=====Chapter 64=====
The Key
GEORGE'S P.O.V.
"Kaya pala nawalan na 'ko ng halaga sa kaniya" sabi ko habang nakayuko at ngumiti ako ng mapait. Naramdaman kong tumulo sa pantalon ko ang luha ko. Para bang pinipiga ang puso ko sa mga nalaman ko. Hindi ko alam na, talagang tinototo niyang kalimutan ako. Na magmove-on na talaga sakin. Ang sakit na malamang nangmo-move-on na siya. Samantalang ako, eto parin umaasa na baka isang araw, marealize niya na may halaga pa pala 'ko sa kaniya.
"Stop crying he's staring at you" bulong niya kaya humarap ako kay Spencer. Nakaside view parin siya. Para hindi ako makita ni Grey na umiiyak.
"You're so funny at all" sabi niya habang nakangiti. Tinignan ko siya. Ako nakakatawa?
"Huh? Bakit naman?" tanong ko at pinunasan ko ang pisngi ko.
"Hindi niya parin inaalis ang tingin niya sayo, mas lalo kasi siyang nagduda sa ginawa mo" sabi niya at tumulo na naman ang luha ko sa pisngi.
"Alis na 'ko" sabi ko at tumayo ako.
"Bakit?" tanong niya.
"Hindi ko na kaya dito, tsaka, anong oras na din, baka hinahanap na 'ko ng mama ko" sabi ko at aalis na sana siya kaso hinawakan niya ang wrist ko kaya napahinto ako. Tinignan ko siya.
"Hatid na kita, wala kang kasama" sabi niya at magsasalita pa sana ako kaso inunahan niya 'ko.
"'Wag ka ng magreklamo" sabi niya kaya hindi na 'ko nakapagsalita. Naglakad na lang ako kasabay niya. Nakita ko si Grey na naglalakad kaya yumuko ako. Ayokong makita niyang umiiyak ako. Nakasalubong namin silang dalawa pero hindi ata nila kami napansing dalawa. Mabuti na lang.
Huminto kami sa tapat ng sasakyan niya at pinagbuksan niya 'ko ng pinto ng sasakyan niya. Pumasok ako sa loob ng sasakyan niya. Umikot siya sa likod ng sasakyan niya saka pumasok sa loob ng sasakyan niya. Pinaandar niya ang sasakyan niya. Tahimik lang kami habang nasa biyahe. Hanggang sa makarating kami sa tapat ng gate ng bahay. Lumabas ako ng sasakyan at binigay niya sakin ang mga gamit ko. Binag ko ang bag ko at kinuha ko sa kaniya ang iba kong gamit.
"Thanks" sabi ko at ngumiti ako sa kaniya.
"Tawagan mo lang ako kung kailangan mo ng kasama" sabi niya at tumango ako.
"Alis na 'ko" dugtong pa niya at naglakad na siya papasok sa sasakyan niya. Kumaway ako sa kaniya. Pinaandar niya ang sasakyan niya paalis at tinignan ko lang ang sasakyan niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Humarap ako sa likod ko at bahagya akong napatalon ng makita ko si kuya. Kunot noo ko siyang tinignan. Nakapamewang siya. Nakatingin siya sa direksyon ng sasakyan ni Spencer. Tinignan niya 'ko ng seryoso.
"Sino 'yun?" tanong niya.
"Si Spencer 'yun, sandali nga, hindi mo ata kasama si Anya? Nasaan siya? 'Wag mong sabihin na nagbreak kayong dalawa?" tanong ko.
"Grabe ka naman, break kagad? Kasama ko siya, nasa loob, kausap ni mama, ikaw talaga kung ano-anong iniisip mo" sabi niya. Napangiti na lang ako sa kaniya.
"Tara na, hinihintay ka na nila mama sa loob, nagluto pa naman 'yun dahil birthday mo" sabi niya at tumalikod. May naalala ako.
"Teka, samahan mo nga 'ko kuya," sabi ko.
"Huh? Saan?" tanong niya.
***
"Anong bibilhin mo dito?" tanong niya sa tabi ko. Huminto ako at tinignan ko siya.
"Ano bang magandang iregalo sa isang lalaki?" kunot noo kong tanong sa kaniya.
"Bakit mo 'ko tinatanong ng ganyan? May reregaluhan ka ba?" tanong niya. Agad akong umiling sa kaniya. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Naglakad na lang akong muli at nagtingin tingin ako dito sa mall ng pwede kong ibigay sa kaniya. Biglang may umakbay sakin at tinignan ko siya. Nakangiti ang loko.
BINABASA MO ANG
Bestfriend
Ficção AdolescenteFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...