Change Situation
GREY’S P.O.V.
“Class dismiss” sabi ng prof namin at nag-unat ako ng katawan ko. Sa wakas. Natapos din ang klase ko. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at binuksan ko ito. Binuksan ko ulit ang sim card ko para makareceive na ‘ko ng mga messages ni George.
Nacu-curious din ako kung anong mga messages niya sakin kahit papano. May pakialam naman kasi ako sa kaniya kahit papano. Sunod-sunod na tumunog ang phone ko kaya pinagtinginan ako ng medyo ng mga classmates ko. Ganito ka ba talaga kasipag mag-message sakin George? Sunod-sunod ah?
“Ang ingay naman ng phone mo,” sabi ni Zach habang nakangiti. Tinignan ko siya at bahagyang ngumiti.
“Ewan ko ba kay George,” sabi ko.
“Kausapin mo na kasi” sabi niya.
“Ayoko” sabi ko.
“Bakit? Nung nakaraan, gustong gusto mo siyang kausapin, pero ngayon, nagkabaligtad na kayong dalawa? Anyari? Kung kelan gusto na niya, ayaw mo naman” sabi niya. Masyadong unfair na sakin ang ganon.
Kung kakausapin ko siya ngayon, ang unfair na sakin dahil siya nung gustong-gusto ko siyang kausapin, ayaw niya ‘kong kausapin. Tapos ako, kakausapin ko siya kagad? Nirespeto ko desisyon niya, kaya irespeto niya din sana ang desisyon ko. Buong buo na ‘yun.
“Unfair sakin kung kakausapin ko siya ng ganon ganon lang, nirespeto ko desisyon niya, kaya irespeto niya din kung ano man ang desisyon ko” sabi ko at in-off ko ang phone ko.
“Kaya naman pala, medyo galit ka sa kaniya” sabi niya at naglakad na lang ako palabas ng room. Galit na kung galit, pero ito ang nararamdaman ko ngayon.
Ayoko talaga siyang makausap. Kahit gusto ko, mas gusto ko parin na hindi siya kausapin. Naglakad lang ako sa hallway palabas ng building. Pagdating ko sa parking lot, napahinto ako sa paglalakad dahil may nakaupo sa gilid ng sasakyan ko sa sahig. Hihinihintay ba niya ‘ko?
Pupunta ba ‘ko o hindi? ‘Wag na lang kaya? Pero ayokong mag-stay pa dito sa school na ‘to. Huminga akong malalim at naglakad ako papunta sa sasakyan ko. Napatingin siya sakin. Pero dere-deretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko siya tinignan. Binuksan ko ang sasakyan ko at naramdaman kong nilapitan niya ‘ko.
“Grey pwede ba tayong mag----“
“Hindi” putol ko sa kaniya at pumasok ako kagad sa sasakyan ko. Ayoko siyang kausapin ngayon. Wala akong panahon para kausapin pa siya. Pinaandar ko ang sasakyan ko at umalis na.
Hindi ko siya kayang kausapin. Natatakot ako nab aka hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi ko siya matiis. Alam ko naman sa sarili ko na kahiy papano, mahal ko parin siya. May pakialam pa din ako sa kaniya kahit na ayoko siyang kausapin ngayon.
Malay namin, baka magawa ko din siyang kausapin kapag nagtagal na, kapag pwede na. Pero ngayon, feeling ko hindi pa ‘to ang tamang oras para mag-usap kami. Ayokong maging second choice ako ulit. Ayoko na.
Pagkatapos niya kay Marcus, lalapit siya sakin, baka kasi, kapag ako na ang in-entertain niya, natatakot ako nab aka magamit niya lang ako, ayoko ng ganon. Ayokong maging rebound niya lang. Ayoko ng ganon.
Gusto ko na hanapin niya muna ang sarili niya. Tsaka, medyo may galit pa dito sa puso ko sa kaniya. Medyo galit pa ‘ko bilang kaibigan hindi bilang may gusto ako sa kaniya. Kaya sana, ako naman ang intindihin niya ngayon.
Gusto ko munang lumayo para kapag bumalik ako, hindi na hadlang kung ano man ang nasa past naming dalawa. Hininto ko ang sasakyan ko ng mapansin kong may nakakuha ng atensiyon ko. Isang babaeng naglalakad mag-isa.
Huminga akong malalim at pinaandar kong muli ang sasakyan ko. Huminto ako sa gilid niya at prumeno ako dahilan para medyo magulat siya. Napangiti na lang ako ng bahagya. Huminto siya sa tapat ng sasakyan ko at parang hinihintay niyang buksan ko ang bintana ko. Binuksan ko ang bintana ko at tinignan ko siya ng seryoso.
“Sakay na” sabi ko at tinignan niya lang ako.
“’Wag mo lang akong titigan, sumakay ka na, baka magbago pa isip ko” sabi ko at binuksan ko ang pinto sa tapat ng upuan na katabi ko. Tinignan ko siyang muli.
“Sasakay ka o aalis na ‘ko?” tanong ko. Huminga siyang malalim at umikot sa harapan ng sasakyan ko. Sumakay siya at tinignan niya ‘ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. Pinaandar ko ang sasakyan ko. Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. Ni hindi ako nagsasalita o kung ano. Kahit siya hindi nagsasalita. Wala din naman akong balak na kausapin siya.
GEORGE’S P.O.V.
“Ahm, uwi na ‘ko, kung…Gusto mo ‘kong kausapin---“
“Ayaw nga kitang kausapin” sabi niya at napatango na lang ako. Nakatingin ako sa kaniya pero hindi siya nakatingin sakin. Hihintayin ko kung kelan mo na ‘ko gustong kausapin Grey, kahit matagal, maghihintay ako. Ngumiti ako ng mapait sa kaniya.
“Kung kelan mo ‘ko gustong kausapin, palagi lang akong free,” sabi ko habang nakangiti ng mapait.
“Makulit ka, ayaw nga kitang kausapin, kaya ‘wag ka ng maghintay, hinatid lang kita, para sabihin sayo na tigilan mo na ang pangungulit mo sakin sa messages mo, nakakairita na,” sabi niya. Nararamdaman kong malapit ng bumagsak ang luha ko pero huminga akong malalim at ngumiti lang.
“Pero, hindi naman siguro masama ‘di ba? Magkaibigan---“
“Hindi kita kaibigan, kaya lumabas ka na” putol niya sakin. Parang dinudurog ang puso ko. Matatanggap ko pa na hindi talaga magiging kami. Pero ang itapon ang friendship namin? Parang hindi ko kaya. Parang hindi ko kaya na ang nag-iisang kong kaibigan na totoo, mawawala ng dahil lang sumugal ako sa maling tao.
“Walang matinong kaibigan ang magpapalayo sayo kahit nasasaktan ka na” sabi niya habang nakatingin sa malayo. Ayoko lang naman na masaktan siya.
“Naiintindihan ko kung galit ka sakin dahil hindi ako nakinig sayo at pinalayo kita---“
“Pwede ba tama na” putol nya sakin at tinignan ako ng seryoso.
“Tigilan mo na ‘ko” sabi niya kaya napayuko ako.
“Pinalayo mo ‘ko tapos ikaw din lang ang sisira nun? Hinatid lang kita para sabihin sato na layuan mo na ‘ko. Tigilan mo na ‘ko. Wala ‘kong kaibigang katulad mo. Matapos kang saktan ng lalaking ‘yan, lalapit ka sakin? Ano ako, ginagamit mo lang para hindi ka masaktan? Hindi ako gamit George, kaibigan mo ‘ko. Dati. Nirespeto ko ang desisyon mo, respetuhin mo din ang gusto ko. Lumayo ka na sakin.” Sabi niya at naramdaman kong tumulo na ang luha ko sa pisngi ko pero pinunasan ko kagad.
“Tigilan mo na ang pagme-message sakin, nakakainis na. Layuan mo na ‘ko. Kung ayaw mo, ako ang gagawa ng paraan para lumayo ka sakin. Katulad ng ginawa mo” sabi niya at agad agad na ‘kong lumabas ng sasakyan niya. Pumasok na ‘ko kagad sa gate at tumakbo ako papunta sa loob ng bahay. Nakita ko si kuya sa harapan ko kaya bigla ko siyang niyakap. Umiyak ako ng umiyak sa kaniya. Buti at wala pa sila mama at papa dahil nasa trabaho pa sila.
“Anong nangyari? Bakit ka umiiyak?” tanong niya at hinagod hagod ang likod ko. Umiyak lang ako ng umiyak sa kaniya. Ngayon ko lang narealize na mas mahirap pala kapag kaibigan mo na ang nawala. Ilang beses na ‘kong niloko ng mga lalaki pero ngayon ko lang na-realize na mas mahirap pala kapag kaibigan mo na sobrang malapit sayo ang nawala sayo.
Ang hirap na wala siya. Nagdoble-doble na ang sakit na nararamdan ko. Ang sakit na nararamdaman ko kay Marcus, at kay Grey. Sobrang sakit. Sobrang hirap.
“Ano bang problema?” tanong niya.
“Geoff---“ rinig kong putol na sabi ng pamilyar na boses sa likod ko.
“George? Okay ka lang?” tanong niya. Si Anya pala ‘to.
“Tama na, tahan na, ano ba kasing nangyari? Kung iiyak ka, ibuhos mo na lahat ngayon” sabi niya at mas lalo akong umiyak ng umiyak. Bakit kasi ang tanga ko? Bakit kasi hindi ko maramdaman ang mga dapat kong maramdaman? Bakit ba ang manhid ko? Bakit hindi ako makaramdam noon?
“Sinabi ko ng ‘wag kang iiyak dahil ang pangit mo, ang pasaway mo talaga” sabi ni kuya at mas lalo lang akong umiyak.
“Geoff!” sita ni Anya kay Kuya.
“Bakit? Ganon ka din naman, kaya ‘wag kang iiyak dahil ang pangit mong tignan” sabi ni kuya at hinagod hagod ang likod ko.
“Ewan ko sayo” rinig kong sabi ni Anya.
“Ang sakit sakit…” sabi ko habang umiiyak. Ang sakit sobra. Para bang wala akong magawa para mawala ang sakit. Ang sakit sobra. Hindi ko kayang alisin ‘to ng mag-isa.
“Tama na,” sabi niya at binitawan ko siya. Tinignan niya lang ako pero pinunasan ko ang ilalim ng mga mata ko.
“Ano bang nangyari?” tanong ni kuya at naglakad lang ako paakyat.
“Geoff, hayaan mo muna kapatid mo, kailangan niyang mag-isip” rinig kong sabi ni Anya. Hindi ko maiwasang hindi tumulo ang luha kong muli dahil sa mga narinig ko kay Anya. Ang sakit.
Doble doble ‘yung sakit na naaramdaman ko ngayon. Iniwan na nga ‘ko ni Marcus. Ni hindi na nga siya nagpaparamdam sakin. Wala ata siyang balak na ayusin ‘to. Pero bakit niya ‘ko gustong kausapin? Hindi ko alam. Ang hirap na.
Nawala silang pareho sakin. Ito na ata ang pinakamasakit sa lahat. Ang sakit dahil parang wala akong magawa para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Imbes na nandito sana ang kaibigan ko para sakin, wala din siya dahil kasalanan ko din naman.
Kasalanan ko kung bakit siya nagkakaganyan. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at umupo ako sa sahig sa gilid ng kama ko. Sumandal ako sa gilid ng kama ko at umiyak ng umiyak. Parang bumaligtad ang lahat dahil ako na ngayon ang nasasaktan at naiwang mag-isa.
Ngayon alam ko na kung bakit nasasaktan si Grey ng sobra. Alam ko na kung bakit siya nagalit sakin. Masakit pala talaga kapag nawala ang kaibigan mo na mas nakasama mo nan g matagal kesa sa boyfriend ko. Sana talaga mas pinili kita Grey.
Sana maibalik ko pa ang oras. Sana kaya ko pang ibalik ang lahat sa dati. Sana mahintay talaga kita Grey. Kahit nag alit ka sakin, mas hindi kita susukuan kesa kay Marcus. Bigyan mo pa sana ako ng isang chance lang para maayos ko pa ang lahat. Kahit friends na lang, okay na sakin.
Kahit hindi na tayo kasing close ng dati, matatanggap ko. ‘Wag lang ‘yung dumating sa point na talagang hindi na maayos pa. Sana hindi dumating sa ganong point. Hihintayin kita Grey. Hihintayin kita kahit matagal.
Hihintayin kita kahit sobrang tagal. Hihintayin ko kung kelan mo ‘ko gustong kausapin. Kung dati sinukaan kita para lang sa maling tao, ngayon hindi ko na gagawin ‘yun. Hihintayin kita.
***
Naghihintay ako sa hallway mag-isa dahil may iba pang klase si Cally kaya hindi ko siya kasama. Hinihintay ko din naman si Grey. Busy kaya siya? Kakausapin niya kaya ‘ko kapag tinanong ko siya? Kasi kahapon gusto niyang tumigil na ‘ko sa pangungulit sa kaniya.
Ibig sabihin, natatanggap pa rin niya ang mga messages ko? Baka ganon parin ang sabihin niya sakin. ‘Wag ko na lang kaya siyang kausapin? Baka kasi mas magalit lang siya. Pero wala namang mangyayari kung hindi ko susubukan. Mahirap sumugal dahil masakit kapag na-disappoint ka. Pero wala ding mangyayari kung papanoorin ko lang siyang mawala.
“Sino hinihintay mo?” rinig kong tanong ng nasa harapan ko kaya napatingin ako sa kaniya. Inis kong iniwas ang tingin ko. Pakialam ba niya sakin?
“Ewan ko sayo” malamig kong sabi.
“Tinatanong lang naman kita, masama ba ‘yun” sabi niya kaya inis ko siyang tinignan. Bakit ganiyan siya? Nakakainis na.
“Pwede ba ‘wag kang umarte na parang wala kang nagawa. Na parang hindi mo ‘ko nasaktan. Na parang hindi man lang naging tayo. At pwede ba layuan mo din ako?” inis kong sabi sa kaniya.
“Ang sungit mo na naman, alam mo, parehas ka ng kaibigan mo eh, napakabulag. Sana one day, marealize niyong dalawa ang ginawa ko” sabi niya at naglakad palayo.
Tinignan ko lang siya habang naglalakad palayo. Ano bang ibig niyang sabihin? Pakinggan ko kaya ang gusto niyang sabihin? Baka kasi may point naman siya. Hindi naman siguro masamang kausapin siya.
Hindi masamang sumugal. Kahit masaktan ako ngayon, medyo sanay na ‘ko. Baka kasi ako din ang magsisisi sa huli kapag hindi ko siya pinakinggan. Wala namang masama dahil pakikinggan ko lang siya, nasa sakin parin naman kung paniniwalaan ko siya. Huminga akong malalim at naglakad ako palapit kay Marcus.
“Marcus saglit” tawag ko sa kaniya at napahinto siya sa paglalakad. Humarap siya sakin habang nakangiti. Nag-iwas akong ng tingin sa kaniya. Huminga akong malalim saka tumingin muli sa kaniya. Tinignan niya lang ako na parang naghihintay ng sasabihin ko.
“’Di ba may gusto kang sabihin sakin?” tanong ko at nag-iwas ako ng tingin sa kaniya.
“Oo, bakit? Gusto mo bang marinig?” tanong niya. Tinignan ko siya ng seryoso.
“Kakausapin lang kita, pero ‘wag kang umasa na babalikan kita. Hindi ko makakalimutan ang mga ginawa mo sakin, masakit ang ginawa mo kaya ‘wag kang umasa na babalik tayo sa dati” sabi ko. Akala ba niya nakalimutan ko na ‘yung mga ‘yun? Hindi ko makakalimutan ang ginawa niya. Sumgal ako sa kaniya kahit na alam kong masasaktan ako dahil masasaktan si Grey tapos ginanon niya lang? Hindi ko makakalimutan ‘yun.
“Alam ko. Alam kong hindi mo ‘ko matatanggap ulit. Okay lang sakin ‘yun, basta mapatawad mo ‘ko” sabi niya.
“Ano ba ‘yung---“
“’Di ba ako hinihintay mo? Bat siya kasama mo?” tanong ng nasa gilid ko at hinawakan niya ang wrist ko. Napatingin ako sa kaniya at bahagyang napaawang ang labi ko.
“Halika na” sabi niya at hinila ako.

BINABASA MO ANG
Bestfriend
Ficção AdolescenteFriendship is the most valuable thing we ever had aside from living here on Earth. Friendship is everything, they can be our home when we feel so frustrated. They always there when the most painful days had come. They tried to sit beside us just to...