Getting sweeter
Naramdaman ko ang pagpasok ni kuya sa loob ng sasakyan sa tabi ko at tinignan ako.
"Sinabi ko ng 'wag kang iiyak dahil ang pangit mo, ginagawa mo parin?" sabi niya at sinamaan ko siya ng tingin.
"Asawa ko oh, ikaw magmaneho" sabi ni kuya habang nakangiti at binigay niya ang susi kay Anya. Inabot naman ito ni Anya at siya ang nagmaneho. Siya lang ang nasa harap mag-isa at nasa likod kaming dalawa ni kuya. Tinignan akong muli ni kuya.
"Sabihin mo sakin, anong nangyari kanina?" tanong niya at mas lalo akong umiyak.
"Hayaan mo muna kasi, pinipilit mo eh, hayaan mo muna siyang mag-isip," sabi ni Anya at sumandal ako sa sandalan ng upuan at tumingin ako sa labas ng sasakyan. Tinignan ko lang ang mga sasakyan na umaandar. Hindi naman ako makikitang umiiyak dito dahil tinted naman.
"Hay, mga babae talaga," sabi ni kuya at sumandal siya sa sandalan ng sasakyan niya. Umaagos parin ang luha ko sa pisngi at hindi ko mapigilan ang pag-agos nito. Napatingin ako kay kuya ng ilagay niya sa lap ko ang panyo niya.
"Don’t let your tears fall down, mahirap pa naman ang mahulog ng walang sumasalo, alam mo 'yan" sabi niya at tinignan ko ang panyong binigay niya. Kinuha ko ang panyong binigay niya sa lap ko at pinunas ko ito sa ilalim ng mga mata ko. Akala ko tama na ang mga gagawin ko, 'yun pala huli na ang lahat. Huli na ang lahat para sa feelings ko.
"Baka gusto mo ng magkwento?" tanong ni kuya at napatingin ako sa kaniya.
***
Nakahiga lang ako sa kama ko habang nakatalukbong ng maraming kumot at yakap yakap ko ang mga unan ko habang pinapanood ko ang bawat tunog ng phone ko at paggalaw ng notifications ko dahil sa dami ng messages na naman ni Grey. Hindi ko na lang pinansin ang mga 'yun dahil patuloy parin ang pag-agos ng luha ko sa pisngi ko.
Pagod na 'kong umiyak ng umiyak pero hindi ko kayang pigilan. Ang hirap pala talagang diktahan ang sarili mo lalo na kung hindi naman siya mapipigilan. Nakwento ko na lahat lahat kay kuya pero hindi parin nawawala ang sakit na nararamdaman ko. Alam kong mali, alam kong maling magkagusto ako sa kaibigan ko pero anong magagawa ko? Eto ang gusto ng puso ko.
Kahit na ilang beses ko na siyang diktahan, hindi ko magawa. Gusto ko ng gawin ang tama, ang dapat pero may kung anong pumipigil sakin. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ito ng tumigil na ang pagtunog nito. Hindi na namessage pa si Grey. Baka mamaya pumunta 'yun dito sa bahay?
Pero hindi naman siguro. May appointment pa 'yun sa girlfriend niya kaya malabo. Nung nakaraan, kahit na umiiyak naman na 'ko at alam niya 'yun, hindi siya dumating kaya ayos lang 'yan hindi siya dadating. Binitawan ko ang phone ko at pinikit ko ang mga mata ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko kaya agad akong nagtalukbong ng kumot at pinunasan ko ang luha ko. Tinanggal ko ang kumot ko ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Novela JuvenilFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...