Getting away
GEORGE’S P.O.V.
“Lalayo ba ‘ko o hindi?” tanong ko sa sarili ko habang nakaupo ako sa sofa. Ang hirap lumayo sa taong pinakamahalaga sayo. Ang hirap na mawala na naman sakin ang isa sa mga mahahalagang tao sa buhay ko.
Pero kung hindi naman ako lalayo sa kanya, baka totohanin niya na siya na mismo ang lalayo para sakin. At mas mahirap para sakin na hindi ko siya nakikita. Ano ba ang dapat kong gawin? Layuan ko siya o hindi? Ang hirap mamili sa dalawang ‘yun lalo na kung parehas din naman akong masasaktan.
“Kahit mamili ka naman sa dalawang ‘yan, parehas parin. Masasaktan ka parin” sabi ni kuya sa tabi ko habang nagpho-phone. Tinignan ko lang siya.
“Kapag lumayo kasi ako, pwede ko pa siyang makita, pwede ko pa siyang makausap kahit papano, pero kapag hindi ako lumayo, baka totohanin niyang gawin na hindi ko na siya makikita” sabi ko at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Kapag hindi ko ginawa ang gusto niya, mas lalo siyang mawawala.
“Parehas lang naman, kahit san naman ang desisyon mo, ganon parin, masasaktan at masasaktan ka parin” sabi niya at huminga akong malalim.
“Pero ayokong lumayo siya sakin dahil baka hindi ko na talaga siya makita” sabi ko habang nakayuko.
“Eh kahit san din naman ang maging desisyon mo, kahit san ang piliin mo, ganon pa rin naman, pano kung ikaw ang lumayo? ‘Di ba hindi naman na kayo nag-uusap masyado? Siyempre, bilang isang lalaki katulad niya, alam ko na maiilang siya kapag nalaman niya na nasa paligid ka lang, na nandiyan diyan ka lang at umaasa ka parin, kaya pwede din siyang lumayo, mas masakit pa ‘yun, dahil mas matagal bago niya ginawa” sabi niya kaya napatingin ako sa kaniya.
“Parehas?” tanong ko sa kaniya.
“Oo, wala namang pinagkaiba, wala ka ding choice kundi sumugal, dahil kapag hindi ka sumugal, talo ka, parang alam mo na ngang talo ka na, pero hindi ka pa nagbakasakaling sumugal para manalo kahit papano” sabi niya at nag-iwas siya ng tingin sakin.
“Pano kung, matalo lang din ako?” tanong ko.
“Kaya nga susugal ka ‘di ba? Para kahit papano, may chance na manalo ka, kesa naman hayaan mo na lang na mawala ang isang tao, bigyan mo siya ng oras, pero ‘wag naman sobrang tagal na wala na talaga. Bigyan mo lang siya ng oras, tapos kausapin mo siya ng maayos, maniwala ka, magkakaayos din kayo. Irespeto mo lang kung anong gusto niya, magiging maayos din ang lahat” sabi niya. Sana nga tama ka kuya,
Kasi nung last time na may sinabi ka sakin na tungkol sa nararamdaman ko kay Grey, hindi ko siya sinunod, ngayon, parehas na silang nawala sakin. Dapat talaga, sinabi ko na din sa kaniya habang maaga pa.
Hindi lang naman siya ang may kasalanan kung bakit nawalan kami ng timing, pati din ako, kasi ang manhid ko sa kaniya. Kaya parehas lang kami, pero sa ngayon, ako naman ang kailangang gumawa ng paraan para maayos ko kahit ang friendship lang naming dalawa.
Mas ayokong mawala ang bagay na ‘yun sa buhay ko. Nawala na sakin si Marcus, tapos mawawala pa si Grey? Ang dami ng nawalang tao sa buhay ko tapos dadagdag pa si Grey? Sa lahat ng pwedeng mawala siya pa talaga.
“Ano ng gagawin ko?” tanong ko sa sarili ko. \
“Kahit san banda mo tignan, mawawala at mawawala parin siya” sabi ni kuya at tinignan ko lang siya. Anong gagawin ko? Pano ko ‘to gagawin?
‘Whistle’ ring ng phone ko kaya napatingin ako sa phone ko. Binuksan ko ito at tinignan ko ang nag-message sakin. Cally? Kumunot ang noo ko. Tinignan ko ang message niya saka binasa ko.
‘Pasama nga friend, punta ka dito sa bahay ngayon’ message niya at tinignan ko si kuya.
“O, bakit?” tanong niya.
“May pupuntahan lang ako saglit” sagot ko at naglakad ako papunta sa hagdan. Naglakad ako papunta sa kwarto ko at pumasok ako sa loob.
‘Saan ka?’ type ko sa phone ko at m-in-essage ko kay Cally.
‘Whistle’
‘Dito lang sa bahay, hintayin kita’ message niya sakin.
‘Wait mo ‘ko,’ message ko sa kaniya at kinuha ko ang sapatos ko. Umupo ako sa gilid ng kama ko at nagsuot ako ng sapatos ko. Tumayo ako at naglakad ako papunta sa pinto ng kwarto ko. Binuksan ko ang pinto at bumaba ako ng hagdan.
“Kuya pasabi na lang na may pinuntahan ako saglit kay mama, salamat!” sabi ko at lumabas ako ng bahay. Binuksan ko ang gate ng bahay at aksidente akong napatingin sa isang lalaking naglalakad mag-isa. Napatingin siya sakin kaya napahinto siya sa paglalakad. Ako na ang nag-iwas ng tingin sa kaniya.
Nakakailang kasi siyang titigan ng seryoso kapag ganito ang sitwasyon naming dalawa. Lumabas na lang ako ng gate at sinarado ko ng maayos. Tumingin ako sa likod ko kung nasaan kanina si Grey, pero wala na siya.
Sayang ang nineteen years kung hindi na talaga namin maayos ‘to. Sayang talaga nakakapanghinayang kung mawawala na lang ang lahat sa isang iglap.
Huminga akong malalim at humarap ako sa likod ko at medyo napatalon ako ng makita ko si Marcus. Huminga akong malalim at nilagay ko ang kamay ko sa tapat ng puso ko. Tinignan ko siya ng masama.
“Bakit ka ba nanggugulat?” inis kong tanong.
“Malay ko bang haharap ka pala sakin ng ganon kabilis?” sabi niya habang nakangiti. Inis kong iniwas ang tingin ko. Kung saan-saan talaga sumusulpot ang lalaking ‘to.
“Teka, bakit ka ba nandito? Alam mo bang ayokong makita ang mukhang ‘yan ngayon?” inis kong tanong sa kaniya. Natawa lang siya ng bahagya sakin.
“Okay lang sakin na hindi na maging tayo, pero sana naman kahit mapatawad mo lang ako, okay na sakin” sabi niya habang nakangiti.
“Kaya kitang patawarin” seryoso kong sabi habang nakatitig sa mga mata niya.
“Pero hindi pa ngayon” sabi ko at nilagpasan ko siya. Ang sakit lang kasi, para hindi siya masaktan dahil mahal ko siya, mas pinili ko siya dati para lang hindi siya masaktan. Kahit alam kong masasaktan si Grey, hinayaan ko lang kahit masakit, nasabihan ko pa siya ng masasakit na salita nung gabing pinalayo ko siya. Pinutol ko pa ang bracelet naming dalawa.
“’Di ba gusto mo ‘kong kausapin?” sabi niya at napahinto ako sa paglalakad. Oo nga pala, sinabi ko palang kakausapin ko siya. Pero pupunta pa ‘ko ngayon kay Cally. Tsaka, wala ‘ko sa mood na kausapin siya, baka mabwisit lang ako sa kaniya.
“’Wag ngayon Marcus, may kailangan pa ‘kong gawin” sabi ko.
“Naiintindihan kita” sabi niya at napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako sa kaniya at nakangiti lang siya. Parang nakokonsensiya ako na talikuran siya. Pero hindi ko rin makakalimutan ang ginawa niya.
Dahil sa kaniya, mas lalo lang akong nasaktan kahit si Grey. Sana kasi kung hindi siya seryoso sakin, sinabi na niya simula pa lang. Bahagya akong ngumiti na hindi naman bukal sakin at tumalikod ako.
MARCUS’S P.O.V.
“Maiintindihan niyo ding dalawa kung bakit ko ‘to ginawa” sabi ko sa sarili ko. Pwedeng pwede kitang seryosohin George dahil alam ko sa sarili ko na napamahal ako sayo.
Pero hindi kita pwedeng mahalin dahil bawal. Hindi kita pwedeng mahalin dahil ginagawa ko ang lahat ng ‘to para lang kay Grey. Ginawa ko ang lahat ng ‘to para sa inyong dalawa.
Dahil ayokong mabiktima kayong pareho ni Ronnie katulad ng nangyari sakin. Ayokong maranasan ng kaibigan ko ang nangyari sakin. Mahal kita George, pero mas mahal ka ng kaibigan ko. At alam kong siya din ang mahal mo. Kaya hindi ko ipipilit ang sarili ko sayo kung ayaw mo talaga.
Salamat na lang na minsan mo ‘kong pinili kesa kay Grey. Kaya sana, ‘wag masayang ang mga ginawa ko. Sana hindi masayang ang lahat ng ginawa ko para sa inyong dalawa.
Tumalikod ako at naglakad. Tsaka may babae na ‘kong hinahanap, siguro, kailangan ko lang magfocus sa hinahanap ko. Kahit mahirap siyang hanaping babae, gagawin ko.
“Marcus” tawag sakin ng nasa likod ko kaya napatingin ako sa kaniya. Sinabayan niya lang akong maglakad.
“Hanggang kelan mo gustong saktan ang sarili mo?” tanong ni Spencer sakin at napangiti ako.
“Hanggang maging masaya ang kaibigan ko” sagot ko habang nakangiti. Kung hindi lang gusto ni Grey si George, sineryoso ko na siguro siya ngayon.
Siguro hindi ko siya sinaktan. Sayang dahil mahal na din ako ni George. Kaso hindi ko kayang masaktan ang nag-iisang naging totoong kaibigan sakin.
“Talagang bumalik ka lang dito para hindi lang maranasan ni Grey ang naranasan mo?” tanong niya at tumango ako. Bumalik lang ako dito dahil ‘yan lang ang purpose ko.
Hindi ko balak guluhin silang dalawa katulad ng nangyayari ngayon. Hindi ko din balak na paghiwalayin lang sila dahil sa trip lang. Gusto ko na nga sanang sabihin sa kanilang dalawa na parehas silang may gusto sa isa’t isa kaso ayoko.
Ayokong mangialam dahil simula ng dumating ako dito sa Pilipinas, nagsimula ng hindi ako pansinin ng ungas na ‘yun at hindi ko alam kung bakit.
Siguro takot talaga siya na masaktan ko si George, ilang beses na kasing nasasaktan si George ng mga kaibigan niya dito sa Pilipinas. Kaya takot na din siguro siya.
“Hindi naman. Nabalitaan ko lang kasi na may balak gawin si Ronnie kay Grey, pero hindi ko inaasahan na ganito ang madadatnan ko. Sasabihin ko naman na sana kay Grey ang gustong gawin ni Ronnie, pero kumplikado pala, kaya wala ‘kong nagawa, parang ako pa ang naipit sa kanila. Pero ang pinaka-reason ng pag-uwi ko dito ay ang babaeng hinahanap ko. Pupunta ako dito, kahit na hindi ko nabalitaan ang gustong gawin ni Ronnie” sabi ko at bahagyang natawa.
Nung una naman talaga, wala ‘kong balak na guluhin ang buhay nila. Hindi ko din balak na magtagal dito, kaso kailangan ko talaga, hanggang sa mahanap ko ang hinahanap ko dito.
Kung gugustuhin ko lang, hindi ako magtatagal dito, pero wala eh, kailangan kong hanapin ang babaeng ‘yun. Alam ko din naman na alam na ni Grey na gusto kong manligaw kay George, sinubukan niyang pigilan ‘yun, pero sa tingin ko, hindi niya nagawa dahil gusto niyang kalimutan ang nararamdaman niya kay George dahil akala niya walang gusto sa kaniya si George. Siguro binawian niya din ako ng malaman niyang may iba ng namamagitan samin ni George, binawian niya ‘ko sa pamamagitan ng panliligaw niya kay Bella.
Alam niyang hindi pa ‘ko nakakamove-on sa nangyari. Alam niyang kahit sobrang tagal na nun, hindi parin ako makamove-on sa nangyari. Hindi pa kahit papano. Kaya nga, hindi talaga ‘ko pupunta dito kung hindi lang nandito ang hinahanap ko.
“Mas doble ‘yang sakit na nararamdaman mo ah? Wala ka bang balak sabihin ang lahat kay Grey? Ang alam ko, may sinabi ka nga sa kaniya, pero hindi lahat” sabi niya at tinignan ko siya.
“I’m a strong man so I can move on. I just don’t like to see Ronnie happy, ayoko ding maranasan ng dalawang ‘yun ang naranasan ko” sabi ko habang nakangiti. Sa lahat kasi ng babae, bakit si Bella pa ang nagustuhan niya? Bakit si Bella pa ang naisipang agawin sakin ni Ronnie, ito namang si Bella, nagpaagaw, magsama silang dalawa. Ngayon hindi sila? Tsss.
“I can handle the pain” sabi ko.
“Kasi marami kang babae?” tanong niya at napatingin ako sa kaniya.
“Wala kaya ‘kong babae ngayon” sabi ko.
“Hindi ako naniniwala sayo” sabi niya at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Wala naman talaga. Hindi ko alam, kung pano i-over come ang sakit na nararamdaman ko.
Gustong gusto kita George. Nangako ako dati na hindi ako mahuhulog sayo dahil ordinaryong babae ka lang. Pero mali ako. Siguro dahil parehas na parehas lang talaga kami ni Grey kaya pati ako, nahulog na sayo.
Kaso hindi pwede. Hindi pwede dahil mas nauna sakin si Grey, at mas mahal ka niya. Kaya kong magparaya, pero hindi si Grey. Kaya sana hindi masayang ang lahat ng ginawa ko para sa inyo. Sana hindi niyo sayangin.
“Alam mong may hinahanap akong babae, kaya wala sa isip ko ang makipaglaro sa mga babaeng ‘yan” sabi ko.
“Hindi mo ba sasabihin sa kanila ang ginawa mo?” tanong ni Spencer.
“Kaya na nilang malaman ‘yan ng sarili nila. Hindi ako mayabang na ipagmamayabang pa ang ginawa ko. Tsaka wala namang nagtatanong sa kanila, kaya bakit ko sasabihin sa kanila? Matalino sila, malalaman din nila ‘yan” sabi ko habang nakangiti.
“Tsaka, nakalimutan mo na ba? Hindi lang ako pumunta dito para sa kanilang dalawa. Oo, isa sa dahilan ko kung bakit ako bumalik dito ang sabihin sana kay Grey ang gustong gawin ni Ronnie, pero ang pinakadahilan ng pagbalik ko dito, ay ‘yung babaeng pilit na ilayo sakin, pero mahahanap at mahahanap ko din siya” sabi ko. Five years ago, puno ng sakit, galit at lungkot ang buhay ko. Two years na ang lumipas ng mga panahong ‘yun, may isang babaeng nagtanggal ng sakit sa puso ko. Pero one year lang ang makalipas, nawala na siya. At hindi ko alam kung bakit.
“Hindi ka parin sumusuko sa babaeng ‘yun kahit na two years na ang nakakalipas?” tanong niya.
“Hinding hindi” sagot ko habang nakangiti ng mapait. Two years ko na siyang hindi nakikita at kahit anong koneksiyon, wala ako. Kahit pangalan niya, hindi ko mahanap. Hindi ko na alam kung nasaan siya o kung ano man ang nangyayari sa kaniya. Pero isa lang ang alam ko ngayon. Hindi ako titigil hangga’t hindi ko siya nakikita at nahahanap.
GEORGE’S P.O.V.
Naglalakad ako sa hallway at nakita ko si Grey na nakatayo lang kasama si Zach. Nakasandal silang pareho sa pader at dumaan lang ako sa kanila. Para bang wala lang sa kanila na dumaan ako. Dati kapag ganito, babatiin nila ‘ko kagad.
Pero iba na ngayon eh. Sana tama na ngayon ang choice ko. Sana tama ako na layuan ka na Grey. Sana tama na lumayo na lang ako para hindi ka lumayo sakin. Atlis kapag ganito, may pag-asa parin na magkita tayong dalawa.
May pag-asa parin na kahit minsan magkausap tayong dalawa. Kahit na minsan lang, kahit saglit lang, kahit isang salita na lang ‘yung mga sasabihin mo sakin hindi katulad ng dati na sobrang dami mong kwento sakin. Ayos lang.
Kahit matagal Grey, hihintayin ko ‘yung time na magiging magkaibigan tayong dalawa ulit. Kahit sobrang tagal. Kahit kaibigan lang, ayos na sakin, kahit hindi na kasing close ng dati, ayos na sakin.
Kahit unti na lang ‘yung mga sinasabi mo sakin, okay lang basta magkaibigan tayo ulit. Pero kung pagkatapos ng isang taon at naka-graduate na tayo, at wala paring nagbago, tapos umalis ka na, na pumunta ka na sa states, matatanggap ko.
Alam ko naman kasi kung gano kasakit din sayo na tumalikod ako sating dalawa. Kahit para sa tama ang ginawa ko, naiintindihan ko kung galit ka pa rin. Naiintindihan kita. Oras ko naman ngayon para umintindi sayo.
Oras ko naman ngayon para respetuhin ang desisyon mo. Naglakad na lang ako papunta sa room namin at umupo ako sa table ko. Ano ba ngayon? Kinuha ko ang phone ko at binuksan ito. Wednesday pala ngayon? Ibig sabihin?
Lumingon ako sa likod ko sa pinto at nakita ko si Grey na naglalakad papasok ng room kasama si Zach. Hala, oo nga pala, classmate ko sila ngayon. Lagot. Pano ‘to? Tumalikod ako at yumuko. Siguro naman hindi nila ‘ko mapapansin. May umupo sa tabi ko sa kanan. Pero sa kaliwa wala.
“Kelan ka pupunta sa States Grey?” tanong ng nasa likod ko. Pumikit ako at humingang malalim. Sa wakas. Hindi ko siya nakatabi. Nasa likod ang boses ni Zach eh.
“Itong bakasyon” sabi ng nasa tabi ko sa kanan kaya bigla akong napamulat at tumingin ako sa gilid ko. Nagulat pa ‘ko ng makita kong nakatingin siya sakin. Nag-iwas siya ng tingin sakin. Huminga akong malalim at kinuha ko ang gamit ko. Alam kong ayaw niyang malapit ako sa kaniya. Tumayo ako at aalis na sana kaso napatigil ako ng may humawak sa wrist ko. Tinignan ko siya. Nakatingin siya sakin ng seryoso.
“Wala ng upuan,” sabi niya at nakatitig lang ako sa mga mata niya. Nag-iwas siya ng tingin sakin pero nanatili lang akong nakatitig sa kaniya.
“’Wag ka ng umalis, baka mawalan ka pa ng upuan” seryoso niyang sabi habang hawak ang wrist ko. Saglit siyang tumingin sakin pero iniwas niya din ito kaagad. Dahan-dahan akong umupo at dahan-dahan niya ding binitawan ang wrist ko.
Parang medyo gumaan ang dibdib ko sa mga sinabi niya. Kahit na hindi katulad ng dati, ramdam ko parin na may pakialam siya sakin. Maghihintay talaga ‘ko Grey. Kapag wala na talaga ‘kong mahintay at pumunta ka na sa states, hindi ako magagalit sayo.
Maghihintay ako kahit isang taon, o higit pa. Alam ko kasi na balak niya ng umalis sa Pilipinas at dun na siya sa States pagkatapos ng isa pang taon. Baka hindi na namin matuloy ‘yun plano namin na magkasama parin kami hanggang dun sa states.
Baka magstay na lang ako dito sa Pilipinas. Baka maging malaro ang tadhana samin dun at magkita lang kami ulit. Ayoko naman na guluhin pa siya kung ang desisyon niya, umalis na at lumayo na sakin. Maiintindihan ko siya kahit ano pa ang desisyon niya.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Teen FictionFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...