=====Chapter 63=====
Birthdays... and Valentines...
GEORGE'S P.O.V.
"Sige na, pasok ka na sa bahay niyo, bye" sabi niya at nagwave ng kamay niya. Umalis na siya at humarap ako sa likod ko. Nakita ko ang gate ng bahay namin. Ganon na ba kahaba ang pinag-usapan namin at hindi ko man lang namalayan na nasa tapat na pala 'ko ng bahay namin? Hindi ko na namalayan na nandito na pala 'ko. Binuksan ko ang pinto ng gate namin.
"Sama ka sakin, wala naman akong ibang kasama" sabi ng isang pamilyar na boses sa 'di kalayuan sa likod ko. Napatingin ako sa likod ko. Nakit ko na naman si Grey at 'yung babaeng kasama niya nung nakaraan. Ang ganda naman ng timing.
Sana...Nakapasok na lang ako kagad sa gate namin, bago ko sila narinig. Talaga ngang may kapalit na 'ko. Napatingin sakin si Grey kaya agad 'kong iniwas ang paningin ko. Huminga akong malalim at pumasok na lang ako kagad sa loob ng pintuan ng gate namin. Sinarado ko ang pintuan at tumakbo ako papasok sa bahay.
Tumakbo ako kagad papunta sa loob ng kwarto ko. Pano ko ba 'to maaayos? Hindi ko na alam kung pano ko magagawang ayusin ang lahat ng 'to. Hindi ko na nga din alam kung maaayos ko pa o hindi. Ang hirap na ng ganito. Ang hirap magpretend na maayos ako kahit hindi naman talaga.
Alam ko naman na alam ni Grey na hindi ako maayos, alam kong alam niya na nasasaktan ako sa ginagawa niya. Talaga bang ganyan siya magmove-on? Talaga bang ang mga lalaki, kapag nagmo-move on, naghahanap ng iba? Alam kong para akong tanga, pero anong magagawa ko?
Bukod sa nagseselos ako na may pinalit na siyang sakin bilang kaibigan, nasasaktan din ako dahil mahal ko din siya. Kung panaginip 'to? Sana magising na 'ko. Hindi ko na kaya. Sinabi ko dati na kaya kong magtiis, kaya ko siyang hintayin, pero pano ko pa siya hihintayin kung feeling ko, may pumapalit na sakin?
Pano? Pano ko gagawin ang sinabi kong oo kay Spencer na hindi ako susuko kay Grey, kung ganito ang nangyayari? Pano? Pano pa? Kaya ko kayang magawang maayos pa ang lahat? Kung ganito na ang nangyayari?
***
Paglabas ko ng gate ng bahay, biglang sumalubong sakin si Spencer na nakangiti kasama si Cally.
"HAPPY BIRTHDAY!" nakangiting sabi ni Cally habang may hawak hawak na isang paper bag. Birthday? Ngayon ba 'yun?
"Birthday ko ba ngayon?" tanong ko sa kanila at nawala ang ngiti sa mga labi nila. Ano ba ngayon?
"Hala, nakalimutan mo nang birthday mo ngayon?" tanong ni Spencer at tinignan ko ang relo ko. Hala. Oo nga no? Birhday ko pala ngayon? Ibig sabihin three days na ang nakakalipas ng sabay kaming umuwi ni Spencer? Bat 'di ko namalayan ang panahon? Kung birthday ko ngayon...
"Oo nga 'no?" tanong ko sa kanila at napakamot ng ulo si Spencer. Hindi ko namalayan dahil sa kakaisip ko ng gagawin ko para matanggap ako ulit ni Grey.
Kung birthday ko ngayon, malamang birthday din ni Grey, at ngayon sana ang pangtwenty years namin bilang magkaibigan. Kaso natigil dahil sa nangyari. Ngayon, hindi ko masisisi si Marcus, alam ko na kung bakit niya 'to ginawa, alam ko na kung bakit niya ginawa ang bagay na 'yun. Pero ang hindi ko alam, birthday ko pala ngayon. Kung ganon, valentine's day pala ngayon.
February fourteen, birthday ko 'yun. Imbes na maging masaya ako, hindi ako masaya, lahat ng tao ngayon, masaya, ako lang ang hindi. Baka naman hindi lang ako, baka naman may iba pang katulad ko, sa dami ba namang tao sa buong mundo, hindi lang ako ang nasasaktan ngayong valentine's day.
"Hindi mo alam na birthday mo? Tao ka ba?" tanong ni Cally.
"Grabe ka naman sakin, masyado lang akong maraming iniisip kaya nakalimutan ko" sabi ko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...