Chapter 47

10 3 0
                                        

Cheating

            Naglalakad ako papunta sa room dahil katatapos lang ng practice namin kanina. Napahinto ako ng humarang sa harapan ko si Grey. Anong kailangan nito?

“Naiwan mo” sabi niya at binigay sakin ang panyo ko.

“Nung umikot ka, nahulog mo ata nung umikot ka,” sabi niya at kinuha ko ang panyo ko.

“Thanks” sabi ko at umalis na. Hindi ko kayang magtagal sa harapan niya at nakatingin pa siya sakin. Parang anytime, gusto ko na lang na maglaho kapag nakatingin siya sakin. Natatakot talaga ako kapag kaharap ko siya. Para bang nauubusan ako ng hininga. Naglakad na lang ako hanggang sa makarating akong muli sa building namin. Napatingin ako sa gilid ko ng may umakbay sakin. Napangiti na lang ako sa kaniya.

“Nagugutom ka na?” tanong ni Marcus.

“Medyo, napagod ako sa practice,” sagot ko.

“Oo nga, tara kain na tayo” sabi niya habang nakangiti at tumango ako ng bahagya. Kinuha niya ang mga dala-dala ko at siya ang nagbitbit. Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami ulit ng building.

“Malapit na pala ang prom night natin ‘no?” sabi niya habang nakangiti.

“Oo nga, two days na lang ‘di ba?” tanong ko sa kaniya.

“Gusto mo sunduin kita sa inyo?” tanong niya.

“Ikaw, pero pakikilla na rin kita kila mama,” sabi ko.

“Kilala naman na nila ‘ko” sabi niya.

“Nang pormal” sabi ko. Kilala lang kasi siya nila mama bilang anak ng business partner nila, pero hindi pa nila alam na merong kami, si kuya pa lang. Kaya okay na rin ‘yun para makilala siya nila mama at papa ng pormal. Alam ko naman na hindi sil magagalit basta maayos ang ugali at background. Hindi sila tumitingin sa katayuan. Kaya thankful ako sa kanila.

“Sa bagay, hindi mo pa naman ako napapakilala sa kanila,” sabi niya at ngumiti ako. Pagdating namin sa canteen ay siya na ang bumili ng lunch naming dalawa.

“Nga pala, ‘di ba sa biyernes na ‘yung prom? May isusuot ka na?” rinig kong tanong ng mga babaeng nasa likuran ko. Sa kabilang table. Oo nga pala, naalala ko, wala p ‘kong damit para sa prom. Nakakalimutan ko kasi. Wala pa naman akong maisip na isusuot ko. Mamaya ako maghahanap.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon