=====Chapter 65=====
The Yesterday's Pain
GREY'S P.O.V.
Binuksan ko ang gate ng bahay at may napansin akong isang maliit na box na kulay blue. Saan galing 'to? Lumingon lingon ako sa paligid ko pero wala akong nakitang tao o kung sino man sa paligid. Wala naman akong ibang kasama sa bahay, bukod kay me na palaging nasa ilo-ilo because of business, at ang mga katulong sa buong bahay. Obvious naman na hindi 'to delivery package. May nakabalot na red na ribbon eh. Yumuko ako at pinulot ko ang box. May nakadikit na isang maliit na maliit na papel.
'Babycakes...Happy birthday, tanggapin mo sana kahit late' basa ko sa note. So kay George pala galing? Akala ko nakalimutan niya ang birthday ko at sarili na lang niya ang inisip niya dahil sa mga sinabi ko kahapon.
Akala ko magagalit na siya sakin dahil sinabi kong walang halaga kung ano mang meron kahapon. Yumuko ako para tignan ang hawak kong medyo malaking paper bag. Naglakad ako papunta sa nakaparada kong sasakyan. Binuksan ko ang sasakyan ko at pinasok ko sa loob ang paper bag. Binalik ko ang tingin ko sa hawak kong maliit na box. Binuksan ko ito.
"Oh shit" mahina kong bulong sa sarili ko.
"Kanino galing 'yan?" rinig kong tanong ng nasa gilid ko.
"Galing sa magaling kong bestfriend" sagot ko habang nakangiti.
"Akala ko hindi ka na niya naalala" sabi niya at tinignan ko siya.
"She knows how I hate watches and clocks, so why does she gave me a watch?" tanong ko habang nakakunot ang noo ko. Nagkibit balikat siya.
"Maybe she has a reason?" hindi niya siguradong sagot. Ibinalik ko ang tingin ko sa relong kulay itim. Bakit niya naisipang ganito ang ibigay sakin? Ano bang nasa isip mo George?
"Baka naman kasi, katulad mo, gusto ka niyang bigyan ng gusto niyang ibigay sayo, hindi ng gusto mo" sabi ni Zach. Naalala ko sa sinabi niya ng time na bumili ako ng roses para sa kaniya at iniwan ko sa tapat ng gate nila. She doesn't like roses, or any color of it, I knew it from the first, but I gave it with no doubts.
"Ayaw mo ata, akin na lang" sabi ni Zach at tinignan ko siya.
"Of coarse I don't like it, I love it" sabi ko habang nakangiti at pumasok ako sa loob ng sasakyan ko. Nakita ko sa review side mirror ko na pumasok siya sa loob ng sasakyan niya. Pinaandar ko ang sasakyan ko ng mabilis.
Ano bang nasa utak mo George? Why watch? Pero kahit ganon, hindi parin nagbabago ang isip ko na layuan siya. Hindi ibig sabihin na hindi niya nakalimutan ang birthday ko, magbabago na ang lahat. Hindi rin dahil sa ayoko ng binigay niya kaya walang magbabago, hindi dahil dun.
Hindi dahil sa ibang bagay o tao, kung hindi dahil sa sarili ko. Dahil sakin. Dahil ayoko ng masaktan pa. Ayokong umasa pa, kahit mas malaki na ang chance na maging kami, sapat na sakin 'to. Dahil ayoko ng maranasan pa ulit ang ganitong bagay sa kaniya. Kahit konti, wala na 'kong pag-aalinlangan.
Final na ang desisyon ko. Kaya irespeto niya. Dahil kahit maghintay pa siya sakin katulad ng sinabi niya dati, kahit sobrang tagal na, hindi na. Wala na 'kong balak bumalik sa dati. It's all over.
Ilang minuto lang ang tinagal at nakarating ako sa school. Pinarada ko ang sasakyan ko pagkatapos ay lumabas ako sa sasakyan ko. Dumeretso ako sa locker area at napatingin ako sa hawak kong box na binigay ni George.
Huminto ako sa tapat ng locker ni George at binuksan ko ito. Alam ko pin niya. Hindi siya nagpapalit eh. Tinanggal ko sa paper bag ang isang box na medyo malaki. Tinanggal ko ang mga libro sa loob ng locker at pinasok ko sa loob ang box na may red ribbon. Nilagay ko ang mga libro niya sa harapan ng box na nilagay ko sa loob para pagbukas niya, biglang malalaglag ang lahat ng 'to. May kinuha ako sa bulsa ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...