Chapter 18

48 50 0
                                    

Oplan HASA

            Lumabas ako ng bahay pero wala naman akong nakitang binigay nung secret admirer ko. Bago 'to ah? Wala ata siyang binigay sakin? Baka naman may balak na siyang magpakita sakin? Mabuti naman kung ganon. Wala pa ata si Grey? Himala? Siya naman ang nahuli samin? Mapuntahan na nga lang siya sa bahay nila. Naglakad ako papunta sa bahay nila at pumasok na lang ako kagad sa gate nila at sa bahay nila. Nasaan si Grey? Wala atang tao ah? Baka naman natutulog pa siya? Akyatin ko na nga. Umakyat ako papunta sa taas saka naglakad papunta sa kwarto niya.

"Grey" tawag ko sa kaniya pero walang sumasagot.

"Grey nandiyan ka ba?" tanong ko pero wala paring sumasagot. Wala pa naman siyang kasama dito. Wala si tita dito, tsaka bukas pa siya pupuntahan ng papa niya dito. Magkaiba kasi sila ng bahay ng papa niya simula ng kunin siya ni tita dahil sa hindi siya naaasikaso ng papa niya.

"Grey" tawag kong muli. Wala ata siya dito ah? Naglakad akong muli at nilagpasan ko ang kwarto ni Grey. Napatigil ako sa paglalakad ng may marinig akong kalabog galing sa kwarto ni Grey. Bumalik ako sa tapat ng kwarto ni Grey at pinilit ko ulit na buksan ang pinto niya. Baka kung ano ng nangyari sa kaniya sa loob.

Hinampas hampas ko ang pinto pero ayaw talagang magbukas. Lumayo ako ng kaunti sa pinto at sinipa ko ang pintuan. Nagbukas ang pintuan. Nakita ko ang napakaraming mga bote ng alak at ang gulo ng buong kwarto niya. Uminom siya dito sa loob? Hay nako. Hindi nga uminom kagabi kasama ko, dito naman siya uminom mag-isa. Nilapitan ko si Grey na nakadapa at gulo-gulo ang mga kumot at unan niya.

"Grey, baka naman may balak kang pumasok?" tanong ko at umupo ako sa gilid ng kama niya. Malaki naman ang kama niya kaya malayo siya sakin.

"Grey" sabi ko at nag-indian sit ako sa kama niya kahit na nakasapatos ako. Hay nako. Hindi pa rin siya nagigising? Malamang George, may hang over ang bestfriend mo. Uminom nga 'di ba? Ang tanga ko rin minsan.

"Huy Grey" sabi ko saka niyugyog ko siya.

"Gumising ka na, o hihilain kita papunta sa CR mo? Sige na kasi," sabi ko at unti-unti siyang gumalaw. Humarap siya sa kisame pero nakapikit parin siya.

"Grey, gising na" mahinahon kong sabi at unti-unti niyang minulat ang mga mata niya. Nakatitig lang siya sa kisame.

"Anong meron sa kisame?" tanong ko pero hindi siya sumagot.

"Papasok ka?" tanong ko at umiling siya ng hindi tumitingin sakin. Hindi siya papasok? Edi wala siyang kasama? Hindi narin ako papasok. Humiga ako sa tabi niya at tumingin ako sa kisame. Nakita ko sa pheripheral view ko na napatingin siya sakin. Hinubad ko ang sapatos ko at hinagis ko ito sa baba ng kama ni Grey kaya nakamedyas na lang ako.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon