Traffic 1

629 14 5
                                    

Prologue

"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..."

Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon, o maski anino ni Miura.

Actually, sila lang ang gusto kong pakasalan.

Sa ngayon.

Napatingin ako sa labas ng bus na sinasakyan ko.

Traffic na naman.

Hindi gumagalaw 'tong bus na sinasakyan ko.

Mukha na namang malawak na parking area ang kahabaan ng EDSA. Grabe, kulang na lang mag-zero visibility, di dahil sa ambon kundi dahil sa usok ng mga sasakyan.

Oo. Umaambon. At rush hour. Bukas pa kaya ako makakauwi sa bahay sa ganitong sitwasyon? Sana di lumakas yung ulan. Wala akong payong.

At dahil bored na bored na bored na ko, wala pang charge ang pinakamamahal kong cellphone para i-tweet at status ang mga kaganapan sa buhay ko, hinanap ko sa bag ang notebook ko.

Kahit aling notebook.

Bahala na. Magsusulat ako ng fic.

Hawak ang notebook, tumingin ulit ako sa labas. Sa sasakyan sa ibaba.

Napalunok ako.

Wagas si ate at kuya sa kabilang sasakyan.

NAGHAHALIKAN!

Tae. Baka smut sa gitna ng traffic ang maisulat ko neto.

Lumingon ulit ako.

Sa lahat ng bus na punuan na nakita ko, mukhang itong nasakyan ko ay walang interest pumick-up ng pasahero. Iilan lang kasi kaming naka-upo sa loob. Isang pares ng love birds sa likod, isang matandang mukhang galing sa pagsa-shopping sa Divisoria, yung kundoktor na maingay na nagku-kwento ng inuman nila kagabi, isang lalaking tulog sa kabilang side at isang batang mukhang galing din ng eskwelahan kasama ang nanay at sinasalo ang ambon na may halong usok ng sasakyan.

Walang maisulat.

Lahat kasi ng taong nakikita kong magkapareha, may ka-PDA. Daig pa ang PBB Teens. Mababaliw na ko.

Binuksan ko ang notebook ko.

Tingin sa traffic.

Tingin sa notebook.

Tingin sa traffic.

Tingin sa notebook.

Wala akong maisulat.

Napakamot na ko ng ulo. Hanggang may sumakay na lalaki.

Napakunot noo ako.

Sa gitna ng EDSA, may lalaking sumakay? Saan yan galing?

Lumipat ng sasakyan?

Naka-mask sya. Saka shades.

Tengene.

Umuulan, naka-shades. Lakas trip neto.

Napatingin ako sa kanya talaga. Artista?

Hindi ako mahilig sa local na artista.

Kagupit nito si Jake Vargas. Alam mo yun, yung mahaba patilya tapos may mala-vice ganda na naka-side bangs. Medyo may maskels kahit medyo payat tapos...

Naupo sya sa malapit sa akin.

"Miss, saan yung SM North?"tanong nya sa akin.

"Pababa ka na lang dun sa kondoktor, kuya."sagot ko.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon