Chapter 22

39 40 0
                                        

Marcus Good Side

"Friends" sabi ko at nakipagshake hands ako sa kaniya. Binawi ko din ang kamay ko sa kaniya.

"Puntahan mo na ang bestfriend mo, baka magtaka 'yun kung saan ka pumunta at bakit bigla kang umalis kanina sa practice" sabi niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.

"Talagang nagtataka ako" sabi ng nasa kabilang gilid ko kaya agad kaming napatingin sa kaniya. Tumayo ako at pinakatitigan ko ang seryoso niyang mukha. Magsasalita pa lang sana ako kaso, hinawakan niya ang braso ko saka ako hinila. Naglakad kami sa lugar kung saan man. Hindi ko siya pinigilan hanggang sa huminto siya sa paglalakad at humarap sakin.

"Ano bang problema mo?" tanong niya.

"Huh?" kunot noo kong tanong. Anong ibig niyang sabihin na anong problema ko? Eh bakit kaya hindi sarili niya ang tanungin niya? Hinila niya kaya 'ko ng parang walang dahilan.

"Bakit mo kasama 'yung lalaking 'yun?" seryoso niyang tanong sakin.

"Masama bang kasama ko siya?" tanong ko sa kaniya. Ano bang kinagagalit niya dun?

"Utang na loob naman George, kung may balak siya sa---"

"Grey nakikipagkaibigan lang siya sakin, ano bang masama dun?" sabi ko at tinanggal ko ang kamay niya sa braso ko at naglakad palayo sa kaniya. Ewan ko ba kung bakit siya ganiyan. Kung bakit siya nagagalit sa mga nakakasama ko. Para bang kung umasta siya mas malala pa kay papa. Lahat ng galaw ko, alam niya. Parang medyo sumusobra na siya. Naglakad ako papunta sa gymnasium at nakita kong magsisimula na naman sila ulit para magpractice ulit.

"Okay, sige na, stand up guys, stand up. Let us practice again" sabi ng choreographer namin at tumayo na silang lahat 'di bale lang sakin. Hindi ako tumayo at wala din akong balak makipagpractice sa kanila dahil wala 'kong partner. Si Grey kasi ang partner ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.

Parang gusto kong bumalik dun at magsorry sa nasabi ko pero sa kabilang banda naman, may nagsasabi naman sakin na okay lang 'yun dahil sumusobra na siya sa ginagawa niya. Ewan ko ba. Mas lalo atang gumulo ang utak ko sa mga sinabi ni Ronnie sakin kanina. Ewan ko kung dapat ko ba siyang pakinggan at gawin ang mga sinabi niya dahil 'yung mga sinabi niya parang magagalit si Grey pero kahit san naman ako tumingin, kahit anong pagpipilian ko, ganon parin ang kalalabasan.

Hindi ko alam kung bakit ako nai-insecure sa kaniya ngayon. Gusto kong mag-isip gusto kong maliwanagan kung ano ba talagang nararamdaman ko sa kaniya, pero hindi ko naman kayang mawala sakin ang kaibigan ko na nandiyan palagi. Alam ko naman na kahit minsan sinasabihan niya 'ko minsan na 'wag kong payagan ang lalaking 'yun kasi masasaktan lang ako, alam ko naman na tama siya at alam niya ang dapat dahil ayaw niya lang na maranasan ko ang nararanasan ng mga babaeng nakakasama niya.

Pero bakit ganon? Bakit siya, halos dinidiktahan niya 'ko, pero siya hindi ko naman ginagawa sa kaniya 'yun. Bakit parang unfair? Ewan! Naguguluhan na 'ko sa mga nangyayari. Napatingin ako sa gilid ko ng may umupo sa tabi ko. Nakangiti siya ng nakakaloko.

"Tara, ako na lang partner mo, wala naman 'yung partner mo eh" sabi niya habang nakangiti. Ewan ko kung maniniwala pa 'ko kay Grey na manloloko 'tong lalaking 'to dahil sinabi niya dati na hindi magandang maging kaibigan si Ronnie, pero hindi naman masyado, baka talagang siya lang ang hindi marunong tumingin sa magandang maging kaibigan kasi nakikita ko naman na maganda naman siyang maging kaibigan.

Tsaka kung naging masama man si Ronnie sa kaniya, baka naman kaya naman niyang magbago? Baka naman kaya niya pang magbago, tsaka 'tong si Marcus, baka naman kaya naman niyang tumino, kung siya nga kaya eh, si Marcus pa kaya? Baka talagang siya lang ang hindi naniniwalang kayang magbago ng isang tao.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon