Chapter 23

28 29 0
                                    

Brain Wash

"I love eating ice creams" sabi niya habang kumakain kami ng ice cream sa park at nakaupo siya. Nakade quarto ako at siya naman ay naka spread ang isa niyang braso sa ibabaw ng sandalan ng bench na kinauupuanan namin at nakahalukipkip siya. Kumakain lang kami ng ice cream pero siya parang sabik na sabik siya sa ice cream, para bang hindi na niya nagagawa ang mga ganitong simpleng bagay dahil nakalimutan na niya ang sarili niya. All he wants and knows is to hurt other‘s feelings to revenge. But revenge doesn’t good for anyone. Sana marealize niya din yan balang araw.

"Kung makakahanap ka ng babaeng magmamahal sayo, may possibility ba na magbago ka?" tanong ko.

"Why not? Kung mamahalin niya 'ko ng totoo at mapatunayan niya sakin na hindi niya 'ko iiwan, why not? Alam ko namang minsan masasaktan niya din ako, pero ang gusto ko lang, mangako siya na hindi niya 'ko iiwan at kahit masaktan niya man ako, hindi niya 'ko ipagpapalit sa iba, lalo na sa kaibigan ko" sabi niya. Meron naman palang pag-asa eh.

"Pano kung dumating siya ngayon? Pero niloko mo siya? Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Malalaman ko kung mahal ako ng isang tao" sagot niya.

"Pano kung sa una hindi naman siya seryoso sayo, pero hindi niya din balak na saktan ka, pano kung simple lang siyang babae? Anong gagawin mo?" tanong ko.

"Kapag kayo talaga para sa isa‘t isa, tadhana mismo ang gagawa para maging kayo hanggang sa huli" sabi niya. Sa bagay, tama naman siya. Napatingin ako sa kinakain kong ice cream. Naramdaman kong may nakatitig sakin kaya tumigil ako sa pagkain at tinignan ko kung sino man ang nakatitig sakin sa harapan ko. Nakita ko si Grey na kasama si Bella at nakatitig siya sakin. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kaniya ng matagal. Ewan ko kung bakit pero hindi ko kaya. Magagalit kaya siya sakin? Tumingin akong muli sa harapan ko pero wala na sila ni Bella, baka may pupuntahan ang dalawang 'yun. Pero sana naman 'wag magalit si Grey sakin.

"Sa tingin mo magagalit kaya si Grey?" tanong ko.

"What is his reason, to be mad at you?" tanong niya.

"Kasi ayaw niya na kasama kita" sagot ko.

"Bakit naman?" tanong niya.

"Katulad mo kasi siya, at ayaw niya 'kong masaktan" sagot ko.

"I think so," sabi niya at tinignan ko siya ng kunot noo.

"Alam mo sa sagot mo, parang nagbibigay ka sakin ng rason para umalis ngayon" sabi ko. Huminga siyang malalim saka kumain ng ice cream.

BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon