Textmate…
Nakalumbaba ako sa library habang nakabuklat ang mga libro ko pero wala akong pakialam dito at nakatitig lang ako sa kwintas na hawak-hawak ko. Hindi ko alam kung pano ko ba 'to mabubuksan. Baka naman design lang 'yung lalagyan niya ng lock? Pero ang pangit naman kung design lang 'yun. Baka mamaya 'yung secret admirer ko eh, makilala ko sa pamamagitan nito? Pano ko kaya 'to mabubuksan? Hindi ko na alam ang gagawin ko dito. Para naman akong pinapahirapan ng kung sino man ang nagbigay nito.
"George magsulat ka na kaya?" tanong ni Cally sa tapat ko pero hindi ko siya pinansin dahil nakatuon parin ang pansin ko sa kwintas.
"George!" sigaw niya kaya napatingin ako sa kaniya.
"Shhhhh" sita sa kaniya ng mga ibang tao.
"Sorry po" sabi niya habang awkward na nakangiti. Tinignan ko siya saka ko binaba ang kwintas.
"Magsulat ka na kaya? Hindi 'yung nakatunganga ka diyan sa kwintas na 'yan" sabi niya. Napakamot na lang ako sa ulo ko dahil nagsisimula na talaga 'kong mainis sa kung sino man ang nagbigay nito. Hinilamusan ko ang mukha ko ng isa kong kamay saka tinago ang kwintas.
"Sino nagbigay ng kwintas?" tanong ni Cally.
"Hindi ko alam, basta nakita ko na lang siya sa table ko" sagot ko.
"Hindi man lang sinabi kung sinong nagbigay?" tanong niya. Umiling lang ako bilang tugon. Hindi ko naman nagawang alamin kung sino eh. Wala akong lead kung sino man ang nagbigay nito.
"Mamaya mo na tunawin 'yan, magsulat ka muna, teka nga, nasaan si Marcus? Hindi ka ata niya kasama?" tanong niya.
"May klase siya," sagot ko at nagsulat na 'ko sa notebook na binili ko. Sinusulatan ko si Grey ng notes niya para hindi siya bumagsak. Mabait kasi ako.
"Kanino 'yang ginagawa mo?" tanong niya.
"Kay Grey" sagot ko.
"Bait ah," sabi niya habang nakangiti.
"Mabait lang ako sa bestfriend ko" sabi ko.
"Nag-uusap kayo?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Fiksi RemajaFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...