang pagtunog ng dambana ng kampus.
Nagpatuloy pa rin sa paglalakad si Hadley, at mas lalo nitong binilisan ang kaniyang mga hakbang. Hanggang sa sila ay makarating na sa kanilang silid. Umupo naman si Maxim sa upuang katabi ni Hadley, at kaniya itong kinulit sa buong klase nila.
Samantala, sa piitan na nakabingit sa ilalim ng palasyong puti, ay may lumitaw na lilang usok sa harapan ng mga bantay. Inilantad nito si Sweetie Pop. Agad nitong pinatamaan ng lilang mahika ang mga bantay sa piitan na para bang sing bilis ng pagtama ng isang kidlat sa kalupaan, na agad din nilang ikinamatay.
"Sino ka?! Huwag mo kaming papaslangin parang awa mo na!" Pagmamakaawa ng isang bilanggo.
"Panahon na upang mapakinabangan naman kayo... pakakawalan ko kayo rito bilang mga bilanggo... at sa oras na mangyari yaon... kayo na ang magiging bago kong hukbo na lalaban para sa'kin,"
"Kahit ano basta sa kalayaan namin," sabi ng isa pang bilanggo.
"Kung ganon... ay humanda kayo,"
Itinaas nito ang kaniyang hawak na tungkod, at nagpakalat ito ng lilang usok. Kumalat ito patungo sa mga kandado ng bawat piitan. Natunaw ang mga ito nang parang natunaw sa asido, at saka isa-isang nagbukas ang mga piitan. Dahilan upang makalabas ang mga bilanggo. Isa-isa silang naglapitan sa nilalang na nagpalaya sa kanila.
BINABASA MO ANG
Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉ
FantasíaIt is a story about love, hate, faith, death, trust, distortion, and war that originated from the most powerful spellbook in Sorceria; Reluvious. Sa laban ng dalawang pusong nagmamahal, kanino nga ba ang mas matimbang? Sa minahal o' sa nagmahal? Sa...
