Choosing Him
GREY’S P.O.V.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at nakaramdam ako ng sakit sa ulo ko.
“Shit, hang over” sabi ko sa sarili ko at sinuklay ko ng kamay ko ang buhok ko. Unti-unti akong nag indian sit sa kama ko at hinilamusan ko ang mukha ko ng dalawa kong kamay.
Ano bang nangyari kagabi? Bakit ang sakit ng ulo ko? Oo nga pala, nakalimutan ko, uminom pala ‘ko ng ilang araw dito sa condo ko. Bakit kasi hindi ko masabi sabi sa kaniya ang totoo? Nagpapadala kasi ako sa takot ko.
Nagpapadala ako sa takot na baka mawala siya sakin. Mas gusto ko pang maging kaibigan na lang siya kesa iwan niya ‘ko dahil lang sa nalaman niya na may iba na ‘kong nararamdaman para sa kaniya.
Napatingin ako ng hindi sinasadya sa phone ko. May nakita akong isang yellow note kaya kinuha ko ang phone ko saka binasa kung ano man ang nakasulat sa note.
‘Sorry kung iniwan kita, lasing na lasing ka kasi, hindi ko alam ang gagawin ko, natatakot kasi ako, pasensiya na talaga - George’
Biglang bumalik sakin lahat ng mga ginawa ko kagabi. Napasapo na lang ako sa noo ko ng maalala kong nasabi ko na pala sa kaniya ang lahat.
“Bwisit talaga ang alak na ‘yan” sabi ko sa sarili ko at hinagis ko sa kama ang phone ko.
‘Mahal kita! MAHAL NA MAHAL KITA! BAKIT ‘DI MO ‘YUN MARAMDAMAN?!’ naalala kong sabi ko. Shit. Bwisit talaga. Napatingin akong muli sa phone ko at kinuha ko ‘yun. Tinanggal ko ang note sa screen ng phone ko at dinikit ko ‘yun sa table ko sa tabi ng kama ko. Binuksan ko ang phone ko at nagtype ng message sa kaniya.
‘Anong pang-iiwan ‘to? Paki explain nga ng maayos’ message ko sa kaniya. Ilang minuto akong naghintay ng reply niya pero wala akong natanggap na reply niya.
“Tsk, nasabi ko na nga talaga” sabi ko sa sarili ko at bumangon ako. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita kong sobrang linis ng buong condo ko.
Talagang iniwan pa niyang malinis ang buong kwarto ko. Pahamak talaga ang alak sa buhay ko. Kahit kelan talaga ang alak na ‘yan kahit kelan. Huminga akong malalim. Ano ng gagawin ko ngayon?
Mahirap siyang harapin ngayon pero kailangan ko siyang makausap. Lilinawin ko sa kaniya lahat. Tutal alam naman na niya, lilinawin ko sa kaniya ng maayos. Wala naman akong excuse para i-deny sa kaniya ang lahat. Obvious na obvious na siya ang tinutukoy ko kagabi.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...