Chapter 13

56 54 0
                                    

Secret Admirer

           On the way na kami sa manila, mahigit sa 30 minutes na ang lumipas ng bumaba kami sa roro. Bakit parang feeling ko mas mabilis kaming makauwi kesa ang makapunta? Ang ganda ng isang linggo ko. Nilagay ko ang bag ko sa lap ko saka niyakap ito.

Binuksan ko ang bag ko at kinuha ko ang sarili kong journal. Mamaya na lang ako magsusulat sa exchange journal namin ni Grey. Binuklat ko isa-isa ang mga pahina ng journal ko at napangiti na lang ako dahil sa mga nababasa kong pinuntahan namin ni Grey at mga lugar sa manila na napuntahan namin magkasama.

“Pwedeng basahin yan?” tanong ni Grey sa tabi ko. Napatingin ako sa kanya. Katabi niya ang bintana at ako naman ang nasa kabilang tabi niya. Tumango ako saka ibinigay ang libro. Binuklat niya ang mga pahina ng libro at napangiti na lang siya.

“Bakit ang pangit ng iba kong pictures dito?” tanong niya saka tumigil sa paglipat ng pahina ng libro. Tinignan niya ‘ko at nginitian ko siya.

“Hindi kaya, maaayos naman ah?” sabi ko. Tinignan ko ang mga pictures na sinasabi niya at hindi naman katulad ng sinasabi niya ah? Maayos naman.  Ano bang sinasabi niya? Tsaka ang ganda pa nga ng mga shots eh. Tsaka kung pangit ‘yan sa paningin niya, siya may kasalanan niyan, ako pinag-take niya ng mga photographs eh kaya siya ang may kasalanan niyan.

“Sa luneta ‘to ah? Meron ka pa palang pictures nito? Last year ‘to ‘di ba? Nung tumakas tayo sa isang subject?” nakangiti niyang sabi habang nakangiting nakatingin sa pictures na sobrang daming nakadikit sa gilid at sa kabilang gilid, may mga nakasulat na sinulat ko.

“Correction, ikaw lang ang tumakas” pagtatama ko sa kanya.

“Sweetcheecks, kasama kaya kita nun,”

“Hinila mo ‘ko”

“Pero kasama parin kita”

“Kasi pinilit mo ‘ko kaya hindi tayo parehas na nakatake ng exam”

“Naka-take tayo nun,”

“Dahi kay tita”

“Oo naman, magaling si me eh” nakangiti niyang saad. Sabi ko kasi nun sa kanya, 7 na lang kami pumunta, kaso mapilit siya kesyo marami daw na tao, kaya napaaga kami, hindi ako nakapag night class. Hanggang 6 pa naman yung klase ko sana kaso dahil sa hinila niya 'ko palabas, hindi na ‘ko nakapasok. Tuloy hindi ako nakapag exam pero pati siya. Pinagalitan nga siya ng papa niya pero si tita, hindi siya pinagalitan. Ewan ko nga kung para saan pero nag-thank you pa sakin si tita.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon