~𝕾𝖆 𝕶𝖆𝖇𝖚𝖓𝖉𝖚𝖐𝖆𝖓 𝖓𝖌 𝖅𝖊𝖓𝖆𝖙𝖆~

277 14 1
                                    

Mataas na ang postura ng buwan nang marating nina Dominick ang teritoryo ng Prussian, at pagkarating nila ay agad na pumukaw ng kanilang pansin ang kawalang tanglaw ng lugar na yaon gayong labis kung magtanglaw ang mga ito gamit ang apoy tuwing gabi. Isa pang nakapukaw sa kanilang atensyon, ay ang mala-multong katahimikan sa paligid na tila ba walang nilalang na nananahan doon. Sa kanila pang paglalakad patungo sa bukana ng Prussian, ay agad nilang napansin ang ilang mga tupok nang mga kubol. At sa kanilang pagpasok sa pusod ng teritoryo, ay nakita nila ang mga nakahilerang bangkay ng mga nasawing taga-Prussian. Marami-rami ang mga bangkay na naroroon, kaya agad silang naghinala na sinalakay ang mga ito ng mga itim na sorcerer.

"Mahabaging Locasta... ano ang naganap dito?" Pagtataka ni Dominick.

Ilang sandali pa, ay biglaan nilang napansin ang paggalaw ng damuhan sa paligid, kahit na walang kahangin-hangin sa paligid. Agad na inilabas ng mga puting sorcerer ang kanilang mga saglip. Nakahanda na silang paulanan ng puting salamangka ang damuhan, nang lumabas mula roon ang mga taga-Prussian. Sila marahil ang mga mandarayong nakatakas mula sa pagkubkob ng mga itim na sorcerer kani-kanina lamang. 

"Ano ang naganap dito? Bakit nagkaganito ang Prussian?" Pagtatakang muli ni Dominick.

"Kami ay sinalakay ng mga itim na sorcerer... ngunit wala naman kaming magagawa sa kapangyarihang hawak nila," sagot ng isang taga-Prussian.

"Hindi pa rin pala napapagod ang mga itim na sorcerer na manggulo rito sa Sorceria," sabi pa ni Dominick.

Maya-maya pa, ay biglang may nagpaulan sa kanila ng itim na salamangka. Kaya ang mga puting sorcerer at mga mandarayo, ay biglaang napayuko at ang ilan naman ay napaupo sa gulat ng mga ito.

Samantala, tulog na ang karamihan sa mga nananahan sa kubol doon sa masukal na kagubatan. Ngunit nananatiling nakatayo si Hadley sa labas, lalo na at iniisip nito ang kung ano ang nangyari sa kanilang paglalakbay sa tuktok ng bulkan. Napansin naman ni Noah ang kaniyang pagkakalumbay, kaya agad niya itong nilapitan at kinumusta.

"Aminin mo man o' hindi... alam kong may problema ka," paunang sabi nito.

"Sabihin mo sa'kin... ano ba talaga ang naganap at bakit paggising ko ay naroon tayo sa bulkan na iyon? Ilang araw ba akong walang malay?" Tanong ni Hadley sa kaniya.

"Ang totoo n'yan... ay hindi ka nawalan ng malay talaga," sagot ni Noah.

"Ano... ano ang ibig mong sabihin?" Pagtataka nito.

"Ikaw ay napaslang... pinaslang ka ng kakambal mo," mabilis na sagot ni Noah.

Agad na napaharap si Hadley sa kaniya, at sinampal ito. Biglaan ding nanlaki ang mga mata nito, na tila ba hindi makapaniwala sa mga binanggit nito sa kaniya. 

"Maniwala ka man o' hindi... ganoon ang naganap... pinaslang ka niya... nagtagumpay siya... kaya kami nagtungo kay Orearuva na nananahan doon sa tuktok ng bulkan upang bawiin ka mula sa ikalawang buhay... kaya ka narito ngayon," dugtong pa ni Noah.

"Hindi... hindi magagawa sa'kin ni Brianna 'yan," giit ni Hadley sa kaniya.

"Makinig ka... may itinatagong pagkaganid ang kakambal mo... kaya kahit na magkapatid kayo... ay wala siyang kikilalaning kadugo lalo na at walang kadugo sa isang taong sarado na ang isipan para sa pagbabago," turan ni Noah dito.

"Hindi ako makapaniwala... magkakambal kami... mula nang kami ay isilang magkasangga na kami," malungkot na sabi ni Hadley.

"Kung hindi ka naniniwala... bakit hindi mo siya puntahan sa palasyo nating mga puting sorcerer at ikaw mismo ang umalam sa tunay na nangyari?" Payo nito sa kaniya.

Reluvious: Ang Tanglaw Sa Madilim Na Gabi ᵇᵒᵒᵏ ᵒⁿᵉTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon