Chapter 8

77 76 0
                                    


Privacy


Pagdating namin sa port, hinintay na lang namin sa isang building ang van na sasakyan namin. May mga sched kasi tsaka may mga process pa na ginagawa. Sinusunod lang namin. Mahigit 30 minutes na ata kaming nakaupo dito pero napatingin ako kay Grey ng bigla niyang isinandal ang ulo niya sa braso ko. Hindi naman nab ago sakin 'to. Ginagawa na niya yan dati kapag nasa room kami. Pero ang bago lang sakin ngayon ay hawakan niya ng ganito ang kamay ko. Ginagawa naman na niya 'to dati, pero hindi naman yung sobrang tagal talaga. Para bang saglit lang kasi pinaglalaruan niya yung kamay ko kasi pagpapraktisan niyang operahan ang kamay ko.


“’Wag kang maingay Sweetcheecks, matutulog ako, gisingin mo na lang ako kapag aalis na tayo’ sabi niya. Napangiti ako.


“Grey aalis na daw tayo” mahina kong sabi.


“Mmmm”


“Grey may crocodile”


“’Wag kang maingay”


“Grey may dolphins” hindi siya sumagot.


“Grey may chicks” sabi ko at bigla siyang bumangon.


“Saan?” tanong niya at hinanap niya ng mata niya ang sinasabi ko. Tinignan niya ‘ko at natawa lang ako. Naningkit ang mga mata niya pero patuloy lang ako sa pagtawa.


“Ang bilis mong bumangon pagdating sa chicks ah” natatawa kong sabi.


“Hehehehe joke lang”


“Joke lang?” seryoso niyang tanong at tinitigan niya ‘ko. May masamang balak ‘to. Bigla niya ‘kong kiniliti kaya tawa ako ng tawa.


“Grey!” sigaw ko at maya-maya, naramdaman kong nalaglag ako sa upuan ko pero hinawakan ni Grey ang magkabila kong braso para hindi ako tuluyang mapahiga sa tiles.


“Tumayo ka na diyan, malamig ang tiles, tara bili tayo ng keychain” sabi niya saka ako hinila patayo.


“Tara,” sabi ko saka inayos ang tali ng buhok ko. Naglakad kami papunta sa mga nagtitinda ng mga keychain. Tumigil kami sa isang maraming pagpipilian saka naghanap ng maganda. Ano kayang magandang keychain ang mabili? Nakaagaw ng pansin ko ang isang keychain na maliit lang siya at tama lang na hugis orchids na kulay blue at pagkaviolet at may mga maliliit din siyang vines na nakaukit din. Ang ganda naman.


“Ito na lang Grey” sabi ko, Napatingin siya sakin.


“Maganda?” tanong ko.
“Wait lang may nakita din ako” sabi niya at may kinuha. Humarap siya sakin saka pinakita sakin ang isang hugis heart na kulay itim. Luh magkaiba talaga kami ng taste. Maganda kasi sana kung parehas kami.


“Alam ko na Grey, bumili ka ng dalawa diyan, bibili ako ng dalawa nito” sabi ko at kumuha ako ng kaparehas ng kinuha ko. Inabot ko dun sa babaeng nagtitinda.


“Anong pangalan ang ilalagay ko dito miss?” tanong niya at napaisip ako. Ano bang maganda? Wala 'kong maisip. Ah! Alam ko na!


“Yung isa Anthony, tapos yung isa Raye-anne” nakangiti kong sabi.


“Paulat na lang po, baka kasi mamali ako sa spelling”


“Ah sige po” sabi ko saka inabot niya ang isang scratch paper at isang ballpen. Sinulat ko ang sinabi kong pangalan niya at pangalan ko. Natapos ko ng isulat.


“Ito na po” inabot ko sa kanya ang papel at ballpen. Tinanggap naman niya.


“Kayo po sir?” tanong naman ng tindera kay Grey. Napatingin ako sa kanya.


“Ang gusto ko, babycakes at sweetcheecks”


“Sige po pasulat na lang” sinulat nga ni Grey ang sinabi niya sa papel. Inabot ulit ni Grey ang papel sa tindera.


“Pahintay na lang po sir at ma’am” sabi niya. Nakangiti lang ako. Napatingin ako sa likod ko at may nakita akong bonet na kulay blue ang ganda naman.


“Uy Babycakes, may bonet, tara bili tayo, yung pair” yaya ko sa kanya.


“Saan Sweetcheecks?” tanong niya at tumingin sa tinitignan ko.


“Oo nga, tara?” tanong niya sa kanya.


“Wait muna natin ‘to” sabi ko.


“Ito na po” sabi niya at binigay samin ang mga napili namin. Binigay ko ang bayad ko at napatingin ako kay Grey na nagbayad na din kagad.


“Wait lang po ah, yung sukli niyo” sabi ng tindera.


“Sayo ‘to Grey” sabi ko saka binigay sa kanya ang may pangalan ko. Tinanggap naman niya yun.


“Okay, sayo ‘to sweetcheecks” sabi niya saka binigay ang keychain na may nakasulat na sweetcheecks sa magandang sulat.


“Ah ito na po yung sukli niyo” binigay niya kay Grey ang sukli niya at ang sakin.


“Salamat po” sabi niya habang nakangiti.


“Wala po yun” sabi ko. Hinatak na ‘ko kagad ni Grey papunta dun sa may bonet na sinabi ko. Huminto siya. Naghanap kami ng magandang kulay.


“Yun maganda sweetcheecks” sabi niya saka kinuha ang kulay green na may pagkablue ang kulay. Oo nga ang ganda.


“Eto na?” tanong ko. Tumango lang siya. Kumuha pa ‘ko ng isa at hinanap namin ang nagtitinda.


“Ako na” sabi niya at kinuha sakin ang bonet. Naglakad siya sa loob at nagbayad na. Nilapitan niya ‘ko saka sinuot sakin ang bonet ng maayos. Kinuha ko sa kanya ang hawak niyang bonet saka inayos kong isuot sa kanya yun.


“Selfie tayo” sabi ko.


“Tara” nilabas niya ang phone niya. Tinaas ko ang dalawang keychain ko at ganon din siya. Nagtake kami ng mahigit sa five pictures at tinignan niya ang mga yun.


“Ang ganda, paprint ntin ‘to” sabi niya.


“Pagdating natin dun Grey, bracelet naman tapos bili tayo ng cap” sabi ko.


“Of coarse we will Sweetcheecks” nakangiti niyang sabi.


“Hey guys, tara na daw” sabi ni Zach at binulsa ni Grey ang phone niya. Napatingin kaming dalawa ni Grey sa kanya kasama niya sila Spencer at Cally.


“Wow, may pabonet kayo ah, ang sweet niyo talagang magbestfriend. Kung hindi ko lang kayo kilala, matagal ko na kayong pinagkamalan na kayo na talaga” sabi ni Spencer.


“Hindi pwede, iba type ko” sabi ko. Oo, ganito kami dati pa. Marami ding nagsasabi samin dati sa mga kapitbahay namin kung kami na ba daw. Pero natatawa na lang kami at sinasabi namin ang totoo. Ilang beses na kaming napagkakamalan. Pero wala lang samin yun.
“Ayoko sa kanya, hindi naman ‘to chicks” sabi ni Grey.


“Tse” sabi ko at natawa siya.


“Tara na” yaya niya saka hinila sila Zach at Spencer paalis. Naglakad na din ako kasabay ni Cally.


“Ang sweet niyo kahit na magkaibigan lang kayo” sabi niya habang naglalakad kami.


“Hindi naman na bago sakin ‘to, tsaka palagi naman kaming ganito” sabi ko. Matagal na kaming ganito kaya hindi na ‘ko medyo nagtataka. Ang mga pinagkaiba lang ng mga hindi namin dati ginagawa, eh yung sobra-sobrang ka-sweetan talaga namin ngayon, sweet naman kami pero hindi katulad nito. Tsaka hindi namin ina-address ang isa’t isa katulad nito.


“Yun na nga eh, baka sa araw-araw niyong ganyan, baka mafall ka, lalo na, maalaga siya sayo” sabi niya.


“Hindi mangyayari yan” sabi ko. Tumingin ako sa kanya at tinignan niya ‘ko. Binalik ko ang tingin ko sa harapan.


“Pano mo naman na sabi?” tanong niya.


“Cally, for ninetheen years na nakasama ko siya ng ganito ang asta namin sa isa’t isa at hindi ako nafall sa kanya, kaya hindi mangyayari ang iniisip mo” sabi ko. Matagal naman na kaming ganito kaya siguro naman napakaimposible ng mangyari ang bagay na naiisip niya.


“Okay, pero pano kung sa ngayon mafall ka? ‘Di ba sinabi ko sayo, hindi mo madidiktahan yan” sabi niya saka tinuro ang gitna ng dibdib ko. Ang puso ko.


“Alam ko naman yun, pero napakaimposible talaga niyan kaya ‘wag mo ng isipin na mafa-fall ako sa kanya” sabi ko. Ang tagal-tagal na naming ganito? Ngayon pa ba na sobrang tibay na namin as a friends? Hindi mangyayari yun. Napag-isip isip ko na ang mga sinabi niya sakin kanina, kaya imposible talaga. Una, hindi niya ‘ko type, at hindi ko rin siya type. Pangalawa, magkaibigan lang talaga kami, ako yung sa tingin niya bestfriends lang talaga, hindi na lalagpas pa, at ganon din ako. Pangatlo, hindi ko abot ang standards niya. Ang gusto niya yung sexy, maganda, maputi, mala model ang tangkad katulad niya, kaya malayo sakin yun.


Tsaka ang type ko, yung simpleng lalaki lang na mahal ako at mahal ko. Hindi ko pinangarap ang magkaroon ng boyfriend na hearthrob, na almost perfect na sa paningin ng mga babae, yung matangos ang ilong, maputi, matangkad, maganda ang katawan, yung maganda ang mukha na ma-a-attract talaga kahit sinong babaeng mapatingin sa kanya. Hindi ko pinangarap yun, ganon kasi si Grey. Ang gusto ko lang yung hindi masyadong may itsura, para hindi magugustuhan ng iba pero ang mahalaga, mahal ako, at mahal ko.



“Baka kainin mo yang sinasabi mo, tsaka George, oo, sabihin na nating hindi ka nga mafall, pero pano siya? Baka mamaya, may iba na palang meaning ang pagiging maalaga niya sayo at sa mga kilos niya, kaya mag-iingat ka, baka nauna na siya sayo” sabi niya kaya natawa ako.


“Hindi siya magkakagusto sakin, sinasabi ko sayo” sabi ko.


“Dahil ba sa hindi ka niya type? Girl, ‘di ba sinabi ko na, hindi mo madidiktahan ang puso mo, at lalo na sa kanya” sabi niya. Kahit san ko tignan, napakaimposible talaga na mahulog siya sakin. Napakaimposible, siguro nasa 99% ang percentage na hindi siya magkakagusto sakin.


“Imposible talaga yan Cally” natatawa kong sabi.


“Walang imposible kung puso mo na ang nagdesisyon” sabi niya at sumeryoso ang mukha ko.





***




Nasa biyahe na naman kami para makapunta na ng tuluyan sa ilo-ilo. Ganon ulit ang mga pwesto namin, hindi nagbago, katabi ko si Grey na katabi naman niya sa kabila ang bintana at sa kabila ko si Gigi. Napansin kong pinaglalaruan ni Grey ang kamay kong nakahawak sa kamay niya. Ang lambot ng kamay ng lalaking ‘to. Parang kamay babae kaso masyadong maugat. Pero ayos lang ‘yan. Pinicturan niya ng phone niya ang kamay naming magkahawak. Sumandal ako sa kanya at natulog na lang ako ulit. Baka bukas, tatawag na si mama sakin. Nanghihingi pa naman ng pasalubong sakin yun ng malaman niyang pupunta ako sa ilo-ilo. Pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman kong nilagay ni Grey ang headphone niya sa tenga ko. Ang ganda ng kanta. Napangiti na lang ako habang nakikinig.

There’s always that one person
That will always have your heart
You'll never see it coming
‘Cause you’re blinded from the start
Know that you’re the one for me
It’s clear for everyone to see
Oh baby ooh you’ll always be my boo
I don’t know 'bout cha’ll
But I know about us and uh
This is the only way
We know how to rock
I don’t know ‘bout cha’ll
But I know about us and uh
This is the only way
We know how to rock

Inaantok na naman ako sa kanta.

“Babycakes, inaantok ako” inaantok kong sabi. Naramdaman ko ang pagtingin niya sakin. Hinalikan niya ang noo ko saka bumulong.


“Matulog ka na, akong bahala sayo” yan na ang huling salitang narinig ko saka ako nakatulog ng sobrang himbing.


***


Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at napatingin ako kay Grey na nasa tabi ko. Nakasandal siya sa bintana at natutulog din siya. Tumingin ako sa mga kasama namin pero natutulog na din sila. Ano na bang oras? Tinignan ko ang relo ko at 11 na pala ng gabi.


“Buti nagising ka na?” sabi ni James sakin.


“Ah, oo, kagigising ko ng lang eh, nasaan na ba tayo?” tanong ko. Sana naman malapit na kaming makarating.


“Malapit na tayo, 10 minutes na lang mahigit, kaya gisingin mo na sila”


“Sige” sabi ko. Unahin ko na kaya si Grey? Kaso kasi hindi pa ata ‘to natutulog mula pa kanina. Ngayon lang ata to natulog ng ganito dahil ako ang kanina pang natutulog. Mamaya ko na lang siya gigisingin. Tumingin ako sa kabilang gilid ko.


“Gigi, gising na,” gising ko sa kanya at nagising naman na siya.


“Gisingin mo na sila diyan” utos ko sa kanya. Ginising naman niya ang iba. Tumingin ako sa harapan ko.


“Zach, Spencer, gising na” gising ko sa kanila. Napatingin sila sakin at umayos sila ng upo nila. Nagising na namin silang lahat at tinignan ko si Grey na mahimbing na natutulog. Gisingin ko na nga 'to, baka mamaya mahirapan pa 'ko na gisingin siya.


“Babycakes gising na” gising ko sa kanya.


“Mmmm” niyugyug ko siya pero hindi siya magising.


“Babycakes” gising ko sa kanya. Unti-unti niyang minulat ang mga mata niya saka ako tinignan. Umayos siya ng upo pero hindi siya nag-iwas ng tingin sakin. Tinignan niya si James.


“James, malapit na tayo?” tanong niya habang nag-aayos ng buhok niyang gulo-gulo.


“Oo, mga 15 or 10 minutes na lang nasa bayan na tayo, pero wala pa tayo sa pinaka main na pupuntahan natin, bukas na lang dahil gabing-gabi na” sabi ni James at napatingin si Grey sakin.


“Matagal pa pala, gisingin mo na lang ako ulit sweetcheecks” sabi niya saka sumandal sa braso ko. Hawak hawak parin niya ang kanan kong kamay. Niyakap niya ang braso ko at hawak pa ng isa niyang kamay ang braso ko. Inaantok talaga siya.


Hinayaan ko na lang dahil din siguro sa pagod niya yan kaya ganyan. Nakakapagod kasi ang bumiyahe ng napakatagal. Huminga akong malalim at sumandal ako sa sandalan ng kinauupuanan namin. Inayos ko si Grey para hindi siya mahirapan.


Tahimik lang kami sa buong biyahe. Siguradong sasakit ang balikat ko nito dahil kay Grey, kaso okay lang yan, siya lang naman. Nakinig lang ako sa music ng headphones ni Grey. Nakakaantok ang mga kanta niya kaso hindi na ‘ko inaantok dahil sa kanina pa ‘ko tulog ng tulog. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at tinignan ko kung may tawag ba galing kila mama pero wala naman.


Bukas, tatawagan ko sila, hindi sila tumatawag sakin eh. Busy siguro sa mga trabaho nila. Malapit na silang umuwi. Tinetext lang naman ako nila mama pero hindi pa sila tumatawag. Baka wala pang signal sa pupuntahan namin bukas kaya baka bukas kagad ng umaga, tatawagan ko na sila kagad baka kasi walang signal doon, lalo na't maghi-hill climbing kami. Ano ba kasing naisip ni Grey at ngayon pa naisipang gawin to? Tahimik lang kami sa biyahe hanggang sa hininto na ni James ang van. Napatingin ako kay Grey kaso hindi ko na pala kailangan pang gisingin siya dahil gising na siya.


“Nandito na tayo?” tanong niya sakin at nagkibit balikat lang ako.


“James nandito na ba tayo?” tanong niya kay James.


“Oo nandito na tayo, dito na yung condominium nila Ynah” sagot ni James. Binuksan ni Grey ang pinto ng van at saka bumaba. Binitawan niya ang kamay ko. May pinindot-pindot siya sa phone niya at inilagay sa tenga niya ang phone niya. Hindi ko siya marinig dahil sa medyo malayo siya sakin.


Maya-maya may lumapit sa kanyang lalaki na medyo matanda na at nakapormal suit. Binaba niya ang phone niya saka dinako ang tingin sakin. Binigyan niya ‘ko ng senyas gamit ang kamay niya na lumapit ako. Bumaba ako at nilapitan ko sila.



“Tawagin mo sila Zach, Spencer, at Cally” utos niya sakin at bumalik ako sa van.


“Zach, tara daw, tawag tayo ni Babycakes, tara,” sabi ko at bumaba si Zach at Spencer.


“Pati ako?” tanong ni Cally. Napatingin ako sa kanya saka tumango. Naglakad ako ulit papunta kay Grey.


“Kunin niyo mga gamit niyo, ibigay niyo sa kanya, sama mo na sakin Sweetcheecks” sabi ni Grey at pinisil niya ang isa kong pisngi.


“Masakit yun ah” sabi ko pero natawa lang siya ng bahagya.


“Hindi ba tayo sasabay sa kanila?” tanong ni Zach.


“Hindi, kaka-arrive lang kasi ni me dito sa ilo-ilo para sa next projects ng kompanya niya naunahan pa nga niya tayo dahil sa nag-airplane siya papunta dito kaya nagpaalam na din ako na sa condominium niya tayo pupunta” sabi niya. Nandito lola niya? Me kasi ang tawag niya sa lola niya dahil sa laking lola nga siya, at tsaka ayaw ng lola niya na nagmumukha siyang matanda, since mukha pa naman siyang bata, kaya minsan nagkakasundo naman talaga kami.


“Ah okay, bakit ayaw mo ba sa kanila?” tanong ni Cally.


“Hindi, lalo na kay Ynah, mamaya may masamang gawin pa yun” sabi niya at natawa ako. Sumunod na lang ako kay Zach at binuksan niya ang likod ng van. Kinuha niya ang mga gamit namin at binigay niya dun sa lalaking sinabi ni Grey na ibigay namin sa kaniya. Binigay namin sa kanya ang lahat ng mga gamit namin at nilagay niya sa katabing van lang.


“Sir Grey, tara na po,” tawag niya kay Grey. Lumapit siya sa van at binuksan niya ang gilid ng van.


“Sakay na guys” sabi niya at pumasok kami sa loob. Mag-isa ni Zach sa harapan at magkatabi na naman kami ni Grey sa pinakagitna pero maluwag na. Sila Cally at Spencer nasa pinakadulo. May mga column pa na walang nakaupo kasi ang unti-unti lang namin. Lima lang kami. Hindi sumama si Bella kaibigan kasi nila Ynah yun.


“Hay sa wakas, inaantok na ‘ko Grey” sabi ko at inunat ko ang dalawa kong kamay kaya nasapak ko ata ang mukha ni Grey o pisngi?


“Aray ko, may galit ka ata sakin?” tanong niya kaya natawa lang kami.


“Bakit?” tanong ni Zach at humarap samin.


“Nasampal ako nito” sagot ni Grey saka hinawakan ang pisngi niya. Natawa na lang ako sa kanya.


“Grey san tayo magkikita kita bukas?” tanong ni Spencer.


“Magte-text na lang sakin si James bukas” sagot ni Grey at binalik ang tingin sakin. Nagpout siya sakin. Nginitian ko lang siya.


“Ang sakit nun hayop ka,” nakapout niyang sabi sakin kaya ngumiti lang ako.


“Sorry” pagkasabi ko niyan, huminto na ang van. Napatingin kami sa driver. Binalik ko ang tingin ko kay Grey pero nakatingin siya sa kabilang gilid niya. Binuksan niya ang van saka bumaba. Bumaba din kami. Bumungad samin ang isang mataas na building. Ang taas naman.


“Kuya Fernan, padala na lang lahat ng gamit namin sa taas tsaka pakiparada na lang ang van sa basement” utos ni Grey.


“Sige po sir” sagot ng tinawag na Fernan ni Grey. Buttler niya? Mayaman sila eh. Kami may kaya lang naman. Tsaka may business trip lang yung mga yun kaya wala sila mama, pero nandito trabaho nila.


“Tara na guys, malamig dito” sabi ni Grey at naunang naglakad papasok ng sa condominium. Pangmayayaman talaga ‘tong condominium na ‘to, hindi siya basta basta lang kasi building siya na maayos at parang lahat ng mga nandidito nakatira may kaya.


Pumasok kami sa loob saka naglakad sa lobby. Derederetso lang si Grey kaya sinusundan lang namin siya. Pumasok siya sa elevator at lahat kami sumunod. Pinindot niya sa 15th floor. Paghinto ng elevator, bumukas na saka kami lumabas. Naglakad kami sa hallway at huminto siya sa tapat ng pinakadulong pinto. Binuksan niya ang pinto saka pumasok sa loob.


“Tara dito sa loob” yaya niya samin at pumasok kami sa loob. Ang laki naman ng condo ng lola niya. Mag-isa niya lang dito?


“Grey, pumupunta ka din dito?” tanong ni Zach.


“Hindi na ‘ko magpapaalam ah, uupo na ‘ko” sabi ni Spencer saka umupo sa sofa.


“Oo naman, matagal na nga lang kasi pag bakasyon, nasa U.S. ako, or somewhere in the Europe” sagot ni Grey. Napadako ang tingin niya sakin kaya napatingin din ako sa kanya habang nakangiti.


“Gutom ka?” tanong niya. Gutom ba ‘ko?


“Kami Grey nagugutom” sabi nila Spencer.


“Medyo” sagot ko.


“Tara sa kusina” sabi niya saka naglakad papunta sa kusina. Sumunod kami sa kanya at nagmasidmasid lang ako sa buong kusina at may kinuha si Grey sa Ref nila. Nilabas niya ang isang chocolate cake at isang strawberry cake. Nilabas niya din ang isang gallon ng chocolate ice cream. Tinignan niya 'ko saka ngumiti.


“’Wag kang mag-alala babycakes, hindi kita nakalimutan” sabi niya at naglabas ng isang malaking plastic ng wafer saka hinagis sakin. Nasalo ko naman at tinignan ko ang wafer. Hinila ko ang isang upuan saka umupo. Umupo din sila sa counter table na malapit sa kusina. Binuksan ko ang plastic ng wafer at umupo sa tabi ko si Grey. Nag-slice siya ng isang chocolate cake at isang strawberry cake saka binigay sakin ang plate.


“’Wag puro wafer,” sabi niya saka kumain sa tabi ko.


“Dito tayo magpapalipas ng gabi?” tanong ni Spencer.


“Oo, ‘wag kayong mag-alala, hindi naman magagalit si me” sabi ni Grey.


“Pano, spoiled ka ni tita” sabi ko habang natatawang kumakain ng cake.


“May tinapay ka Grey?” tanong ni Zach. Napatingin siya kay Zach.


“Nandyan, hanapin mo lang” sagot ni Grey saka tumayo si Zach. Binalik ni Grey ang tingin sakin.


“Hiyang-hiya naman ako sayo” sabi niya sakin habang nakangiti.


“Oh bakit, spoiled ba ‘ko ni mama?” tanong ko. Hindi naman ako spoiled ni mama pero si papa oo. Spoiled niya ‘ko.


“Hindi, si me, spoiled ka niya, ‘wag kang aangal, totoo yun” sabi niya. Sa bagay, spoiled naman talaga ‘ko ng lola niya. Hindi ko maikakaila yun.


“Oh sus inggit ka lang” sabi ko saka kumain ng wafer.


“Grey san tayo matutulog?” tanong ni Cally.


“Dito, maraming kwarto diyan sa taas, kaso si Sweetcheecks diyan sa baba” sabi niya at nginitian niya ‘ko. Inirapan ko lang siya.


“Joke lang ‘to naman” sabi niya at ginulo ang buhok ko. Tuloy lang ako sa pagkain.


“Grey may itatanong ako” sabi ni Spencer at napatingin si Grey sa kanya.


“Ano yun?”


“Cute ba ‘ko?” tanong ni Spencer at natawa kami.


“’Pag sinabi kong hindi?” sabi ni Grey at tinaas ang tuhod niya.


“Grey nauuhaw ako” sabi ko. Napatingin siya sakin.


“Dun sa ref marami” sabi niya at tumayo ako. Naglakad ako papunta sa ref at binuksan ko ang ref.


“Cute kaya ‘ko” rinig kong sabi ni Spencer.


“San banda?”


“Malamang sa mukha alangan naman sa palad ko”


“Eh kahit ata palad mo hindi cute”


“Cute siya kasi aso siya”


“Bulldog”


“Hahahaha”


“Grabe kayo sakin ah” ang dami namang pagkain dito sa ref nila. Siguro alam nila na may pupuntang tao dito kaya ganito kadami. Kukunin ko na sana ang softdrinks kaso natigilan ako ng magsalita si Grey.


“’Wag kang magso-softdrinks, tignan mo magsusuka ka diyan” sabi ni Grey kaya napatingin ako sa kanya. Oo nga pala, acidic ako. Buti na nga lang at hindi ako nagsuka kanina sa biyahe. Ganon kasi ako, alam na alam na talaga niya kung anong bawal sakin.


“Oo na, hindi na po” sabi ko at ngumiti siya sakin. Kumuha na lang ako ng tubig at saka kumuha ng baso sa taas at nilapag ko sa harapan nila. Kumuha ako ng mga baso at nilagay ko sa table.


“Masunurin ah?” puna ni Zach.


“Siyempre ah” sabi ko habang nakangiti. Naglakad ako pabalik sa tabi ni Grey saka umupo sa tabi niya. Nagsalin ako ng tubig saka uminom.


“Gusto niyo ng matulog?” tanong niya at napatingin kami sa kanya.


“Tara, maaga pa tayo bukas ‘di ba?” sabi ni Zach.


“Tara” pagsang-ayon ko.


***


Naglakad ako pababa sa hagdan habang humihikab. Naglakad ako pababa sa dining at nakita ko silang kumakain na ng umagahan. Anong oras na ba?


“Gising ka na pala” sabi ni Spencer at napatingin sila sakin.


“Halika na dito” sabi ni Grey at naglakad ako papunta sa tabi niya. Umupo ako sa tabi niya. May nagserve na dalawang katulong niya para sakin kaya hinayaan ko na lang.


“May katulong pala kayo? Hindi ko napansin” sabi ko. Tapos na nila ‘kong ipaghanda at kumain na lang ako.


“Pati ako hindi ko napansin kagabi” sabi ni Spencer.


“Tulog na kasi sila kagabi, ‘di ba po?” tanong ni Grey sa mga katulong nila. Napatingin ako sa kanila. Ngumiti lang ang mga katulong nila. Binalik ko ang tingin ko sa breakfast ko. Kinuha ko ang kutsara at tinidor saka kumain na.


“Grey” mahina kong tawag sa kanya kaya napatingin siya sakin.


“Bakit?” tanong niya habang kumakain.


“Kape” nakangiti kong sabi. Natawa siya. Bakit siya natatawa.


“Puro ba?” tanong niya habang natatawa. Naaningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya kaya natahimik siya. Naalala pa talaga niya yun? Kung hindi lang naman puro yung kape na ininom namin, ako sana mananalo eh.


“Hindi joke lang, Miranda, kape nga” utos ni Grey saka natawa na naman. Bakit ba siya natatawa? Ano bang problema niya? Hindi ba siya makamove-on sa mga nangyari? Tsss.


“Sige po sir” sabi ng isa sa katulong nila sa likod ko. Tumawa lang si Grey.


“Bakit tumatawa yan?” tanong ni Spencer. Napatingin ako sa kanya.


“Ewan ko ba diyan, nababaliw na ata” sabi ko pero hindi siya tumigil sa pagtawa. Napatingin ako sa phone ko na nagring bigla kaya kinuha ko yun sa bulsa ko. Tumatawag si mama? Luh, buti naman pala. Sinagot ko ang tawag.


“Hello ma?” tanong ko habang kumakain.


‘Oh hello honey, are you okay?’ tanong niya sa kabilang linya.


“Oo naman, may dahilan ba para hindi ako maging okay?” tanong ko sa kanya saka napangiti ako.


‘Ikaw talagang bata ka, but honey, be safe there, okay? By the way, malapit na kaming umuwi ng papa at ng kuya mo, what do you want?’


“Nothing, ang gusto ko lang eh ang makauwi kayo”


‘Okay, but wait, you're with Grey right?’


“Opo ma, bakit?”


‘I want to talk to him’


“Okay” sabi ko saka inilayo ko ang phone sakin. Tinignan ko si Grey na seryosong kumakain ng breakfast niya.


“Grey gusto ka daw kausapin ni mama, okay lang?” tanong ko. Napatingin siya sakin.


“Akin na” sabi niya at binigay ko ang phone sa kanya. Nilapag ng isa sa mga katulong nila Grey ang isang mug na may lamang kape. Tinignan ko siya saka ngumiti. Nginitian niya din ako.


“Hello po tita?” rinig kong tanong ni Grey kaya napatingin ako sa kanya. Nakangiti siya saka tumingin sakin.


“Hindi naman po, ‘wag po kayong, pangako, hindi ko pababayaan bestfriend ko” sabi niya habang natatawa. Hindi ko marinig si mama. Hindi kasi ata nakaloud speaker yun eh. Natawa ng bahagya si Grey.


“Sige po, pangako” Ano kayang pinag-uusapan nila?


“Ay hindi po, hindi ko po gagawin yun, pangako. Iuuwi ko po ng maayos na maayos ang bestfriend ko” natatawa niyang sabi. Nag-iwas na lang ako ng tingin sa kanya saka kumain na lang ng breakfast. Nakucurious talaga ‘ko kung anong pinag-uusapan nila. Nilapit ko ang tenga ko sa phone ko kaso nilayo ni Grey ang mukha ko. Nakakainis ‘tong lalaking ‘to. Ayaw pakinig sakin.


“Ang daya mo” nakapout kong sabi sa kanya at napangiti siya sakin.


“Bakit hindi po? Pwede naman, kung gusto ng anak niyo” sabi niya kaya tumaas ang kilay ko sa kanya.


“Pwede naman po, basta may basbas niyo, tsakaa ‘wag po kayong mag-alala, mga gwapo lahi namin”


“Ano yan?” tanong ko.


“Ah sige po,”


“Anong sinabi ni mama?”


“Wala po yun” sabi niya saka binalik ang phone sakin. Tinignan ko ang phone ko kaso wala na ang tawag. Ano kayang sinabi ni mama sa kanya?


“Anong sinabi ni mama?” tanong ko at bigla siyang natawa ng malakas. Anong nakakatawa? Tumingin siya sakin ulit.


“Biruin mo, pinagkamalan tayo ni titan a magtatanan daw tayo?” natatawa niyang sabi kaya napanganga ako. Huh? Sinabi ko naman na kay mama na pupunta ako sa ilo-ilo kasama ng lalaking ‘to kasi maghi-hill climbing lang kami. Si mama talaga kung ano-anong sinasabi.


“Anong sinabi mo?” tanong ko na mas ikinatawa niya.


“Huy anong sinabi mo?” tanong ko.


“Sabi ko, bakit hindi, babalik na lang tayo kapag ikakasal na tayo” sabi niya habang natatawa. Gago talaga ‘tong lalaking ‘to!


“Bwisit kang lalaki ka!”


“Naniwala ka naman? Wala ‘kong sinabing ganon, narinig mo naman yung mga sinasabi ko kanina”


“Hindi ako naniniwala sayo, ano nga?” Natawa silang lahat.


“Ayoko ngang sabihin”


“Sige na ah” nag-iwas siya ng tingin sakin.


“Privacy” sabi niya habang nakangiti.


“Mukha mo, sige na ah” ano ba kasing sinabi ni mama sa kanya?


“Privacy nga, bahala ka diyan,” sabi niya saka natawa ulit.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon